I Wanna Grow Old With You

28 2 0
                                    


"Uniqca (You-ni-ka) ano ka ba tara na! Kanina mo pa tinititigan yang rubber shoes na yan! Halos araw-araw ka na lang ganyan kapag napapadaan tayo dito..Huy! Mala-late na tayo"

Hay...Kailan ka kaya mapapasakin ikaw na rubber shoes ka...Ang mahal mo kasi..Imagine 3,400 san ka pa?!

Actually matagal na sanang akin yan kung hihingi ako ng pera sa parents ko...Kaso ayaw ko ehh..Pag may gusto kasi akong bagay, ang gusto ko, paghihirapan ko hanggang sa makuha ko..Nag sa-save ako ng allowance...Naka 3,055 na ako—and it's been a month!

Kahit aabutin ako ng ilan pang buwan...Basta mapapasaakin din yan.

"Ewan ko sayo Uni, pag hindi ka nagmadali baka mauunahan ka pa! I-save mo nalang kasi yang buong allowance mo!"

Napasimangot nalang ako at binatukan siya..

"Anong pinagsasabi mo jan Stanley? Kung i-save ko yung buong allowance ko, edi anong kakainin ko? Kahit gaano ko kagusto na mapasakin yung shoes na yun eh hindi din naman ako papayag na yun ang dahilan para hindi na ako kumain noh! Health dapat ang unang priority natin!"

Ewan ko ba at pumalakpak siya..Anong nakain nito?

"Nice speech Uni. Nice nic— aray Uni! Nakadalawa ka na!Batukan din kaya kita jan!"

Hindi ko na siya sinagot wala din naman akong mapapala..Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school, at dere-deretso lang kami sa room namin, classmates kami eh...

At maya-maya pa ay break na namin...

Sabay na kaming pumunta sa canteen..

"Oh? Bakit yan lang ang meryenda mo?Halos 1 week ka nang ganyan ahh..San na napadpad yung matakaw na Stanley Rodriquez?"

Burger lang at mineral water yung pagkain niya..Sa pagkakaalam ko, umaabot hanggang 4 na klase ang kinakain niya..Fries, spaghetti, burger at pineapple juice... Tapos ngayon burger lang at mineral?

"Who cares?" Walang modong sagot niya..Nag-pout nalang ako saka ako kumagat sa footlong ko...

Anyway He is Stanley Rodriguez, kababata ko...He is good at sports lalo na sa volleyball...Salutatorian noong Elementary kasi nga, ako yung Valedictorian...Hahahahah...He plays drum and guitar...Mabait naman at may pagkagentleman...May pagkapilosopo lang minsan..

Gwapo? Ammmm....Gwapo na ba ang tawag sa isang tao kapag maraming nagkakagusto sakanya, pag laging may napapatili kung dadaan siya,pag maya-maya ay may sulat nalang sa locker niya? pag laging tinitignan siya ng mga tao, pag usap-usapan siya???

So yun na yun....Kayo na ang bahala...Hehehehe...

"Tapos ka na?" Bigla naman akong bumalik sa realidad..

"Huh?"

"Ang tanong ko, Are you done checking me out?"

"Oo" ewan ko ba at pati ako ay nagulat din sa nasabi ko...

Natawa nalang siya samantalang ako ay napatibgin nalang sa sapatos ko.

Pagdating ng uwian gaya ng dating nakagawian ko, pumunta ako sa locker room, at at pagtapat ko sa locker ko may nakadikit na naman na flower na gawa sa .....Yung isang uri ng papel na ginagawang flower pag may lamay? Yung pag mabasa eh nagkakakulay? ....Ammm basta yun yon.

The Rubber ShoesWhere stories live. Discover now