(Note: "---" this is a sign of change of POV)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Kuya, ano ba?! Ala-una na! Aalis na tayo! Tulaley ka na naman jan!” sigaw ng kapatid ko na si Cherry sakin pagpasok niya ng kwarto ko.
“Panira ka talaga ng moment kahit kailan. Susunod na ko. Lumabas ka na.”
“Bilisan mo ha?” pahabol pa niya bago siya lumabas ng kwarto ko.
Pupunta kami ng barkada ko ngayon kasi sa Boracay. Huling hirit daw bago bumalik sa school. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko. Nag-iwan na lang kami ng note kina Mama sa ref na nakaalis na kami. Nasa office pa kasi sila. Hinanda naman na ni Mama ang mga pagkain namin bago sila umalis ni Papa pa-office.
Ako pala si Orange. Oo na, pambabae na pangalan ko. Mahilig kasi kumain ng prutas ang nanay ko nung nagbubuntis siya samin ng kapatid ko, kaya ayan, nadala niya hanggang sa pangalan namin ang hilig niya. Hindi kami mayaman. Saktong yaman lang ba. Hindi kami spoiled ni Cherry. Lumaki kami na hindi pala-hingi sa mga magulang namin ng kung ano-ano.
Matipid ang pamilya namin, pero pagdating sa mga bakasyong ganito, all-out kami. Ani namin, minsan lang mangyari to kaya dapat sulitin. Kaya ayun, one week kami sa Boracay. Wooooo!
“Ang tagal mo naman pare. Malalate tayo niyan sa flight natin eh”, sabi agad sakin ni Uno pagkasakay ko sa van nila.
“Tinitigan niya pa kasi si Mystery Girl sa phone niya” gatong naman ni Cherry. Binigyan ko siya ng ‘tumahimik-ka-lagot-ka-sakin’ look at nag-make face lang siya.
“Tama na nga yan. Kuya Obet tara na po” saway samin ni Uno. At ayun na nga, umalis na kami papuntang airport.
“Kuya Orange, dahan-dahan sa pag-titig. Mamaya lusaw na yang cellphone mo” sabi ni Dos sakin na natatawa pa nang mapansin na nakatingin ako sa cellphone ko.
“Gago” sagot ko sabay tago ng cellphone ko at labas naman ng Ipad ko para mag-laro.
“Hoy Kahel, iba na yang kabaliwan mo jan sa mystery girl na yan ha?” sabi ni Uno sakin na nasa passenger’s seat.
“Hindi pa naman. Hahaha! Medyo pa lang” pagbibiro ko habang naglalaro ng Candy Crush para hindi nila mahalata na kinakabahan ako sa pupuntahan ng usapan namin. Ayoko kasi ng mga ganitong usapan, ung parang nasa hot seat ka at may ilaw sa taas ng ulo mo?
“San mo nga ulit nakita yung babae na un?” tanong naman ni Louie.
“Sa Medi Mall niya daw nakita yan. Stalker lang ang peg mo Kuya Orange?” natatawang sabi ni Nina saken na katabi ni Cherry sa likod. Nako talaga tong si Cherry! Napaka-chismosa.
Magkakapatid kami sa barkada. Si Uno at Dos, mag-kuya. Ganun din kami ni Cherry, pati na rin si Louie at Nina. Si Jerry lang solong anak samin. Pareho kaming 19 na nina Uno, Louie at Jerry. Ung tatlo naman, pare-parehong 17 pa lang. Childhood friends kaming lahat kaya open kami sa isa’t-isa.
“Patingin naman ako ng Mystery Girl mo bro” sabi sakin ni Jerry.
“Wag na. Agawan mo pa ko. Hahaha!” sagot ko kay Jerry para wag na mangulit.
“Grabe ka naman. Di kita aagawan ng babae uy! Hahaha!” sagot ni Jerry sakin. Nagkatawanan naman kami sa van.
At last, natapos na rin ang interrogation nila at andito na kami sa airport. Wala nang magtatanong pa tungkol sa kanya!
Natapos ang lahat ng dapat gawin sa airport at nakarating kami sa Boracay ng 5pm nang walang sagabal. Pagtapos namin mailagay ang mga gamit namin sa hotel na tutuluyan namin, nagpunta na kami ng beach. Nag-swimming naman agad sina Cherry, Nina at Dos kahit pagabi na. Kami naman nina Uno, Jerry at Louie, naupo muna sa buhanginan para makapag-pahinga. Ito ang trip namin magbabarkada; mag-unwind at mag-travel.