chapter three

0 0 0
                                    

Nag uwian na halos ang mga tao sa bar ngunit sina Maica at jennylou ay nasa loob parin.

,,Nasa labas pa ba siya,, tanong ni maica na si Jacob ang tinutukoy.
,,Oo,, mahinang sagot ng kaibigan habang nakasilip sa salaming bintana .
,,Ano ang gagawin KO ? Ayokong makipag usap sa kanya,,
,,Mabuti pa ay sa likod ka na dumaan palabas. Ako naman ay sasabay kay boss para kunwari ay nauna ka na sa akin. Kapag nakita mong umalis si Jacob ay saka ka na lang umuwi. Mag ingat ka sana ,, bilin nito .
,, Salamat jennylou ,,

Nagkubli siya  sa mga halaman sa likod ng bar. Mula roon ay tanaw niya sa parking lot ang binata. Kasalikuyan noting kausap si jennylou. Ilang sandali lang ay umalis na ang kaibigan niya, ngunit nanatili room so javob , tahimik na naninigarilyo sa pagkakasandal sa kotse nito. Iyon ang huling gabi ng pustahan ng barkada nito kaya desperado itong makausap ang dalaga .

,,Hayy, salamat....umalis din ang loko,, bulong ni maica sa sarili habang nakatingin sa papalayong kotse ng binata .

Nakasilaw ang liwanag ng headlights niyon kaya halos mapalundag siya nang bigla iyong tumigil sa kanyang harapan .

,,Get in! Now ,, galit na utos ni Jacob sa kanya.

Para syang napako sa kinatatayuan dahil sa takot at nerbyos .

,,Pag hindi ka sumakay ay kakaladkarin kita papasok sa loob ng kotse ko,, banta nito .

Walang imik siyang sumakay. Ipinarada nito ang kotse sa seaside.

,,Bakit mo ko pinagtataguan,, Galit na simula nito ,,Kailangan natin mag usap, maica ,,
,,Hindi ako nagpapahintay sayo at wala tayong dapat pagusapan,, Pagtataray niya .
,,Bakit ayaw mo maniwala na mahal kita ? At huwag mo na muling gawin issue ang pagkaiba natin ng kalagayan sa buhay! Its a lame excuse,,
,,Jacob,Hindi pag ibig ang nararamdaman mo sa akin! Imposible iyon,,
,,At ano sa akala mo ang nararamdaman ko para sayo,,mahinang tanong nito habang nakatitig sa kanya .
,,GUSTO MO LANG ANG KATAWAN KO!! Sigaw niya dito .
,,At ano ang masama kung gustuhin ko ang katawan mo ? Kasali iyon sa magiging relasyon natin,, Malawak ang ngiti ng binata .
,,For your information! Mr Jacob, wala tayong magiging relasyon !
,,Maica, listen to me ,, give me a chance to prove how much I  care for you. Be my girl and I promise you, mamahalin kita at aalagaan ,,
,, I'm sorry Jacob ! Hindi nagbago ang isip ko,humanap ka na lang ng babae....yung kauri mo .

Dismayado ito sa naging sagot niya.Sa desperasyon ay hinalbot nito ang magkabilang balikat niya. At saka siya hinalikan ng mariin sa labi. Naninibasib ang bibig nito,nagpaparusa,walang pakialam kung nasasaktan siya !
At Hindi ganoon ang inaasahan niya sa unang halik ! Kaya kinagat niya ang dila ng binata !

,,Aray! Shit!,, Sigaw ng lalake,salo ang bibig ,,Damn it !
,,Shit ka rin! Naiiyak na balik singhal niya !

Malakas na busina ng dumaraang kotse ang bumasag sa tensyon.
Nahampas ni Jacob ang manibela ,, Ihahatid kita ! Marahas na sabi nito ! Pinaharurot nito ang kotse sa daan .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon