Ako na lang kasi. (One Shot)

182 7 4
                                    

Hi guys. Ayun. Matagal na po akong may account dito sa wattpad. Pero para lang makapag comment and makapag vote sa mga stories na binabasa ko. Pero dahil kagabi, I mean kahapon, di ako makatulog mula 11pm to 7am. Kaya nung mga past 1 am, nagsulat ako. At natapos ko sya past 3 am. Pero di pa din ako nakatulog. Kaya eto. I just tried. :) Sana magustuhan nyo! =))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hey! Hey! You! You! I don't like your girlfriend.

No way! No way!

I think you need a new one.

Hey! Hey! You! You!

I could be your girlfriend.

Ang tagal na nitong kantang to, pero ewan ko ba. Na-tripan ko pakinggan yung kantang to ngayon. Idol ko kasi si Avril Lavigne. Alam ko nga halos lahat ng mga kanta nya eh. May download ako nun sa ipod ko. Pero dito lang ako sa kantang to pinaka nakaka-relate ngayong oras na to. May super crush kasi ako. Yung schoolmate kong mayabang, suplado, hambog, mahangin, masungit, -- gwapo, mabango, mayaman, matalino, heartthrob, at every girl in our school’s dream man, si Lail Alexander Evans.

Teka, puro negative thoughts na nga ang pinipilit kong mag sink-in sa utak ko about sakanya dahil sabi ko magmo-move on na talaga ako. San naman nanggaling yun lahat ng papuring sinabi ko? Pero.. Haay. Totoo naman lahat yun! Pero, ayoko na sakanya. Ayoko na talaga. Ayoko ng magka-crush sakanya!

Apat na taon ko na kasi syang crush. Pero apat na taon na din akong nabbroken-hearted.

Naalala ko na naman tuloy yung una naming pagkikita ni Lail 4 years ago. ♥ Oo, firstyear pa lang kami non. Wala eh. Sa murang ead ko na yun, imagine 12 years old. Na-crush at first sight talaga ako sa kanya eh. *.*

*FLASHBACK*

Late na late na ako! San ba kasi yung room ko. Dapat pala sumama na ako kay mommy nung in-enroll nya ako dito e. 7:00 am ang first period namin, e 6:50am na. Palinga-linga ako at patakbong hinahanap ang Windscape Bldng. Rm 302 – I- Einstein. Lakad takbo ako hanggang sa di ko napansin may tao pala sa unahan ko. Nabangga ako sa kanya at napaupo sa daan.

“Aray!” Sabay kapit sa may pwet ko. “Ang sakit non ha!” Nagsabog lahat ng gamit sa file case ko eh.

“Miss, okay ka lang ba?” Tanong nya.

“Ay tokwa. Oo okay lang ako! Di nga ako umaray eh.” I almost rolled my eyes. Alam ko ang mean ko, pero, errrrr. Masakit talaga pwet ko eh.

“Miss, ikaw nga tong nakabangga sakin e. You’re supposed to be looking in your way.” Sabi nya habang tinutulungan akong pulutin yung mga papers  na laman ng file case ko.

“Yeah, right. Alam ko. Sorry. Male-late na kasi ako, di ko pa mahanap yung room ko.” Sabi ko na hindi pa rin inaangat ang mukha ko para makita sya.

“Oh, I see. Ano bang section mo? Di ka pa familiar dito sa school so I guess first year ka lang din.” Sabi nya habang isinara yung file case ko at mukhang tumayo na sya.

“I- Einstein, room 302.” Sabi ko, at kinuha ang file case ko. Tsaka ko lang sya napagmasdan. Ang tangos ng ilong nya. Ang kinis ng balat. Ang pula ng lips at ang tangkad nya para sa isang first year student. Mukhang laking America pa.

“Ah okay. Katabi lang pala ng room ko eh. Room 301 ako, Aristotle. Tara sabay na tayo.”At naglakad na sya. Sumunod na din ako. Alam pala room ko eh.

Ang gwapo nya. Literal. At wow ha, highest section sya, malamang matalino talaga sya. Ang hirap kaya ng entrance exam, bute nga second section pa ako sa Special Science Curriculum eh.

Ako na lang kasi. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon