Kasalukuyang dumadaan ako ng school namin. NAMIN! Ibig sabihin kami ang may-ari ng school at ako ang kasalukuyang tinaguriang mataas sa school, it means takot lahat sakin maski mga professor.
Dahil once na binangga mo ako, magtago ka na sa pinaka ilalim ng lupa.
Kung icocompare niyo ako sa ugali ko. Mataray, Masamang ugali, well mabait naman sa taong mabait sa akin, at makulit.
"Uy Ash, bakit ganyan ayos mo?" salubong agad sa akin ni Scarlett pagdating sa classroom.
"Wala lang."
Oo nga pala, Ash yung tawag sa akin ng mga close ko. Pero kung hindi niyo ako close. Don't you dare call me Ash. Just Ashlynn.
Wala ako sa mood ngayon, kaya tahimik ako. Pero pag nasa mood ako asahan mong magsisisi ka. WAHAHA!
My name is Ashlynn Teagan. 19 years old. Half-Korean Half-Filipino. My Mom is a Filipino and my Dad is a Korean. Aaminin ko Badgirl ako, pero marunong naman ako lumugar sa pagkabad ko.
Mga Bestfriend ko nga pala si Scarlett, Belle. Tawag samin ay 3P means 3 Princess. Well, hindi sa nagyayabang ako marami akong suitor. Wala basted lang ang natanggap nila.
Yung mga tipo ko sa lalaki, medyo bad like me, makulit, yung tipong pag badtrip ako, kaya akong patawanin.
Only Child lang ako. At ang parents ko nasa ibang bansa. Dahil sa business syempre. Ako nga lang taga salo sa mga kayamanan. Sarap ng buhay ko at masaya pero may halong lungkot. Syempre hindi ako natutuunan ng pansin ng mga parents ko. Puro business nalang kasi. Hindi na nila namamalayan na lumalayo na ang loob ko sakanila.
First day ngayon pero late ang prof. Tsk.
"Goodmorning Class."
Oh, Speaking of the devil. Later na. Byee!!
***
Prince POV
First day ngayon pero late ako. Psh! Di kasi ako ginising agad ni yaya. Tch!
Wag na kayong magtaka kung ganyan ako magsalita. Isa lang naman akong Badboy! Psh!
Nag aaral ako sa Teagan University. Isa sa mga sikat na school sa buong Pilipinas.
Nandito na ako sa harap ng room ko. Pagpasok ko, nandun na ang prof.
"Goodmorning. Sorry. I'm late." Nakayuko kong sabi.
"Okay. Please seat beside Ms. Teagan." Sabi ng prof.
Umupo na ako sa tabi ni Ms. Teagan. Sa pinaka likod kami naka upo at bukod tanging kaming dalawa lang ang nakaupo sa likod.
My name is Prince Liam Sy. Prince for short. 20 years old. 4th year college na kami at ga-graduate na kami. Hindi lang ako makapaniwala na sa wakas ay makakapag tapos na din ako ng pag aaral. Business Management ang course namin. Ayoko man pero pinilit ako ng mga magulang ko na iyon ang i-take kong course. Ako rin naman daw ang magmamana ng kompanya nila Dad.
Isa akong badboy. Kung titingnan mo mukha akong mabait pero akala niyo lang yun. Meron akong mga kaibigan na sina Jack, Oliver, Kian. Sila ang mga loko loko kong ka-tropa. Hindi ko alam kung bakit nila natitiis ang pagiging suplado ko. Sabi nga nila isa akong cold.
Ano pa ba ang hahanapin mo? Gwapo, Matalino, Malakas ang appeal, Good kisser. Ako na. *wink*
***
Ashlynn POV
Nakakainis! Naka-tabi ko la itong Sy na ito. Fact: Hate ko siya kahit hindi niya ako kilala at hindi kami close. Duh? Hindi nga kilala eh.
Sabi kasi nila isa siyang babaero. Badboy. Okay, aaminin ko. Gwapo siya. Pero hindi siya ang ideal man ko. Hindi ako mag aaksaya ng panahon diyan sa babaero na yan.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Pinag-order ko na si Scarlett. Kasama ko ngayon sa table si Belle na kasalukuyang nang-huhunting ng boys.
"OMG! Ang gwapo talaga ni Prince Liam noh? Bagay kayo. Swear!" sabi ni Belle sakin.
Nasuka naman ako sa sinabi niya. "Ako? Bagay sakaniya? No thanks." mataray na sabi ko.
"Totoo naman eh. Bagay kayong maging couple. Dalawang badgirl at badboy. Ewan ko nalang kung hindi kayo sumabog sa pag aaway niyan." nakangiti niyang sabi.
"Pwede ba Belle. Mga imagination mo diyan eh noh? Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo." nakasimangot kong sabi.
Dumating si Scarlett at naki-chismis. "Uy oo nga bes. Bagay kaya kayo. Gwapo naman siya, Maganda ka naman."
I glared her. "Kung gusto niyo, sainyo na." hindi ko na sila pinansin sa pagdadaldalan nila at nagpatuloy na kumain.
Habang kumakain kami feeling ko may nakatingin sa akin. Paglingon ko sa kabilang side nagulat ako nang nakatingin siya sa akin. Oo sa akin dahil wala naman akong katabi, nasa harapan ko naman sila Belle at Scarlett. Tumingin ako sa kabilang side ko, wala namang tao.
Nagtaka ako. Ah! Baka naman ginagamit niya ang mala tinging babaero niya. Well wala akong panahon sakanya.
Sumakit sana mata mo kakayingin sakin.
YOU ARE READING
Mr. Badboy Inlove With Ms. Badgirl (On-going)
Teen FictionPaano kung magtagpo ang landas nila? Magiging hate ba nila ang isa't isa dahil pareho sila ng ugali? O magugustuhan dahil sa ugali nila? What if ma-inlove sila pareho sa isa't isa? What if hate na nila talaga ang isa't isa? What if si.. MR. BADBOY I...