Chapter 6 (Flashback)

15 0 0
                                    

Flashback

First year Highschool ako at bagong Transfer sa East Woodville Academy

As Usual kapag Bago ka sa School bago ang Lahat sa Paningin mo.. New Classmates , New Friends, Teachers, Sorrundings, lahat lahat ng Pwedeng mabago nandyan .

Pero wala naman akong dapat ipag alala dahil dito nag aaral si Faye ang Bestfriend ko .

Naging Maayos naman ang Pagtanggap Sa akin sa Eskwelahang ito. Maayos silang Makitungo..

Unang Araw ko dito sa E.W.A

Kaya Medyo hindi ko pa Kabisado ang mga Pasikot sikot . Hindi ko naman matawagan si Faye kasi alam kung may Klase siya ngayon..

Kaya bahala na Maglilibot ako mag isa.

Sa Unang Floor na nilakaran ko ay Nandun ang School Canteen, at May Coffee Shop din Ayos. Maraming Estudyante ang nakatambay sa Coffee Shop at nag ggroup study.. masasabi kung mayayaman ang mga nag-aaral dito. Bihira kasi ang Scholar dito. Halos lahat dito ay nag babayad ng Full Tuition.

Ilang sandali lang ay narating ko na ang Gym ng School

Maraming tao at naghihiyawan. May Laban ng Basketball. Siguro Gwapo at magagaling ang mga players ng School Grabe Kasi kung maghiyawan ang mga babae eh. Pumuwesto ako sa di kalayuan na natatanaw ko ang mga players Malinaw pa ang Vision ko kaya kahit malayo ay tanaw ko iyon

Nakita ko na may mga Hitsura naman ang mga Players maraming mga Bandera ang nagkalat
Kyle. Ang pangalan.nang may maraming Supporters sa dami ba naman ng Banners na Hawak nila at Todo Hiyawan ..Nakita ko ang Taong yun Kyle 15 ang nakalagay sa Jersey niyang Kulay Blue . At masasabi kong Gwapo siya at maapel talaga. Pero I don't Even Care kung Gwapo siya or what. Tinapos ko ang Laban nila at ang Team nila Kyle ang Nanalo sa Laro

Pagkatapos ng Laban agad nagsi lapitan ang mga Babae kay Kyle para icongratulate ito. Ng oras na iyon ay Lumabas na ako ng Gym

Hanggang sa Paglabas ay matunog ang Pangalan ni Kyle. Maraming Gwapong Players pero Kyle lang ang Tanging naririnig ko mula sa mga bibig nila.

" Ang Gwapo ni Kyle Grabe parang Nasa kanya na nga ang Lahat e. Gwapo, talented Mayaman. Ano pa ba ang wala sa kanya? " Ani ng Babae

"Girlfriend walang Girlfriend si Kyle at kahit kailan wala siyang Pinormahan dito sa School " ani naman ng Kausap nito

Lahat na lang si Kyle ang Pinag uusapan Hay Nako

Bumalik na ako sa Classroom namin 3rd Floor ang Room namin ngayon.

Nag Elevator ako Paakyat ng Room para Hindi na ako mapagod pa.

Pagdating ko sakto at papasok pa lang ng Room ang Teacher namin.

karamihan pala sa Classmates ko ay Supporters ni Kyle sila kasi yung mga nakita ko sa baba e...

At dahil Unang Araw naming Lahat nagpakilala kami sa Aming Teacher Isa Isa.at pagkatapos nun ay Inintroduce ng Teacher namin ang Subject na. Ituturo niya sa Amin.

Ilang Teacher ang Pumasok sa Room namin..para mag Lesson .. natapos na silang Lahat at Uwian na namin...

Sabay kami ni Faye kung Umuwi ng bahay kahit di magkatugma ang Schedule namin kasi mas maaga ang Uwian ko.. Hihintayin ko na Lang siya sa Canteen...

Araw araw ay Ganun ang naging Routine ko.. Lumipas ang mga buwan at Pareho lang ang Naging Dating. Naging maayos naman ang Paglipat ko sa School na ito.

Hanggang sa isang araw.....

Nagpunta ako sa Locker ko para kunin ang Notebook ko na iniwan ko kahapon ..

Pagbukas ko ng Locker

Ay agad na bumungad ang Bouquet of Pink Roses at Small Teddy Bear. At nag iwan pa ng Note :

To My Beautiful Queen Samantha

Huh!? Queen? Para sakin ba talaga to? O baka nagkakamali to. Sa pagkaka alam ko wala akong Kakilala dito bukod kay Faye na Bestfriend ko at ang alam ko din walang nakakakilala sakin dito. Kasi nga bago lang ako dito..kaya Imposibleng Para Sakin to diba. Pero kasi nasa Loob ng Locker ko..chineck ko ang Locker ko at Tama naman ang Nakalagay na pangalan Dito

.Lumingon Lingon ako sa Paligid Nag babakasakaling Makita ang Naglagay nito.. pero Wala...

Nung araw na iyon ay naging pala isipan sa akin kung Sino ang Nagbigay sakin ng Bulaklak at Teddy Bear..

Hanggang sa Naulit pa Ito Halos Linggo Linggo kung Maglagay iyon ng Flowers at Teddy Bear sa Locker ko.

Kahit anong Gawin ko ay Hindi ko talaga siya mahuli

Palagi kong inaabangan ang Pagdating niya sa Locker ko Pero Wala Talaga...

Sobrang Pala isipan Sakin Kung Sino talaga Siya..

Nung One Time nag Iwan ako ng Note para malamnn ko kung Sino Siya.. pero Hindi niya ako Sinagot..

Nung araw na din na yun nag iwan nanaman siya ng Note

Hi My Beautiful Queen
I Love You so Much

Sino kaaaaaaaaaaaaaaa!?

Kilala ba Talaga niya ako?

Paano? Gusto ko siyang Makilala Pero Paano nga? Eh kung sa mga Note na iniiwan ko hindi siya sumasagot.

Maraming katanungan ang Naiwan sa aking Isip. Na alam kung Walang maaring makasagot..

Nasabi ko na ito kay Faye at

Maging Siya ay Puno din ng Kaisipan sa Kung Sino yun ..

Ng binasa niya ang Ibang Note ay Para siyang Nababaliw sa Kakangiti. Kinikilig daw siya ng Sobra.

Pareho lang naman kami ng Nararamdaman ni Faye Ganyan din ako sa Tuwing sumusulat siya sa akin..

May kung anong hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko sa tuwing nababasa ko ang mga Note niya..

Maayos ang Pagkakasulat niya na aakalain mong babae ang Nagsulat nito......

--

Sana nagustuhan niyo yung Flashback ko kung ano ano lang Pumapasok sa Isip ko haha. :*

Love Will Lead Us Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon