Habang nasa stage ako, kitang-kita ko ang mga mata ng mga taong nakatingin sa akin. Silang lahat ay inaabangan ang mga gagawin ko mula ng una akong mag-perform dito. Hindi nila ako kilala dahil suot-suot ko ang maskara ko kasi masaya na ako sa ginagawa ko at hindi ko na kailangan ang kasikatan.
Araw-araw ako ang laman ng balita sa campus namin. Gusto nila akong makilala at malaman man lang kung ano ang tunay kong kaanyuan. Bakit? dahil lang naman sa pagma-magic ko na ilusyon kung maituturong ng iba.
Ayaw kong malaman nila ang tunay na ako sa likod ng maskarang ito. Ayaw kong malaman nila ang lahat na tungkol sa akin, kasi kung malaman man nila, sigurado akong lalayuan nila ako gaya ng ginawa ng iba sa akin. Walang lumalapit o kumakausap sa akin. Palagi akong nag-iisa. Palagi akong nasa tabi. Para sa kanila ako ay hindi buhay.. Takot silang lahat sa akin.
Hindi ako nakikipag-usap sa iba at hindi rin ako nakikipagkaibigan dahil alam ko na ang lahat ng tao ay lalayo at lalayo sa akin sa oras na malaman nila ang tunay na ako. Nakikita ko ang hindi nakikita mo. Hindi mga multo, kundi kaiiba-ibang bagay na tanging kami lang ang nakakakita. Mga bagay na masasabing Beyond Reality..
Kung malaman mo ba ang sekreto ko ay lalayuan mo rin ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/54825778-288-k266979.jpg)