Plates

32 2 0
                                    

"Ry, tapos mo na yung plates sa Senior Design?"

"Almost, I'm still working for the last two. You?" Sagot ko kay Tristan. Which happen to be one of my bestfriends.

Nandito kami ngayon sa University Canteen, kumakain ng lunch. Crowded na kasi dun sa Canteen ng department namin.

I'm Dean Ryan Fuentebella nga pala, ang Mr. College of Engineering. Ahehehe. Well, gwapo eh.

"Tatlo pa, I'm still not on the mood of doing it"

"WTH man, the day after tommorrow na yung submission nun." Tinigilan ko ang pagkain at seryoso siyang tiningnan

"I know" nanghahapo niyang tugon

"Tsk tsk, bahala ka nga. Pag hindi ka nakapagpasa kasalanan mo yan"

"O--Ohh My, look who decided to joined the crowd" nakangising sabi ng kaharap ko habang nakatingin sa entrance ng canteen.

Lumingon ako para makita kung sino man ang tinutukoy nya at dahil na rin nacu-curious ako dahil nagsimula ng magbulungan ang ibang mga estudyante.

"Diba yan si Mira Lexine Altireza?"

"Yung Top Student sa College of Architecture?"

"Oo, siya yun. My gaadh sobrang ganda niya."

"Balita ko siya yata yung representative ng department nila sa pageant for Mr. & Ms. Leighton High"

"Panalo na yan for sure, beauty and brains"

Doon nakita ko ang dyosa ng buhay ko, (sighed) so gay. Si Mira Lexine Altireza, the girl I secretly love since my freshman year. Hindi naman sa torpe ako kaya hindi ko maligawan. Sobrang ganda niya kasi yung tipong mahihiya kang kausapin. Kaya nga nag settle nalang ako sa pagtingin sa kanya sa malayo.

"Dude, baka naman matunaw yan. Kaw din hindi muna maliligawan yan" nang aasar na sabi nitong kasama ko

"Shut up" nakatingin pa rin ako sa kanya habang nililibot nito ang tingin sa loob ng canteen. Hanggang sa tumigil ang mata niya sakin. Nagkatitigan kami at ang Baby ko ang unang nagbawi ng tingin. Hahaha, sheeet kinikilig ako.

"Yuck, ang bakla mo dude. Hahaha. Bakit di mo nalang kasi lapitan.  Hindi yung hanggang pagtitig ka nalang"

Tiningnan ko si Tristan ng masama. Kaya ayoko ko tong kasama eh. Puro pang iinis lang ang alam sa buhay.

"Anyway dala mo ba ung mga plates mo? Patingin nga."

"Yeah, Bakit anong gagawin mo?" Sagot ko sa kanya

"Basta, ilabas mo na"

Aba, loko to ah. Siya na nga naghihiram demanding pa. Nilabas ko yung tatlong finished plates na gawa ko at inabot sa kanya.

"Ingatan mo yan. Pag nagusot o nadumihan yan lagot ka sakin"

"Oo, to naman babalik ko din sayo agad"

Tinapos ko na ang pagkain, dahil 30 mins nalang start na ng next class.

"Kaw na talaga dude, these designs are awesome. No doubt you always got the highest grade"

ONESHOT: PLATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon