One Wrong Move (one shot)

29 3 7
                                    


Ika-8 ng hulyo alas 4 ng hapon. Isang binatilyo na nagngangalang Tyler David, anak mayaman at isang engineering student sa isang tanyag na unibersidad na Mapua Institute of Technology. Naghihintay siya sa isang sikat na amusement park sa Pasay.Nakasuot siya ng itim na damit na kung saa'y masusulyapan ang kalakihan ng kaniyang pangangatawan. Siya'y may katangkaran at mababakas sa kaniya na hindi siya isang pilipino dahil sa pisikal na pangangatawan. Maputi, matangos ang ilong at kayumanggi ang buhok. Mapapansin din ang pawis na tumutulo mula sa kaniyang ulong may asul na sombrero dahil sa init ng panahon at sa karamihan ng tao. Ilang ulit na rin siyang napatingin sa kaniyang relong takaw tingin.

Hanggang sa isang malaking ngiti ang kaniyang pinakawalan ng makita ang isang dalagang kumakaway sa kaniya. Tila isang modelo ang dalaga dahil sa katangkaran, kakinisan, at mukhang tila isang anghel. Kitang kita ang kaniyang kariktan sa suot nitong putting shorts, pulang sleeveless at hawak ang kaniyang mamahaling shoulder bag. Siya ay si Maddison Lopez, anak ng isang negosyante at isang fine arts student sa Ateneo De Manila University

"Hun, I am sorry I'm late...stuffs came up" pasigaw niyang sinabi habang patungo sa kinaroroonan ng binata.

"Hun, its fine I just came here a while ago so don't worry" tugon naman ni Tyler sa kaniya.

"Ah ganoon ba? Ok let's have fun and enjoy our day" sambit ni Maddison habang hinatak ang kamay ni tyler patungo sa bilihan ng ticket.

"Ok hun" sagot ni tyler at ninakawan ng halik sa pisngi si Maddison.

Ng sila ay nakabili ay pumasok na sila sa loob ng amusement park habang magkahawak ang kamay. Kitang kita sa kanila ang pagiging malapit at pagmamahal sa isa't isa.

"What ride here do you want to go first? Or do you want my personal ride hahha?" tinanong ni tyler habang tumatawa.

"stop it hun! Let's just go in the horror house first and face our fears because it's a couple of steps away so" tugon naman ni maddison.

Agad na tumungo ang dalawa sa ride na napagusapan at pumunta sa pilang may kahabaan.

May kadiliman sa loob at kitang kita ang mga estatwa na nakakatakot sa paningin. Nanlalamig ang mga kamay ni Maddison na nakahawak sa kamay ng kaniyang kasintahan. Ng biglang may bagay na ikinagulat ng dalawa ay agad na niyakap ni Tyler si Maddison upang pakalmahin. Nabawasan naman ang kaniyang takot at kaba dahil sa ginawa ng kasintahan.

" Don't be scared hun. I'm here for you and I'll never leave you alone here so just let me hold you this whole time" pabulong na sinabi ni Tyler.

Sumangayon si Maddison at kanilang tinapos ang buong session. Lumabas ang dalawa ng magkahawak ang kamay at biglang napatawa sa lahat ng pangyari sa loob. Nagikot pa ang dalawa at sumakay sa ilang mga rides. Na naging dahilan upang makaramdam sila ng gutom.

"Hun, I'm a little bit starving na can we take a break?"

"Ok hun I'll get you food stay right here"

Hindi alam ni Maddison na may hinadang surpresa ang kaniyang kasintahan. Binigay ni tyler ang Box ng doughnut sa kaniyang kasintahan. Laking gulat naman niya na hindi doughnut ang laman kundi isang box na may lamang kwintas. Napakaelegante ng kwintas na pilak na iyon. Halos tumulo ang luha ni Maddison ng isuot sa kaniya ito ng kasintahan at sinabing

" Happy anniversary hun! I hope that you like what I did for you" Tanging ngiti at luha lamang ang naisagot ni Maddison sa kaniya. Ngunit hindi pa dun natatapos ang lahat inabot ni Tyler ang kaniyang Cellphone at may ipinakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon