Spending childhood with your sister is the best practice you can get to master the sport called Life.
-------
Lagi akong nakatingala sa ulap at kinakausap ka. Kung kaya lang bayaran ng pera ang makausap ka ulit siguro araw araw taung naguusap. I miss your smile, I miss your voice, I miss everything about you.
Sariwa pa ang sakit na naiwan dito sa puso ko.
Napahawak ako sa balikat ko ng biglang lumakas ang ihip ng hangin.
Nandito ako ngaun sa punto mo, Nakikita mo ba ko? Naririnig? Sana .
Isang taon na rin simula nung iniwan mo kami.
Kung nalaman ko lang ng mas maaga na may sakit ka sana nandito ka pa. Kung hindi nya lang tau pinabayaan edi sana napagamot ka.
Naaalala ko pa nung mga bata pa tau.
*****
Flashback (start of the story)
Masaya kong nilalaro noon si Erica ang baby sister ko. Masaya pa ang pamilya namin nung panahon na to. 8 years old pa lang ako at 1 year old naman si Erica. Lagi kaming may pasalubong kala mom at dad kapag galing sila sa office. Kahit bata pa lang ako nakikita ko kung gaano kamahal ni daddy si mommy noon. Nangarap pa ako nun na sana kagaya ni daddy ang mapangasawa ko pero nagbago ang lahat.
Isang araw bigla na lang hindi umuwi si dadddy ng bahay, eto ang unang beses na ginawa nya yun. Dahil hindi sya nagpapagabi o kung magpapagabi man sya ay tatawag sya at kakamustahin nya kami. Kung sino sino na ang tinawagan ni mommy noon para lang malaman kung nasan si daddy pero wala syang matinong sagot na nakuha. Kahit ang magulang ni daddy ay hndi sinagot kung nasan sya. Ayaw nila lolo at lola kay mommy at dahil galit sila kay mommy ay hndi nila kami nagawang tanggapin .
Ilang linngo na ang nakalipas ng maisapang umuwi ng tatay ko pero hndi para umuwi kundi para kunin ang mga natitirang gamit nya sa bahay. Wala pa kong naiintindihan noon pero alam kong nagaaway sila at kitang kita ko kung paano sampalin ni mommy si daddy at kung paano sya halos himatayin sa sobrang galit. Kahit wala akong maintindihan sa pinagaawayan nila may isang salita akong narinig na kahit kailan hndi ko makakalimutan. "may kabit ka?" ayan ang salitang narinig ko galing kay mommy bago nya sampalin si daddy. Imbis na sumagot si daddy ay tinalikuran na lang nya ang nanghihina at halos hndi na makahinga si mommy. Nung time na to dito ako unang natuto kung paano magalit at kasuklaman ang sarili kong ama.
Umiiyak si Erica habang yakap sya ni daddy pero nanatili lang akong nakatayo sa malayo at tinigtignan sya. Nakatingin lang ako sa magaling kong ama na unting unting lumalayo. Ipinangako ko sa sarili ko nung araw na un ay wala na syang babalikan sa amin. Ang daming pangyayaring nangyari sa amin pero hndi ako bumitaw at sinubukan kong magpakatatag. Naging mahina si mommy kaya't wala syang ibang ginawa kundi uminom at saktan ang sarili.
Di nagtagal ay namatay si mommy, hndi nya kinaya ang panloloko ni daddy sa kanya. Kaya naging makasarili sya, nagpakamatay sya at iniwan kami na wala man lang karamay. Bata pa kami para pagdaanan ang ganitong bagay. Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng perang ipangbuburol kay mommy. Gusto kong hanapin ang tatay ko pero hndi ko alam kung saang lupalop ba sya ng mundo nagpunta. Hindi ba nya tagala kami pupuntahan? tanong ko sa sarili ko. Hindi ba nya alam na patay na si mommy? . Hanggang sa mailibing si mommy hindi namin sya nakita . At makalipas ang isang linggo nabalitaan na lang namin na nagpunta na pala sa ibang bansa si daddy at nagpakasaya kasama ang bagong pamilya nya.
Sobrang hirap ng sitwasyon namin at ang ipinapasalamat ko ay kahit papaano ay may tumanggap sa amin pero hndi rin nagtagal un nang makatung tong ako ng 16 years old ay pinaalis na rin kami.