Part 3

4 0 0
                                    


Kinaumagahan, masigla akong gumising dahil mamamasyal kami nina Ate Jen sa tabi ng dagat. Pagbukas ko ng pinto, si Leo na agad ang tumampad sa paningin ko.

"Ang tagal mo namang lumabas, kalahating oras na ako ditong nag-hihintay." likramo nya.

"Sinabi ko bang mag-hintay ka?"

"Ikaw, hindi pero si Ate, oo. Sumunod ka na, mag-aalmusal na tayo. Sasamahan pa kita sa tabi ng dagat."

"Sasamahan? As far as I know si Ate Jen kasama ko hindi ikaw."

"Umalis sila ni Ate Lex at ibinilin ka nila sa akin, kaya wag ka nang mag-likramo."

Kinuha ko ang cellphone and texted Ate Lex.


[Text Convo]

Me: Ate bakit nyo ako iniwan dito? Di mo man lang ako tinawagan or text, kinatok, ginising? huhuhu. Save me!! I'm with Leo, alone!

Ate Lex: I know, right! hehehe Spent time with your crush :)

Me: (What the!?) So you planned this? And FYI, he's not my crush!

Ate Lex: So if that's the case, you have nothing to worry about, right? Unless your falling inlove for him.

Me: Agad agad? Sobra ka naman, Te!

Ate Lex: Whatever! You told me he's cute, remember?

Me: (typing)

May humugot ng phone ko---si Leo.

(O.O)

"Akin na yan!" Inaagaw ko ang phone ko sa kanya. Itinaas nya ang kanyang kanang kamay kaya di ko maabot. Talon ako ng talon na parang bata. "Unfair! Palibhasa matangkad ka kaya ginagawa mo 'to sakin."

"Sabi ko mag-aalmusal na tayo pero text ng text ka. Sino ba 'tong ka text mo, boyfriend mo?" Akma nyang bubuksan phone ko.

"Huwag!" Malakas kong sigaw.

"Bakit? Tinitingnan ko lang naman kong sino ka text mo ah."

Hindi mo dapat mabasa na sinabi kong cute ka. Baka kasi malaman mong crush kita. Wait! Did I just said "crush". No! no! no! Nag-papanic na ako.

"Wala kang karapatang basahin ang inbox ko o paki-alaman ang phone ko because that's my property!"

"Hindi ko naman aangkinin 'to eh, ibabalik ko lang 'to kapag naging mabait ka sakin," ngumisi sya at dumarecho sa kusina.

Wala na akong nagawa kundi huminga ng malalim. Badtrip wala pa naman pass code phone ko.

Habang nag-aalmusal ay parang hindi ko magalaw ang pag-kain. Paano naman kasi ang kasabay ko at nasa harapan ko pa sya. Idagdag pa natin ang phone ko na inilapag nya malapit sa plato nya. Napansin nya ako at kinuha ang phone sa lamesa at inilagay sa bulsa ng jacket nya.

"Oh! Hindi mo yata ginagalaw ang pagkain mo. Bakit on diet ka o nag-hihintay ka pang subuan pa kita?" sabay bungisngis nya.

Kung hindi lang masamang magalit sa harap ng pagkain, malamang sinagot ko na sya ng masama. Kaya nag-timpi at kumain na lang ako, inisip ko na lang na wala akong kasama. Pagkatapos ng almusal nag-paalam muna sya na mag-bihis sa kwarto nya kaya nag-hintay ako sa labas ng bahay. Mayamaya lumabas na din sya. Tininggan ko say mula ulo hanggan paa, di naman yata sya nag-bihis, hinubad nya lang jacket nya.

"Phone ko?" pabulong ko sa sarili habang naka-simangot.

"Nakaka-selos naman, ako 'tong nandito tapos yan pang si phone bukang bibig mo?"

Narinig nya sinabi ko?

"Tsee.. Wag mo akong kakausapin hanggang di mo binabalik ang beloved phone ko." Tumalikod ako at nauna nang mag-lakad.

"Ehem...This way to the ocean."

Lumingon ako at nakita ko syang nakaturo sa opposite direction.

"'Bat di mo agad sinabi?" Di ko na hinintay sagot nya at deretchong nag-lakad, narinig ko na lang na napa-buntong hininga sya.

Why I'm so mean to him?

Nasa tabing-dagat na kami. Ang sarap ng ihip ng hangin at ang ganda ng buhangin pero panis naman ang laway ko. Dahil hindi ko na natiis ay nakipag-usap ako kay Leo kahit labag sa loob ko. "Palagi ka bang nandito?"

Tumigil sya sa pag-lalakad, tiningnan ako saka lumingon sa kanyang kanan at kaliwa. "Ako?" sabay turo sa sarili.

"Malamang dahil ikaw lang ang nandito."

"Ba malay ko baka itong starfish ang tinatanong mo." pinulot nya ang starfish sa buhangin. "Diba sabi mo wag kitang kausapin? Grabe you can't really resist my charm, di mo ko matiis no?" dagdag nya.

"Kung nakakapag-salita lang yan mas gugustuhin ko pa na yan ang kausap kisa sayo. At wag kang assuming crush kita."

"May sinabi ba akong crush mo ako?"

Napa-isip ako sa sinabi nya. Asar naman ho. Tinalikuran ko sya at lumusob sa tubig.

Hehe . . Feel my revenge. (evil laugh)

Kasabay ng malakas na alon ay sinipa ko ang tubig sa kinatatayuan ni Leo. "Anong... 'bat mo ako binasa?"napaatras sya. Too late basang-basa na sya.

"Ano ba ang ginagawa sa dagat? Naliligo at nag-babaasaan diba?" katwiran ko.

"You're going down." Tumakbo sya patungo sakin at yon nag-habulan kami sa tubig. Simula non minsan na lang kami nag-aaway.




Ocean's Summer MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon