Uhaw, Uhaw na uhaw ako sa atensyon mo
Akin ka lang....
Kahit alam kong niloko mo ko, Di ko magawang magalit sayo
Mahal Kita.
Yan ang rason kung bakit uhaw na uhaw ako
Uhaw parin ako sa pag ibig moAlam kong mali.
Maling ituloy ko pa itong kahibangan ko
Ako rin yung masasaktan
Ako yung talo
Kasi binibigay mo din naman yung atensyon na gusto ko!
Tanga! Pano kung iwan mo ko?
Pano kung mapagod ka na ibigay?
Natatakot akoKasi tapos na tayo.
Wala ng tayo.Ngunit uhaw parin ako sayo
Kaya alam kong maliMaling kinakausap pa kita
Maling hinihingi ko ang atensyon mo
Mali.
Mali ang lahat.
Maling naging tayo.
Sana hindi na lang naging tayo.
Ang sakit.
Ang hirap mong kalimutan!
Di ko kasi matanggap! Niloko mo ko!
Kung madali lang mag patawad....Kung madali lang.