What Love Can Do 4

11 0 0
                                    

may sumisigaw sakin . papalapit na ang train sa kinatatayuan ko hindi ako makagalaw. gusto kong umalis pero hindi ko magawa.anung gagawin ko.?!

pero maya maya may humatak sa kamay ko. hinila ako papalayo sa train.

napakapit ako sa katawan ni Lyndon napayakap ako sa kanya nakatitig kami sa isatisa kasabay ng pagihip ng hangin ng tren.

hindi pa ako umaalis sa pagkakakapit ko sakanya ng makaramdam ako ng irita.

nakita ko ang paa ko na nakalubog sa putik. gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa ayukong unarte sa harap niya. at nangibabaw sa kin ang gnawa niya sakin na pagligtas . siguro patay na ko kung hindi niya ginawa yun..

"Naku sorry miss hindi ko alam na may putik jan"

nakangiti lang ako sa kanya at nagpasalamat

"Halika na sakay ka na ulit"

sumakay kami at after ng 5 minutes

"Miss Cathy dito na po tayu"

bumababa kami at nagbayad na siya ng pamasahe. pumasok kami sa isang iskinita skwater padin. ayukong madikit sa kahit anung bagay .napakadumi dito kung pwede lang ulit maligo gagawin ko kasi i feel so dirty na . ng biglang hawakan ni Lyndon ang kamay ko.

"Dito po Miss Cathy pag pasensyahan nyo na po ang bahay namin"

pumasok kami sa isang kulob na bahay.

pinaupo nya ako sa sala at nagpaalam na bibili lang saglit.

"Goodmorning Miss Cathy. pagpasensyahan nyo na po yung bahay namin medyo maliit lang"

ngumiti lng ako. may dumating na matanda at i think na lolo ito ni Scholar Rat.

"aba ehh ito na ba ang magiging manugang ko? ke gandang dilag ah mukhang artista"sabi nung lolo

"tay! tumigil ka. nakakahiyA kay miss Cathy" sabi nung nanay ni Scholar Rat.

pero ano daw sabi ng matandang toh na may makapal na salamin? manugang? anu ba yun?

"eh nasan na ba yung batang iyon ayaw man lang ako ipakilala sa manugang ko."

Dagdag pa ng matanda

"ano ka ba tay tumigil ka na. nasa tindahan si Lyndon . bumili lang saglit. tyaka tay bata pa yang apo mo . madami pang pangarap yun hindi pa yun magaasawa."

asawa? so manugang means daughter-in-law?

dumating na si Lyndon dala ang binili niya.

"P-pansit?" tanung ko

"Ah oo . e pasensya na wala na kasing iba dun ee pero masarap naman to."

sabi ni Scholar Rat. habang sinasalin ang pansit sa mangkok at binubuksan ang coke na binili.

"Ah okay lang mukhang masarap naman"

sabay ngiti ko

inabot na niya sakin ang pansit at tinignan ang tinidor. walang cover yun lalagyanan nila ng tinidor so that means it is exposed to bacteria.

natigilan lang ako ng binigay nya yung coke

"Kainin mo na masarap yan.! ayy oo nga pala madumi pa yang paa mo. saglit kukuha ako ng palanggana na may tubig at sabon"

kinain ko na yung pansit. wow mas masarap pa to kesa sa inoorder namin na pansit sa mamahaling restaurants.

bumalik siya na dala na yung sinabi niya na dadalin niya.

pinataas na nya yung paa ko at lilinisan na gusto kong sawayin siya pero hindi ko maibuka ang bibig ko. nahihiya ako sa kanya. para akong statwa na hinayaan siyang linisan ang paa ko. nakatingin ang nanay niya at lolo nya saamin na nakangiti. nakatingin ako. hindi sa paa ko kundi sa mukha niya ang gwapo nya pag seryoso:'')

naubos ko naman yung pansit ang sarap pala.

mayamaya pa umuwi na kami nagpaalam nadin ako sa nanay at lolo nya.

pumara siya ng taxi mas maganda to kesa sa sinakyan namin kanina papunta. its like the ordinary cars . pero mahina lang ang aircon-___-

nakarating na kami sa bahay . siya na naman ang nagbayad. hmmm san naman nya nakuha ang pangbayad sa date namin?

"Well thank you. Thank you sa..."

nilakasan ko na ang loob ko. wala na kong magagawa para naman hindi na ko maguluhan pa.

"Is this a Date?" buong tapang kong tanung. pero bakit naman ako maghahanap pa ng tapang sa katawan ko.e alam ko naman na lagi akong meron nun diba cause im a devil. pero pag dating sa kanya nawawala ang devil attitude ko.

"Yeah!"

niyaya ko siya sa loob para magmeryenda man lang pero ayaw niya.

papasok na ko sa gate ng pigilan niya ako.

"Ahhm miss Cathy?"

"Yes?"

"pwede tayu magsimba bukas?"

"Simba ? saan?"

"basta pwede ka naman diba?"

"Ahh oo sige sunduin mo nalang ako mga 10"

"Sure miss... bye"

hindi na ko makatulog .:) excited na ko para bukas. magsisimba daw. pero hindi na talaga ako nagsisimba ang huling simba ko mga 8 years old ako. kasama si Dadi at Mami. wala ng sumunod kasi nawala nalang parang bula si mami. namatay na si mami. kaya nga ayoko sa kanya kinuha nya sakin si mommy . I really never feel Gods Existence . pero heto ako ngayun napapayag ni Lyndon na magsimba.

natutuwa akong kasama siya kasi para akong bata . napaka ignorante ko. hindi ko alam ang buhay sa labas ng mansion ko. Naturo nya sakin ang mga dapat at hindi dapat gawin . nagiging simple na ako. at kinda comfortable with that...

mga 8 palang gising na ko at nagreready na kahit na maaga pa. well ayoko lang ng may nagaantay sakin.

nanuod muna ko ng Movie .

"Miss. may bisita po kayu susunduin daw po kayo. Lyndon daw po ang name."

"Okay pababa na ako"

sumakay na ko sa elevator at bumababa.

"GoodMorning Miss" bati niya sakin na nakangiti ang gwapo niya sa suot niya na naka semi-fitted printed white shirt at nagbigay daan iyon para makita ang hubog ng kanyang upper body.

"Lets Go"

doon kami sumakay sa Taxi na sinakyan nya papunta dito . mukha kaming tanga na nagtitinginan lang . nakarating na kami sa Quiapo Church niya daw ako dinala. hindi ko inexpect na ganito kadami ang tao na nandito the half of my body almost wanna quit. i hate crowds you know that. pero hinawakan nya ang kamay ko at hinigpitan nya iyon . hindi higpit na masakit. kundi ang higpit na parang ayaw niya ko mawala. parang secured ako. nauna siyang lumakad

hawak pa din ang kamay ko siya ang naghahawi ng tao sa dinadaanan ko. kaya maayos naman akong naglalakad habang nakahawak padin ang kamay ko sa kanya.

"Dun tayo miss Cathy"

tinuro niya ang upuan kung saan medyo malapit ito sa altar. nakinig na siya sa misa. at lahat ng tao dun mukhang seryoso. may parte na kakanta. pero this time parang ang saya ko na makaapak ulit dito sa church . parang winewelcome ako ni God. parang gusto ko na laging pumunta dito.

may parte din dun na sasabihin ng pari

"PEACE BE WITH YOU"

nagsabihan naman ang lhat ng "peace be with you too"

lumapit ng bahagya sakin si Lyndon.

"Peace be with you miss Cathy"

"P-peace be with you too" tugon ko.

nakatingin pa din sya sakin at parang may gustong sabihin.

"Miss Cathy"

tinaas ko yung kilay ko na parang nagtatanong.

---

Maganda ba ? Comment kayu hahaha:D pa Fan nadin po.. THANK YOU

What Love Can Do? 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon