Nasa isang kilalang couturier silang magkakaibigan para magpasukat ng susuotin na gown para sa kasal ni Sophia at Zach. Courtney's not in the mood. Nang mabalitaan na ikakasal na si Zach ay pakiramdam ng dalaga ay piniga ang puso niya.
"Courtney, you can have any style you want. Sa colors lang naman similar yung mga abay." Ngiti ni Sophia sa kaibigan. Naging abala silang tatlo sa pamimili ng kanilang susuotin. Sa totoo lamang ay pili lamang ang mga taong dadalo sa kasal ni Sophia at Zach. Ayaw ng matalik na kaibigan ng isang magarbong kasalan. Sa isip ni Courtney na kung siya ang nasa posisyon ni Sophia ay magarbong kasal ang nais niya. She wants everyone to know that she'll be the future wife of Zachary Dela Vega. Ngunit sa panaginip lamang iyon mangyayari.
"Hey Court, are you with us? May problema ba?" Nag aalala ng tanong ni Rizalyn kay Courtney.
"May naalala lamang ako. Sorry. Are you saying something?" Pilit na iwinaglit ni Courtney ang nasa isip niya.
"Tinatanong ko lang kung may napili ka ng design? Look at mine, I think itong design na lang ang para sa akin. Maganda hindi ba?" Nawala sa isip ni Courtney ang pagpili ng design para sa kanyang susuotin.
"Don't you think that's too simple? Hindi iyan bagay sa nag iisang tagapagmana ng mga Henaro na katulad mo, Sophia."
"Courts, I want a simple wedding. See? kayo nga lamang mga malapit sa akin ang inimbita ko." Simpleng ngiti lamang ang binigay ni Sophia kay Courtney.
"How lucky Zach is, he got you. Tiyak sobrang inggit ng mga kababaihan na nag aambisyon sa kanya and vice versa." Saad ni Courtney ngunit sa loob nito ay inggit ang nararamdaman.
"Yes, I am also lucky to have him. Sobrang nagpapasalamat ako at ibinigay si Zach ng maykapal." Napairap na lamang si Courtney sa ere ng sulyapan si Sophia. Tila ito parang nangangarap ng gising. Pinitik ni Courtney ang daliri sa harap ni Sophia upang makuha ang pansin ng ikakasal.
"You are madly inlove with him. Are you sure about this Sophia? Iilang taon pa lamang kayo na magkakilala and then you're marrying him." Sinabayan pa nito ng pag iling iling na parang pinararating kay Sophia na mali ang pinasok na sitwasyon.
"You will understand me kapag nainlove ka na Courts, you'll go gaga too." Pang aasar ni Sophia.
"Arrgghh! I won't be like you." Tinaasan nito ng kilay si Sophia.
"Can I interrupt? I think I like this dress. Simple lang pero napaka elegant." Kasabay niyon ang paglatag ng magazine sa harap ni Courtney at Sophia.
"Mukha ngang bagay iyan sa iyo Riz. I like that for you."
"I don't get you both. You're so plain and simple. You both look boring. Ito ang sa akin." Simpleng iniitsa ni Courtney ang isang manipis na magazine.
Mataman na tinitigan ni Rizalyn at Sophia ang litrato ng gown na nais ni Courtney. Halos manlaki ang mata ni Rizalyn ng mapagtanto kung anong klase ng design ang nais niyang suotin. Napa angat na lamang ang gilid ng labi ni Courtney. Isang see through iyon at bukas ang likod.
"Are you sure iyan ang susuotin mo? For God sake, Courtney! You're going to attend Sophia's wedding!" Singhal ni Rizalyn sa kanya.
"Oh come on, Riz. Hindi naman ako magmumukhang mahalay sa damit na iyan. I will wear something to cover some skin." Irap ni Courtney sa kaibigan.
"Nakakahiya kay Sophia Courtney!" Medyo alanganin pang paalala nito.
"This will be allowed Sophia. right?" Tango lamang ang sinagot ni Sophia sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/49419656-288-k927730.jpg)
BINABASA MO ANG
Unplanned And Outrageous
General FictionHer love for him is forbidden. The man she wants is Sophia's husband. What's all she is dreaming of is for him to notice her. Payag siya kahit may kahati pa. She'll do every thing even if, it means destroying herself... And then someone came and...