Alam natin lahat na nagsimula ang pagmamahalan kila Adan at Eva, pero ang paghihiwalayan kaylan kaya ito nagsimula? Weird. Bakit ba kase natin kailangan umibig? Para mapadama sa isang tao na mahalaga siya? Siguro ganon nga. Pero bakit sa iba hindi maganda ang resulta nauuwi sa hiwalayan. Nasasaktan sila dahil dito. Magagalit, maglalabas ng sama ng loob. Minsan nangyayare din ito sa hindi pagkakaintindihan. Iyan, bobo, nawala tuloy sayo, ang tanga tanga mo. Minsan kase nami-miss understand tayo. Bakit ba minsan makitid ang utak naten? Sana kasing talino natin si albert para wala tayong magawang mali. Hay buhay!
Minsan nakakainggit na nakikita mo ang mga couple na very sweet sila sa isat isa. Minsan napapatanong na lang tayo sa sarili naten, kalian kaya darating ang one true love ko. Minsan nga hinihiling naten sa diyos na sana makita ko na siya. Minsan may biglang darating ngunit sa huli malalaman mo na hindi pala siya yun. Masakit yun! Alam mo yung akala mo siya na talaga binigay mo na lahat lahat kase mahal na mahal mo siya. Pero ang mas masakit na mahal mo nga, mahal ka ba? Mahal mo nga may mahal namang iba.
Bakit ganon ang mga babae ngayon ay nasasaktan kaya gusto nila ng loyal na lalaki, darating si loyal hihiwalayan ng babae. Bakit ganon? Hindi nila alam kung anong sakripisyo ang dinanas mo makita ka lng, mahalin ka lang. ito pa isa, hindi lahat ng pagibig ay hindi nadadaan sa material ang kailangan lang ay TRUST at LOYALTY, pero paano kung wala yan, edi wala rin kwenta.
Sa bawat pagiibigan ay may dumadaan na pagsubok na kakayanin ninyo kung kayo ay may tiwala sa isat isa. Pano kung wala tiwala ang isa, edi wala yan patutungunan, mapupunta lang yan sa isang sayang na pagibig. Masakit ma-friend zone sobra nandiyan na eh, nawala pa. minsan siya ang may mali pero ikaw na lang mag-sosorry hindi talaga nila alam kung gaano magmahal ang mga lalaking loyal.. kaya girls pag loyal ang mga bf ninyo wag ninyo bitawan kasi kayo lng ang mamahalin niyan hanggang sa huling hininga nila.
}x_t