My 11:11 Wish

300 8 2
                                    

My 11:11 Wish -- 2013 © Dropstar.

** 

Napatingin ako sa oras ng phone ko.

11:11 am

Oh! 11:11! Mag wi-wish muna ako. Chance ko na 'to, palagi ko kasing nalalampasan ang oras na 'to eh.

Uhm, wish ko, sana may magka-gusto sa akin. Sana may magka-crush sakin. Yun lang.

I know, my wish is so pathetic. Pero, joke lang naman 'to. I don't take it seriously. And in fact, i don't really believe that wishing in 11:11 will make your wishes come true. And also, wish is just a wish. Whatever you do, it is impossible to happen.

"Hoy Coleen! Bilisan mo naman sa paglalakad! Mahuhuli na tayo sa klase eh. Ba't kapa kasi ipinanganak na may maiikling binti?" reklamo ni Patricia habang nagmamadaling maglakad.

Masanay na kayo sa kaibigan kong 'to. Sadyang mapang-insulto lang talaga siya.

Ako nga pala si Mariel Coleen Sebastian. Coleen yung madalas itawag sa'kin ng mga kaibigan ko. 3rd year high school na ako, nag-aaral ako sa Woodward University. Medyo kapos ako sa height. Medyo lang naman, pero cute syempre, straight ang buhok at syempre maganda naman. Joke.

Eto nga, nagmamadali kami sa paglalakad ng bestfriend ko, kakagaling lang kasi naming mag recess eh. Tapos masyadong nagmamadali 'to, palibhasa sobrang grade concious.

Habang nagmamadali kami sa paglalakad, may nakasalubong kaming tatlong lalaki. Pamilyar naman ang mga mukha nila dahil madalas din namin silang nakikita sa department namin at, sa tingin ko ka-year level namin sila. Hindi nga lang ka-section.

Matangkad naman silang tatlo, pero yung pinaka-matangkad yung gwapo talaga sa paningin ko. Ewan, ang gwapo niya lang talaga kasi eh, tapos ang astig din pumorma, crush ko nga eh. Yung pangalawa naman, cute, maputi tapos astig din yung hair style, kaso medyo chubby pero pwede na, naku-cute-an naman ako, medyo crush ko lang naman. Ganyan na buhay ngayon, kahit 'di mo alam yung pangalan, crush mo na. At yung pangatlo, ewan. No comment. Sa tingin ko nung nagpa-ulan ng kagwapuhan si papa God, nakapayong siya. Alam niyo na nun yung ibig kong sabihin.

Nang lumampas na sila sa amin, kinalbit ko sa balikat si Patricia. Napatingin naman siya sa akin ng may pagka-irita. Ang sungit talaga niya.

"Nakita mo ba yung tatlong lalaking nakasalubong natin?" tanong ko sa kanya.

"Natural, nakasalubong nga diba? Gaga."

"Sorry! Kilala mo ba sila? Crush ko kasi yung dalawa eh."

"Oo kilala ko. Ikaw ah, crush mo tapos di mo alam yung pangalan."

"Syempre ganyan na yung buhay ngayon!"

"Osya ewan ko sayo. Di ako sigurado ah. Pero alam ko, yung pinaka matangkad, Chester yung pangalan. Tapos yung medyo chubby, Timothy ata, pero minsan, Tim yung tawag sa kanya. Tapos yung isa naman, Paolo." sabi niya.

"Ahh. Chester... Timothy... Ah... Ala--ARAY!" naputol naman bigla yung sinasabi ko ng bigla akong binatukan ni Pat. Tinignan ko siya ng masama. "Kailangan nambabatok?! Bakit ba?!"

"Ikaw ah! Yang kalandian mo, bawasan mo naman kahit konti."

"Sorry naman!"

**

After ng klase namin sa Math, inutusan ako ng teacher ko na ihatid yung gamit niya sa office niya.

Habang naglalakad ako pabalik sa classroom, nakita ko nanaman yung tatlong lalaki na nakasalubong namin kanina. Pero this time, nakaupo sa motor yung pinaka matangkad, which is Chester. At yung dalawa naman ay nakatayo.

My 11:11 WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon