Sasha's POV
"Best, hindi ka ba napapagod? Eh, kanina pa tayo naglilibot dito ha... May bibilhin ka ba talaga? Mukha ka na ngang tanga sa pabalik-balik mo. Ano ba kasi ang title ng book?" Satsat ni Aimee habang hinahalughog ko pa rin ang mga shelves. Nandito kasi kami sa isang maalikabok na sulok ng bookstore at mga ilang minute na rin ang nakalipas. "The Fault in Our Stars by John Green..." Diretsong sagot ko, hindi pa rin bumabaling ang tingin sa kanya. "Ano? The Fault in Our Stars? J-john Green? Ew!! Ang cheap naman. Wala ka bang standards sa pagpili ng libro? I mean, sa loob ng bookstore na ito, ganyan talaga ang mga tipo mo? Marami namang mga libro diyan eh... Not that fictional-love-story thingy. It sucks! Alam mo, tigilan mo na ang pagpapantasya mo. Walang mabuting maidudulot iyan sa buhay mo. Kung ako sayo, tara na at umuwi na tayo..." Sinamaan ko siya ng tingin. "Well, it's just my opinion. Don't be that serious... Concerned lang talaga ako, baka kung ano pa kasi ang mangyari sa pag-iilusyon mo." Pagdadahilan niya habang naka-crossed arms. "Alam mo, kung wala kang ibang gustong gawin kundi ang dumaldal, mas mabuti pang tulungan mo na lang akong maghanap. Gets?" Sarcastic kong sabi.
Five days na lang kasi bago magsimula ang school year. Nag-aaral ako sa St. Warren Academy at isa akong sophomore dun dahil bagong lipat kami dito sa Pilipinas. Galing akong States kasama ang pamilya, pero umuwi kami dito para mag-aral. Kasalukuyan, nagkita kami ng bestfriend kong si Aimee. Siya ang kaisa-isahang taong maituturing kong kapatid. Siya lang ang tanging kaibigan ko na mapagkakatiwalaan sa lahat. Tuwang-tuwa nga ako sa pagkikita naming eh... At dahil sa sobrang pananabik na makasama ang bawat isa, naisipan naming mag-shopping ng mga kakailanganin. Notebooks, pens, scissors at kung anu-ano pang mga bagay na makikita namin. Yan tuloy, napadpad kami sa isang bookstore malapit sa pinanggalingan naming kanina... Hindi ko pa rin tinigilan ang paghahanap sa libro at halos kapkapan ko na ang buong shelf. Binusisi ko talaga nang mabuti ang bawat gilid nito na hindi ko na namamalayan na may papalapit pala sa aking likuran. Tumabi naman ito sa akin at mukhang bibili din ng libro. Hindi ko na pinansin dahil busy rin sa paghahanap kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa nang biglang may nahagilap ang mga mata ko... Napatahimik ang buong paligid. Ang walang emosyon na pagmumukhang meron ako kanina ay napalitan ng isang ngiti. Hindi nga ako nagkakamali, iyon na nga! Sa wakas, nakita ko rin...
Dahan-dahan kong iginalaw ang mga daliri para hablutin na sana ang libro, sabay pa kaming napahawak dito. Lumingon ako. Nakatitig siya sa akin... At aaminin kong GWAPO. Feeling ko na nga matutunaw na ako sa kakatitig niya eh. Mahaba ang pilikmata niya , singkit ang mga mata, matangos yung ilong, red yung lips... OMG! Kahit naka-white shirt lang siya at cargo pants, kitang-kita ang biceps niya. Ang hot niyang tignan... ANSABE?! Erase,erase,erase! Ano ba naman ang pinag-iisip ko? Walang kwenta! Ewan ko ba! Pero, ba't ba ako pinagpapawisan? B-basta! Ang importante ay mapasaakin na ang libro. Bago pa man iyon, "Gotcha..." Ano ba yan? Panira-moment! Nakikilig na nga yung tao, makiki-epal pa! N-nakikilig? Wait, what?! May sinabi ba akong ganon? Psh. Hayaan niyo na nga, ang pag-isipan natin ay kung paano natin makukuha ang libro sa kanya. "Uy! Ako kaya ang nakakuha niyan." Bulyaw ko kahit nakatalikod siya. "Tss." Yun lang ang isinagot niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Hoy! Ang sabi ko, bigay mo na iyan..." Hindi pa rin siya nakikinig. "Hoy!! Bingi ka ba?!" Sumigaw na ako. Paano ba naman, ako ang nakahanap pero siya ang kukuha? No way! Kahit pogi siya, hindi ko siya pagbibigyan.
Aba! Hindi pa talaga siya aawat ha... Etong sayo! *WHOOSH!* Kumuha ako ng libro at ibinato iyon sa kanya. " 'Yan ang nararapat sa mga taong hindi marunong makinig!" Sabi ko at tumigil na rin siya sa paglalakad. Humarap siya sakin at nag-smirk.
Awkward silence.
" What the f*ck did you say?!" Napatameme ako sa sinabi niya. Hindi ako makasagot. "What?!" Abot-tengang sigaw niya dahilan para mapatalon ako.
Lord, ba't po ba ganito? Gwapo nga siya pero ubod din ng sungit?
" A-ah, eh... Ang s-sabi ko... Ako ang nakahanap ng... Librong iyan. I-ibigay mo na sa'kin para wala nang p-problema." Utal-utal kong sagot. "You want this book?" Tanong niya. Tumango lang ako habang nanginginig. "Here." Inihulog niya ito sa sahig. Tumunganga lang ako. " What are you waiting for? Get it!" Pupulutin ko na sana iyon... " Waah!" Inapakan niya yung shoelace ko at ayun... Nadapa ako. Demonyo talaga!
Suot-suot ko kasi ang pink rubber shoes na bigay ni mommy at ang white knee socks ko. Pang-itaas ko naman ang t-shirt kong blue at mini-skirt kong yellow. Syempre, ang pinakamamahal kong glasses. At dahil naka-mini skirt ako, labas ang panty ko. Tumingala ako. Nakatingin siya sa... Dali-dali ko namang inayos ang sarili at tumayo sabay sigaw,"Manyak!"
Pinalo ko siya gamit ang mga kamay at pinaghahampas sa dibdib." Demonyo ka! Walang respeto sa babae! Ipapakulong kita!!!" Tumawa lang siya. " Well, kung ako demonyo, ikaw... Halimaw." Nagtatagalog din pala, may pa-english-english pang nalalaman.
"Well, kung ako demonyo, ikaw... Halimaw."
Tinawag ba niya akong halimaw? As in H-A-L-I-M-A-W?! Hmph. Sumosobra ka na talaga! "Ugh! Nakakainis ka! Napaka mo! Wala kang—" Bigla niya na lang hinawakan ang pisngi ko. Then...
HE KISSED ME.
I gasped. "Yan kasi eh... Kasalanan ng bunganga mo, ang ingay-ingay. Sana kung hindi ka burara, hindi kita hahalikan. Next time ha, tumahimik ka na." I gasped again. Inis na inis na talaga ako. Inipon ko ang lahat ng energy ko at... SLAP!
That's when I noticed na ang dami na palang taong nakatingin sa'kin as if I'm the worst person in the world. Well, hindi ko naman kasalanan noh? Bagay iyan sa kanya! "Halika na nga!" Hinila ko na si Aimee palayo na gaya ng iba ay nagulat sa ginawa ko. Bahala na...
***
"Ang harsh mo!" Sigaw ni Aimee in an accusing tone sabay higop ng frappe na binili kanina. " Ba't naman ako naging harsh?" "You slapped that hot guy!" Ugh. Nakalabas lang kami ng mall, nawala na yung shock silence niya. " Narinig mo ba kung paano niya ako kinausap?" "So?" "Aimee naman, eh! Tinawag ba naman akong halimaw, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko?" "Totoo naman 'di ba?" "Aray! Ang sakit... Akala ko ba mag-bestfriends tayo? Nakakita lang ng gwapo, nag-iba na ang ihip ng hangin." "Ewan ko sayo! At sayo na rin ito!" Inabot niya sa'kin ang frappe at tumakbo palayo." Hoy,teka! A-Aimee, huwag mo naman akong iwan..." Sinundan ko siya at binilisan ko ngunit hindi ko na siya naki... "Sh*t!" Sabi ng isang lalaki. "You?!" Bulyaw niya habang nanlilisik ang mga mata.
Lagot! Bakit naman sa dinami-dami ng matatapunan ko, siya pa?!
"Give me that..." Binigay ko naman sa kanya ang hawak kong frappe.Binuksan niya yung lid nung cup at nang malapit na siya sa'kin, dahan-dahan niyang ibinuhos ang laman nito sa ulo ko. Nang maubos ang cup, nakuha pa niyang ngumiti. " I warned you about it, but you never did." At tsaka umalis na siya. Ako? Naiwan akong basa at tulala.
BINABASA MO ANG
So Near, Yet so Far...
RomanceIto ang kwento ng dalawang taong magkaiba ang mundong pinanggalingan. Isang halimaw kung maituturing si Cassandra- makapal ang kilay, buhaghag ang buhok, maraming pimples, putok ang labi at isama mo pa ang glasses nito: NERD for short… Si Maxwell...