Kabanata 2

584 10 9
                                    

Kabanata 2

"Sintara! Apo ko! Dios mio! You look more beautiful!" Lola Carlotta hugged me and kissed my cheeks.

The party is about to start at kararating lamang nila Lola at Lolo, kasunod ng pag dating nila ay ang pag dating rin ng aking mga Tito at Tita.

"Of course, Lola! Kanino ba namin nakuha ni Mom ang kagandahang ito?"

"Aw, that's my girl." tinapik tapik niya ang pisngi ko bago mag paalam na susunod kanila Mom sa garden.

"Sin! Mag bihis ka na." sigaw ni Zaf na kasalukuyang paakyat ng malaking staircase pataas.

Sumunod na lamang ako sa kanya at tinungo na rin ang kwarto ko. Agad akong dumiretso sa walk in closet ko at namili ng susuotin.

I picked a sexy white lace dress at itim na five inches black stilleto.

Inilagay ko iyon sa kama at dumiretso na sa banyo upang maligo.

****

"Come on, Sin! Make it fast." reklamo ni Cloud at naupo sa aking kama.

Kakasuot ko lamang ng puting lace dress na napili ko, hapit na hapit ito at kitang kita ang magandang hubog ng katawan ko. The length of the dress didn't reached my knees. Kitang kita ang pantay na kulay ng makinis kong likuran dahil backless iyon, medyo exposed din ang dibdib ko dahil sa medyo mababang neckline nito.

I dried my hair using the blower at sinuklay ito bago iayos ang natural na kulot nito sa dulo.

"Hep! I'll do your make up." pigil sa akin ni Zaf nang akmang mag sisimula na akong mag lagay ng make up sa aking mukha.

Hinayaan ko na lamang siya at nakipag daldalan na lamang kay Cloud na yamot na yamot dahil hindi niya daw nadala ang Valentino shoes niya na dapat sana'y gagamitin niya kasama ng suot niya ngayong dress.

"I'll scan your closet nalang." aniya at dumiretso sa walk in closet ko para humiram ng stilletos.

"Mga ilang dekada pa kayo jan?"

Napatingin kami sa pumasok na si Vaunt sa kwarto ko. Diretso lang siyang nag lakad at sumalampak sa kama ko.

"Pinaakyat pa ako ni Tita Samantha para sunduin kayo." reklamo niya at inayos ang kaniyang buhok naka man bun.

"The oldies are already there?" tanong ko sa kaniya, tapos na ang pag lalagay sakin ni Zaf ng make up kaya nilagyan ko nalamang ng nude lipstick ang labi ko.

"Yup, they are already having their chitchats." sagot ni Vaunt at iniabot sa akin ang itim na stilletos na nasa baba ng kama ko.

"Pinagtitsismisan nanaman nila tayo." sabat ni Cloud na kakalabas lang ng walk in closet ko na may bitbit na pink stilletos.

"Come on, freaks." yaya ni Zaf at nauna nang tinungo ang pintuan kaya sumunod na kami sa kaniya pababa.

Napangisi ako nang makita ang dalawa ko pang nag guguwapuhang mga pinsan na may dala dalang bulaklak at chocolates.

"Di ko alam na uso pala sainyo ang pagiging sweet." pang aasar ko sa kanila at kinuha ng walang alinlangan ang mga dala nila.

Rover Acevedra and Gazer Acevedra.

Rove just raised his brows on me at iniwan na kami doon, sumunod sa kaniya sila Claud, Craz at Zaf kaya kami nalang ni Gaze ang naiwan.

I flashed a grin at iniwan siya roon.

"Darling, come here!" tawag sakin ni Mommy pag labas ko palang ng garden.

Mom introduced me to her business partner, Mrs. Valderama.

"Sintara Bernice Acevedra, ang bunso kong anak. She just graduated college from New York University." Mom proudly said

I flashed my genuine smile and greeted them.

"Congratulations, young lady!" ani Mrs. Valderama at kinamayan ako kaya tinanggap ko iyon at ngumiti ng matamis sa kaniya.

"Thank you, Madame."

"Goodness, Samantha, nung nakaraan lang ay si Sabrina ang nag tapos sa NYU, ngayon naman si Sintara." papuri pa ng ginang.

Sabrina's my older sister. She's one year older than me. Kasalukuyan siyang nasa Milan at nangakong dadating ngayon dahil isa nga siyang fashion designer, kasalukuyan siyang nag eexplore muna sa iba't ibang fashion capital sa buong mundo. She loves traveling though.

Nag simula na silang mag kwentuhan at napag alaman kong mayroon daw na ipina ampon si Mrs. Valderama na anak niya noon. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya  at sa anak niyang iyon. Nakakita na ako ng ina na nawalan ng anak at si Tita Adelle iyon. Hindi naging maganda ang dinulot ng karanasang iyon sa kaniya ilang taon siyang nakulong sa kalungkutan, buti na lamang ay dumating si Gazer sa buhay niya. 

Laging ikinekwento sa amin ni Tita Adelle ang unang anak niyang babae na si Adarah. Sabi niya ay mas matanda daw samin iyon ng tatlong taon. 

I wonder what does she look like? Nasaan na kaya siya ngayon?

Nag desisyon akong iexcuse na ang sarili ko dahil sa tingin ko'y hindi ko na dapat pa marinig ang kwentuhan nila at dumiretso sa bar counter kung saan naroon ang iba ko pang mga pinsan kasama ang kapatid ko na nakasuot ng itim na dress.

"Sab!" tawag ko sa kaniya at hinagkan siya ng mahigpit na yakap.

"Goodness, Sin! I've missed you!" aniya at pinisil ang mag kabilang pisngi ko kaya't napairap ako.

"Hey! Stop pinching my cheeks, ate." 

Napasimangot naman siya sa itinawag ko sa kaniya kaya humalakhak ako. She hates it when I call her ate. Pakiramdam niya daw kasi ang tanda tanda niya na.

"Pasalamat ka at graduate ka na, I have a lot of gifts for you. Congratulations, sis!"

Nag patuloy lang kami sa pag dadaldalan ng kapatid ko at mga pinsan ko hanggang sa nag simula nang iserve ang dinner ng mga waiter kung kaya't naupo na kami sa sarili naming table.

"Good evening, ladies and gentlemen. We are gathered here tonight because of two things. First is to congratulate our lovely daughter, Sintara Bernice, for graduating as Magna Cumme Laude at New York University."

Nag palakpakan ang lahat sa tinuran ng aking ama. I smiled at the guests sweetly at nag pasalamat nang tumingin sila sa akin habang pumapalakpak.

"And lastly, this is also a thanks giving party for her fast recovery, as you heard, nasangkot ang anak ko sa isang car accident sa New York, God knows how worried we are, mabuti na lamang at walang injuries na tinamo ang isa sa aming prinsesa."

Nabaling ang atensyon ko sa lalaking umupo sa tabi ko, si Gazer. His piercing brown eyes met mine, kunot ang kaniyang noo at hindi ngumingiti tila ba hindi niya nagugustuhan ang presensiya ko. But I know better.

"Hey." bati ko sa kaniya at nginitian siya.

"What have you done this time, Sin?" marahan ngunit mariing tanong niya.

God! His husky voice sent shivers to my spine.

"Didn't you missed me?" mapag larong ngisi ang sumilay sa aking labi nang itanong ko iyon.

Napabuntong hininga siya at ang kanina'y mariin niyang mga titig ay napalitan ng pangungulila at pag aalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinful NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon