Chapter 1

23 1 0
                                    


ROSE POV

Sabi ng mga kaibigan ko noon marami pa raw'ng lalaki magmamahal sa akin ng totoo. Pero kahit anong sabihin ng mga kaibigan ko ito pa rin ako nagpapakatanga sa isang taong minsang sinaktan na ang puso kong nagmamahal. At hito ako ngayon sa bahay namin nag iimahinasyon na naman sa lalaking mahal ko noon. Ahaiii, buhay nga naman eh no! kailan ko pa kaya makikita si MR.RIGHT GUY KO. Siya nga pala ako si Rose Gomez 17 years old , tahimik na babae paminsan minsan , minsan rin may tupak sa ulo pero sa lahat ng mga barkada ko ako lang ang malakas na mag imahinasyon sa mr.right guy. Siya nga pala kagaya ng sinabe ko my mga barkada ako na sina Janella , Patrick , Robert at kim sila yong best boyfriends ko sa buhay , sila yong andyan para sa akin pagmay problema ako sa aking pamilya at noong nagkaboyfriend ako at nasaktan andyan sila para tulongan akong maka move-on ky JOSH na siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ako naniniwala sa mga lalaking nagka gusto sa akin at sabihan nilan akong mahal raw nila ako . Pero hindi ako naniniwala sa sa mga sinasabe nila dahil alam kong sasaktan lang nila ako gaya ng ginawa ni josh sa akin. Kaya hito ako sa aking kwarto naghahanda na para sa bagong buhay ko . Etchos lang! nag hahanda ako para sa unang pasukan at syempre excited na ako dahil makikita ko nanaman ang mga kaibigan ko at 1 year more to go gragraduate na aking baklang kuya. Nakakaexcite talaga si kuya buti pa siya gragraduate na e ako ... Ahaii . Oha ! masyadong excited ako para sa kuya ko . hehehehe kaya napag desisyonan kung tawagan si janella (Dialing Janella) pero kahit anong dial ko sa bruhang babae na yon hindi naman sumagot. Tsk tsk tsk. kaibigan ko nga naman eh no..

Dahil hindi siya sumagot napag desisyonan ko ng bumaba dahil kanina pa ako tinatawag ng aking gwapong kuya ay este baklang kuya pala. Pero para sa akin lamang iyon kung baga tawag ko lang sa kanya pero sa totoo hindi talaga siya bakla lalaking lalaki siya. Habang pababa ako sa hagdanan laking gulat ko ng nadulas ako pababa. BADTRIP TALAGA!!! ang aga ata para batripin ako ng bakla kong kapatid. Tsk tsk . sino ba namang hindi ma babatrip sa kanya eh nilagyan lang naman niya ng pang padulas ang aming hagdanan. siya lang naman ang gagawa sa akin ng mga ganyan . Nagmamaang maangan pa ang bakla akala mo walang nakita . Kaya tumingin siya sa akin na nagpipigil tawa kaya masama ko siyang tinignan . Kaya tumayo sina mama at papa upang tulungan ako ..

Mama: Nak , okie ka lang?

Ako: Ma ang sakit ng pwet ko. ma may tanong ako ? (tumingin sa akin si mama) ma sino kayang pwedeng maglagay ng pampadulas dyan sa hagdan? (sabay tingin ko ky kuya)

Mama: Hindi ko alam nak , pero nakita ko si manang kanina naglilinis ng hagdan ..baka nakalimutan lang punasan ni manang.

Ako: ahh. ganon ba yon ma. baka yong iba dyan pigil tawa lamang na siya pala ang may pakana .(parinig ko ky kuya pero hindi pa rin siya kumibo)

Mama: Baka si nakalimutan lang ni manang na punasan Pagpasensyahan mo nalang si manang anak alam mo namang matanda na .

Kaya tinulungan ako ni papa para makatayo ng maayos at tinignan ko lang ulit si kuya ng masama. Dahil alam kong siya ang naglagay ng pampadulas sa aming hagdan sa totoo lang minsan may topak talaga ang aking kapatid kung baga minsan demonyo ang ugali . Minsan pinagtritripan talaga ako ng kuya ko. Pero kahit masakit ang aking pwet binigyan ko siya ng ngiti na alam niyang may mangyayaring masama si kanya kaya habang palapit kami sa hapagkainan e laking gulat namin nina mama at papa dahil bumabahakhak ng tawa si kuya ..

Kuya: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA , rose ang aga aga ang lampa lampa mo. hahahahahah ka dalaga mong tao tapos ang lampa lampa . mahiya ka naman rose . hahahahaha

Ako: hahahahahahaha . hindi naman ako madudulas sa hagdan kung hindi mo nilagyan ng pampadulas yong hagdanan!! Alam mo kuya yang mga ginagawa mo sa akin mga bata lamang ang gumagawa niyan. Isip bata ka kasing BAKLA KA . tsk tsk.

Kuya: Sinong bakla rose huh?!

Ako: Ikaw kuya , para kang bakla.. hahahahaha

Kuya: Grrrr. Lampang Palaka.

Ako: Pikon na si baklang isip bata. bleeeeeeehhh

Habang nag-aaway kami ni kuya sinita na kami ng aming nanay at tatay ..

Papa: Tumigil na nga kayo ENZO AT ROSE !! hindi na kayo bata para mag away pa!!!.

Mama: Tama ang papa niyo di na dapat kayo mag aaway dahil hindi na kayo bata, at pag mag aaway kayo wag sa harapan ng hapagkainan. At ikaw enzo (Turo ni mama ky kuya) bakit ginawa mo yun sa kapatid mo huh ???!!

Pero kahit si mama nagsasalita ang sama parin ng tangin namin sa isa't isa pero di namin namalayan na si nanay ay tumitingin lang pala sa amin.

Mama: Di paba kayo titigil huh!!! kailan pa kayo titigil ? pag may malubhang masaktan na sa inyo !! doon lang ba kayo titigil enzo , rose ?? ANO ENZO AT ROSE ?? SAGOT!!!

Patay galit na talaga si mama kaya inunahan ko ng mag sorry kahit labag sa aking kalouban ... tsk tsk.

Ako: mama , papa , kuya (masama ang tingin ko sa kanya) sorry diko na uulitin.

Kuya: mama , papa , rose (masama ang tingin sa akin) sorry diko na UULITIN ..

Mama: sgeh , na kumain na kayo nang makaalis na kayo . baka malate pa kayo sa school .

Ako at kuya: Okie po ..

(kain kain kain kain kain) nang matapos na akong kumain tumayo na ako at nag toothbrash na ako para makaalis na ako sa kitchen .. ayaw ko nang makita si kuya sa ngayon . kaya nang hingi na ako nang baon ko ..

Ako: ma baon ko po ?

Kuya: ako rin po ..

Ako: Epal talaga tsk .

Mama: Ito sayo rose (Sabay abot ng 300 pesos) ito sayo enzo (sabay abot ng 500 pesos)

Ako: Huh!! ma bakit 500 pesos sa kanya e sa akin 300 lang. Unfair naman yan ma. e 500 mo nalang ma sa akin ma please.

Mama: ensakto lang yan rose.

Sumabat sandali si kuya .

Kuya: Ma mauna na ako .

Mama: okie

Ako ulit ang nagsalita dahil di patas ang baon namin ni kuya.

Ako: pero ma!!?

Mama: rose wala ng pero pero insakto lang yan.

Kaya wala na akong nagawa kundi padabog akong lumakad . Di pa ako nakalabas ng pintoan namin tinawag ako ni papa.

Papa: Rose anak.

Ako: Bakit po pa?

Papa: Ito oh ..(sabay abot ng 300 pesos sa akin) e dagdag mo nalang sa baon mo.

Ako: Waaaaaaaaaaaahhhh!!! thank you thank you pa love na talaga kita.

Papa: Walang anuman . sgeh na baka ma late kapa at iwan ka nanaman ng kuya mo.

Ako: sgeh po pa thank you ulit sa 300 pesos . Bye pa ..

Hindi na nagsalita si papa. Ahaii swerte ko talaga sa tatay ko ang bait niya talaga . kuya ko naman iniwan nanaman ako BAKLA TALAGA . kaya wala na akong choice kundi magpahatid nalang sa aming driver . Ahaii . pero kahit ganon yong kuya ko mahal na mahal ko yon kahit minsan DEMONYO ang ugali non mahal ko parin siya .dahil kuya ko yon eh ... Pero ma swerte kami sa aming mga magulang dahil kahit pasaway kami mahal nila kami at binibigay pa rin nila ang kailangan namin kahit paminsan minsan pupunta sila sa ibang bansa para lang e manage yong mga business namin sa ibang bansa . pinaparamdam talaga nila sa amin na mahal nila kami kaya nagsisikap kaming mag aral dahil alam naming pinaghirapan yon ng aming mga magulang namin kaya mahal na mahal namin sila ..

Woooooh ... Tapos na ang chapter 1 ko .. wait nalang sa mga susunod na kabanata ... hehehehehehehehehehehe. pasensya na kung medyo maraming kamalian .. ALAM NIYO NAMAN NOBODY'S PERFECT .. :-) HEHEHEHE thank you ..



Lihim Na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon