Bossy, mataray at palaaway. Yan ang mga katangiang makikita mo kay Patricia, isang ordinaryong highschool student. Lingid sa kaalaman, isa rin siyang member ng S.I.G.A. (Special In God's Arm) group, isang samahan ng mga dancer na nabuo sa church. Ngunit sa lahat ng members, siya ang naiiba. Naiiba dahil hindi gaya ng isang worshipper, siya ay isang pasaway at walang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanya, dala na rin ng kanyang maagang pagkakaroon ng experience sa mga bagay na nararanasan ng isang ordinaryong studyante. Siya ay sawi sa pag-ibig na dahilan ng pagbabago hindi lang sa kanyang ayos at kilos kundi ang mahinhin niyang pag-uugali. Minsan ng dumaan ito sa buhay niya at hindi na siya makakapayag na mangyari ulit ito sa kanya. May mga nakikilala pa rin siyang mga lalaki sa buhay niya at sa tuwing nagkakaroon na ng malalim na ugnayan, agad na niya itong puputulin dahil alam niya na sa bandang huli, masasaktan pa rin siya. Kaya ipinangako niya sa sarili niya na kailanman hinding hindi na ulit siya magmamahal. Pero hindi niya inaasahang may darating pa ring mga taong magpaparamdam sa kanya na siya pa rin ay isang taong karapatdapat na respetuhin at mahalin ng buo. Isang magaling na dance choreographer na nakilala niya na hindi katigasan ang pagkilos ngunit may itinatagong kagandahang loob na paglalaanan niya ng pag-aalaga at kahalagahan, at isang kaeskwela na may kaastigan sa pananamit at pag-uugali ngunit isa ring mabait at maasahang kaibigan o “besfriend” na paglalaanan siya ng oras hindi lang bilang isang bestfriend.
Tanong niya, ito na ba ang time para makapagmove-on na siya sa kanyang history, o still love pa rin ang maghihilom sa kanyang brokenhearted na niyang puso?
BINABASA MO ANG
Secret Love
Non-FictionIsang average highschool girl si Patricia. Ngunit sa pag-uugali niyang pagiging Bossy, mataray at palaaway kaya maraming ayaw sa kanya. hindi lang iyan, marami rin siyang nagiging kaibgang lalaki kaya ganun siya kung umasta. Ngunit di niya inakalang...