Part 1

536 5 0
                                    

Bang's POV

Magdadalawang lingo palang ng nakilala ko siya pero parang ang gaan na ng loob ko sa kanya. Mabait siya, magalang, supportive sa teammates niya, at sobrang galing niya maglaro ng volleyball. Hindi nga maalis sa isipan ko kung paano kami nagkakilala, kinikilig ako kapag naaalala ko yun. Ganito kasi yun, nasa Boracay kami para sa isang volleyball event ng nagkita kami ng mga volleyball friends ko na sina Carmela Tunay at Kim Fajardo kasama nila ang mga teammates nila kasi kasali din sila sa event.

Kim: Sumigaw ng malakas, "Bang! Bangnita! Bang Pineda!"

Carmela: "Bingi talaga itong si Bang."

Kim: Sumigaw ulit, "Bang!"

Bang: "Uy! Carmela, Kim, andito din pala kayo. Pasensya na di ko kayo masyado marinig kasi ang ingay daming tao. Kanina niyo pa ba ako tinatawag? Sorry talaga."

Carmela: "Oo, Bang. Namaos na nga 'tong si Kim kakasigaw ng pangalan mo. Hahaha."

Kim: "Pano kasi busy siya. Kala mo naman kung anong pinagkakabusyhan. Wala na nga akong boses oh."

Carmela: "Ang OA mo talaga babe."

Kim: "Hahaha."

Bang: "Kamusta kayong dalawa? Tagal din nating di nagkita ha."

Kim: "Oo nga eh."

Coach Sherwen: "Bang, halika muna dito."

Bang: Patakbong sabi, "Sige, tinatawag na ako ni Coach. See you around love birds."

Kim: "Wait. Bang! Punta ka mamaya sa opening."

Bang: Sumigaw, "Sige! Kitakits."

Kinagabihan sa opening ceremony...

Carmela: "Bang, buti nakarating ka."

Bang: "Oo, wala din naman akong gagawin sa hotel eh."

Carmela: "Nakita mo si Kim?"

Bang: "Hindi eh. Akala ko ba magkasama kayo?"

Carmela: "Hindi eh. Hinatid nya ako sa mga teammates ko kanina after natin magkita at pinuntahan nya din yung teammates nya."

Bang: "Ah, ganun ba? Wala pa akong nakikitang anino ng mga taga La Salle eh."

Ilang minute ay may sumigaw...

Kim: "Babe! Bang!"

Bang: "Oh, Carmela ito na yung hinahanap mo."

Carmela: "Bakit ang tagal mo babe?"

Kim: "Pinilit ko pa kasi yung mga teammates ko na umalis na kami kaso di pa tapos mag-ayos yung iba."

Carmela: "Ah, ganun ba? Hanap tayo maupuan dun sa harap."

Kim & Bang: "Sige."   


BARA (The Pineda & Galang Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon