PROLOGUE

3 0 0
                                    

"Ayoko na . Pagod na pagod na ko . I know it will never work out . " Hindi ko mapigilang mapahagulhol habang tinitingnan ang kanyang kulay tsokolateng mga mata na puno nang pagsusumamo .

"N-no . D-dont give up on me babe ... please . We can make this work . I lov - " Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay pinigilan ko na siya .

"Tama na Mikael . Alam mong naglolokohan lang tayo sa simula pa lang . " But I'm a fool . I'm a fool for falling inlove with you knowing that you can't reciprocate my feelings . Ang sakit na sa akin pa mismo manggaling ang katotohanang dati'y pilit kong idenideny . Pero nakakapagod ding lumaban lalo na kung alam mong sa simula pa lang talo ka na . Hindi siya sa akin . Pahiram lang siya ng Diyos para sa panandaliang kasiyahan . At ngayon nga'y kailangan ko na siyang bitawan , isauli sa kung sinuman ang tunay na nagmamay-ari sa kanya .

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi . " Balang-araw , pasasalamatan mo 'ko sa ginawa ko Mikael . Sabi nga sa kanta 'you'll find someone who'll be the one that I could never be' at naniniwala ako dun . Mahahanap mo din sya . " At hindi ako yun .

Pinunasan ko ang aking mga luha at pilit na ngumiti sa kanya . Nakakapagod din palang magpaka'martyr . Sana pinagtagpo tayo sa ibang panahon at pagkakataon . Kung saan malaya tayong dalawa . Kung saan malaya akong mahalin ka . Hinawakan niya ang palapulsuhan ko pero binaklas ko ito . Tinitigan ko siya bago tumayo .

"Paalam Mikael ... " Bago pa man ako mapaiyak ulit ay tumalikod na ako at tumakbo . Narinig kong sinisigaw niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon . Tama na . Sumuko na ko . Hindi dahil duwag akong ipaglaban siya kundi dahil iyon ang tama . At kasabay nang paglisan ko sa lugar na iyon na syang saksi sa lahat na magaganda at mapapait na alaala sa buhay ko ay ang pag-iwan nang puso ko sa lalaking nagmamay-ari nito .

Someday , someone's gonna love me the way I wanted you to need me . Someday , Someone's gonna take your place .

Sana .

---

First story . Weew !
Hope y'all like it .

Love , Era .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IRREVOCABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon