Chapter 2 - Multo

27 0 0
                                    

DANI'S POV

Room PGN 407

Dahan-dahan akong pumasok sa room habang nakatalikod pa ang prof. Nung malapit na 'ko sa pinakadulong seat, tsaka pa tumingin! Minamalas yata talaga ako.

"Good morning Miss?"

Lahat ng mga ulong nakatingin sa harap, umikot para makita ako. Literal na all eyes were on me.

"Dani po."

"Take a seat."

Umupo na 'ko. Mabait naman pala 'tong si prof e. Medyo may edad na s'ya pero maganda pa rin at sobrang smart looking.

"Just one advice. Buy an alarm clock."

Okay, okay. Academic Year 2009 - 2010, be good to me.

Nagbigay lang s'ya ng konting introduction tungkol sa accounting. The whole period went well.

Next subject, College Algebra. Bago dumating ang prof, inisa-isa ko ang mukha ng bago kong mga blockmates. I spotted Ena at tinuturo n'ya 'yung seat sa tabi n'ya. Pinuntahan ko naman s'ya kaagad.

"Ba't hingal na hingal ka kanina? First day na first day, mukha kang haggard. Dani, first impression lasts!" sabi ni Ena.

"Nag-stairs ako."

"Kung kelan late ka na, dun ka pa gagamit ng stairs?! Fourth floor 'to Dani, baka nakakalimutan mo. Hahaha." patawa namang sinabi ni Jako na nasa kabilang tabi ko.

"I saw Neil." bulong ko kay Ena.

"Ah."

Hindi na s'ya nagtanong ng kahit ano. Kilalang kilala na ako ni Ena. We've been together since nursery. Oo, mukhang imposible pero hindi. Loyalty awardees kami. Kung pagiging loyal lang ang pag-uusapan, wala na sigurong makakatalo sa'min ni Ena.

Next time ko na lang ikukwento sa kanya 'yung nangyari kanina. Siguro 'pag medyo nabawasan na 'yung hiya ko sa sarili ko. Umasa-asa pa kasi ako sa SLOW MO kahit na alam na alam ko namang sa mga teleserye at movies lang nangyayari 'yun.

"Nay! May ipapakita pala ako sa'yo! May picture na akong pwedeng ilagay 'dun sa column mo! 'Yung mga literary works mo. Sigurado akong magugustuhan mo. Actually, ito talaga 'yung dahilan kung bakit late ako."

"Sinisi mo pa ko." pangiti-ngiting sabi n'ya.

Sobrang na-e-excite akong ipakita kay Ena 'yung last shot ko kaninang umaga. Gusto kong makita kung ano ang reaction n'ya. Magugustuhan kaya n'ya?

I switched the camera on. Hinarap ko na kaagad yung screen kay Ena. 'Yun 'yung last shot ko kaya 'yun ang lilitaw agad.

"'Yan ba?" tanong n'ya.

Bigla kong naramdaman ang disappointment sa tono ng boses n'ya.

"Ayaw mo ba?" tanong ko.

"'Di naman sa ayaw ko pero-"

"Okay lang, Nay. 'Di ko na kailangan ng mga comfort words." pabiro kong sagot kahit medyo nalungkot ako sa reaction n'ya.

"Ang ganda ng kuha kaso-"

"Kung ayaw mo 'yan, pwede naman akong makakuha ng iba. Matagal pa naman 'yung deadline, 'di ba?"

"Dani!" inis na sabi n'ya. Lagi ko na lang kasing pinuputol ang pagsasalita n'ya. Alam ko na ang sasabihin n'ya e.

"Bakit?!"

"Okay naman. Gwapo. Pero hindi kasi fit sa topic ko. Puppy love 'yun Dani e."

"Wait! What?!"

Gwapo? Wala naman akong kinuhanang gwapo sa pagkaka-alam ko.

Tinignan ko nang maigi ang picture.

"Enaaa! Nakakainis naman!!!" sigaw ko.

Nakatingin lang sa'kin si Ena at nagtataka.

"Napano ka?" tanong n'ya.

"'Di naman 'to 'yung kinuhanan ko e. Puppy love 'yun Ena. Sobrang cute pa naman!!!"

"E anong nangyari sa shot mo? Ayan oh. Ano 'yan, minulto ka?" habang tinuturo-turo 'yung picture nung lalaki sa camera ko.

"Nagmamadali talaga ako kasi narinig ko na 'yung bell kaya basta-basta ko na lang pinindot."

"Tsaka Nay, kung minulto man ako, okay lang. Ayos lang multuhin ng gwapong multo. Joke! Hahaha!" pagpapatuloy ko.

"Tisoy, matangkad, singkit. Balak mo na yatang palitan si Neil? Hahanapin ko 'to para sa'yo, sige."

"Kung mahahanap mo. Hahaha. Sa dami ba naman ng mga nag-aaral dito."

"So, gusto mo talaga?"

"Oo naman! Gusto kong itanong sa kanya kung ba't ba s'ya paharang-harang!"

"'Di siguro, Dani. Hahaha. Nakakatuwa naman. Sa kauna-unahang pagkakataon, may lalaking pinagtuunan mo ng atensyon maliban kay Neil."

Dumating na ang prof namin kaya tumahimik na naman ang lahat.

"Before I start, follow this seating arrangement." at ipinakita n'ya ang papel na susundan namin.

Isa-isa kaming tumayo para makita ang tamang seat namin, alphabetical arrangement pala. Wala namang problema sa'kin 'yun kasi magkakatabi pa rin kaming tatlo nina Jako at Ena.

Gonzales, Ena S.

Jimenez, Jako D.

Lacsina, Dani Aaliyah C.

Tinignan ko ang seat ko, sa gitnang row, pang-apat na gitnang upuan. Nasa tabi ko si Jako at sa kabilang row naman si Ena.

Nang makaupo na kaming lahat, napansin kong walang umupo sa kabilang tabi ko.

"Ja, ayaw yata nilang tumabi sa'kin." biro ko kay Jako.

"Dani, kung 'di lang kita kilala, kahit 'di ko seat 'yang sa tabi mo, uupuan ko! Hahaha."

"Tumigil ka nga. Haha."

Naging interesado pa naman akong makilala s'ya. Magka-apelyido kasi kami pero hindi.

Laxina, Kino M.

Laxina o Lacsina?

"Class, may isang irregular student sa klase natin. Come in." sabi ng prof habang pinapapasok n'ya 'yung tinutukoy n'yang irreg. student.

"Ay, nakupenda!" gulat na gulat na sabi ko.

"Oh, napano ka?!" pati si Jako, nagulat din dahil sa reaksyon ko.

"Ena, look!" at tinuro ko ang lalaking papasok ng room.

"Ano ba Dani! Para kang nakakita ng mult-" naputol ang pagsasalita ni Ena 'nung makita n'ya 'yung tinutukoy ng prof namin.

"Take the vacant seat, Mr. Laxina."

'Yung nakakainis na sumira sa shot ko. 'Yung gwapong paharang-harang. 'Yung tisoy, matangkad at singkit. 'Yung ka-apelyido ko pero hindi. 'Yung kaisa-isang lalaking nakakuha ng atensyon at interes ko maliban kay Neil.

Lahat ng 'to, iisang tao.

At heto s'ya, papalapit sa tabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FlashbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon