1st Night: Emi Michaelis

19 0 0
                                    

Emi's POV

Pumunta si Emi sa pintuan ng Rope Hallway at binuksan ang ito. Habang naglalakad siya sa hallway. nakita niya notebook ni Kaze sa sahig at pinulot ito. "Notebook ni Kaze 'to ah." binasa niya ang mga nakasulat dito.

"Kaze's Notes 1

Cauldron Mansion Investigation

Ang Cauldron Mansion ay isa sa pinakamalaking mansion na nagsasakop ng malaking area ng lupa. Sinasabi din nila na may kinalaman din ang lugar na 'to sa mga rituals. (Yun nga lang, hindi ako makanahanap na kahit anong mga detailed na libro tungkol sa mga ritwal na 'to.)

Yung last head ng Cauldron family line pinatay niya lahat ng household na nasa mansion. Maya-maya, may ibang pamilya na sinubukan tumira dun ay nawala. Dahil sa insidenteng tulad nito, wala ng bumibisita mansion ngayon, at nasa sirang lugar lang 'to.

Yun siguro ang dahilan kaya walang accounts ang mga ritwal, at tsaka kung bakit hindi naka-record kahit saan ang saktong lokasyon nung lugar.

September 3rd

May naramdaman akong masama simula nung pumunta ako sa mansion na 'to. Mag-iiwan ako ng notes sa notebook na 'to just in case na may mangyari sakin. Kailangan kong hanapin si Mr. Tucker at yung ibang kasama niya agad...sana hindi pa huli ang lahat!"

Emi's POV

Matapos mabasa ni Emi ang nakasulat sa notebook ni Kaze, "Kaze...and" damdam ni Emi. 'Andito pa kaya siya? I hope so.' isip-isipan ni Emi.

Naglakad siya hanggang sa makapunta siya sa dulo ng hallway. Sa dulo ng hallway, may nakita siyang camera sa sahig at pinulot niya ito. "Ito yung camera na dala-dala ni Kaze." Emi. Matapos niyang pulutin ito, may maikling flashback na naipakita kay Emi.

Kaze's POV (flashback)

In the flashback, maraming kamay ang humahabol kay Kaze, habang ang iba naman ay nasa dingding. 'Hindi maganda 'to.' isip-isipan ni Kaze habang hinihingal sa pagtakbo.

Habang tumatakbo si Kaze, tumingin siya sa likod niya at may nakita siyang babaeng nakasuot ng pangkasal at takip ng buhok ang kanyang mukha na kumokontrol sa vectors na nasa paligid ni Kaze.

Patuloy naman ang pagtakbo ni Kaze pero paunti-onti siyang naaabutan ng babaeng nakapangkasal. Tumalikod at huminto sa pagtakbo si Kaze tsaka na siya naabutan ng vectors at tinawag niya ang pangalan ng kanyang kapatid. "Emi." Kaze.

Emi's POV

Matapos makita ni Emi ang flashback ni Kaze, "Huh!" gulat ni Emi. "Si kuya ba yun?" tanong ni Emi at hinawakan ang kanyang ulo.

Sa likod ni Emi, may babaeng nakapangkasal na nagpakita sa salamin. Tumingin sa malaking salamin si Emi. Nang magulat si Emi, lumingon siya at biglang nawala ang babaeng nakapangkasal.

Pumunta sa next room si Emi at binuksan pinto nito na patungo sa Praying Room. Habang nasa Praying Room si Emi, nakita niya na umaakyat ang espiritu ni Kaze sa second floor. "Kaze?" tawag ni Emi habang tinitignan niya ng mabuti. Kinunan niya 'to ng picture at sinundan ang espiritu ni Kaze. "Kaze, t-teka!" Emi. Umakyat si Emi sa second floor nang bigla siyang may naramdaman na hindi maganda. "K-Kaze?" tawag ulit ni Emi. "Mas mabuti pa siguro kung hindi nalang ako aakyat sa second floor." Emi.

Hindi umakyat sa second floor si Kaze dahil sa naramdaman niya. Sa kanang sulok ng Praying Room, may lalaking multo naglakad patagos sa cabinet na nandoon. Piniktsuran ni Emi ito at pinuntahan niya ang cabinet sa kanang sulok. "Ano meron dito?" Emi. May babaeng nakatayo sa side niya at nilapitan siya nito. "Wah!" Emi. Tinuro ng babae ang camera na dala-dala ni Emi at tinuro naman niya ang cabinet. 'Bakit niya tinuturo niya yung camera at cabinet? Nagbibigay ba siya ng hint?' isip-isipan ni Emi. Tumingin lang ng sandali si Emi sa cabinet, bigla nalang nawala ang babae. "Huh? Asan na siya?" Emi.

EnshroudWhere stories live. Discover now