This story is dedicated to Bebe Shar, Boss Nash, NashLeners and kay Jaironman.
This is my first time to write a story kaya't one-shot lng :)
Nahirapan akong isingit yung pag introduce niya ng self niya so ako na lng mag'iintroduce sa kanya:
Tricia Jalbuena, 14 years old. Nerdy type of girl. Nakatira siya kasama ang kanyang kuya na si Tristan Jalbuena. Chippy ang tawag sa kanya ng kuya niya dahil un ang paborito nilang kainin. Naging tambayan na ang tapat ng Starbucks sa may park tuwing umuulan dahil sa isang pangyayari.
--------------------------------------------
" Bakit laging ganon? Lagi na lang bang ganon? Ang hirap hirap na."
Nandirito ako ngayon sa labas ng Starbucks sa isang park. Malakas ang ulan ngayon pero hindi ko iyon pinansin dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Nababasa na ako pero patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko. Kumukulog at kumikidlat pero di ako makatayo sa inuupuan ko. Para akong tanga sa ginagawa ko at sa GINAWA ko.
"Tahan na" dahil puno na ng luha ang mga mata ko dagdagan mo pa ng ulan, di ko makita kung sino ang may-ari ng boses. Ako ba kinakausap nito? "Ikaw nga kinakausap ko."
Ay mind-reader ba to?
"Ba't nagpapaulan ka? Dahil ba naniniwala ka na mawawala ang sama ng loob mo kasama ng pagdaloy ng ulan? Na natatangay ng ulan ang luha't sakit na nararamdaman mo? O gusto mo lang madagdagan ang sakit na nararamdaman mo?" sabi niya "Oh heto" sabay abot sa akin ng payong.
"S-s-salamat."
"Kita mo giniginaw ka na." Sabi niya.
"Tuya, let's go!" narinig kong tinawag siya, boses ng batang babae.
"I think I need to go na." pero di ko pa rin siya tiningnan dahil pinupunasan ko ang mga mata ko "Ingat ka, sana kung ano man ang nararamdaman mo mawala na. Eto oh, sayo na to" at iniabot niya sa akin ang panyo.
"Salamat" pero di na niya iyon narinig dahil umalis na siya at tumakbo na.
Naglakad ako palabas ng park at ngtaxi dahil hassle pa kung magje'jeep ako dahil medyo malayo-layo ang bahay namin.
Sino kaya ang naglakas ng loob na kumausap sa akin?
(sa bahay)
"Anak ngg! Ano na naman ang pinagagawa mo ha chippy?" kuya ko yan ng makita niya na basang-basa ako ng ulan.
Umiling idling ako.
"Kilala kita, pumunta ka nanaman ba sa may Starbucks?"
Tumango lang ako niyakap siya.
"Sa susunod kase, wag mong idaan sa iyak na lang. Andito lng ako. Tsaka di mo kasalanan na mamatay si mama't papa. Aksidente lahat ng iyon." oo tama pagkabasa niyo, namatay si mama at papa dahil sa akin.
~flashback~
Pumunta akong park non, sa may Starbucks banda ako umuupo at umuulan. May bagyo nga ata eh. Halos wala ng tao nun sa park. Hindi ako makatawag kila mama, papa o kay kuya mn lng dahil wala ng load ang phone ko tsaka medyo kauntin na lng battery ko. Di rin ako maka'uwi dahil wala na akong pera. ANG TANGA KO RIN KASE. Pano ba naman ang natitirang pera ko eh, pinambayad ko sa taxi papunta rito, wala naman akong bibilhin. Tatambay lng.
*krrrrriiiiiinnnngg*
"Hello?"
"Chippy?!" si kuya. yess!
"Sa wakas kuya tumawag ka. Andit---"
"Wala na sila mama't papa"
"A-a-ano?" pumatak na ang mag luha sa aking mga mata
"Pupuntahan ka sana nila kaso na'aksidente sila sa...."
*tooot* *tooot*
Wala na. Wala na sila mama't papa. Ako kasi tong gagang pumunta punta pa rito ng walang dahilan.
I ran as fast as I can. Not minding how many tears fell from my eyes. Basta ang importante makita ko man ang mga magulang ko sa huling pagkakataon.
~flashback ends~
Simula noon, sinisisi ko na ang sarili ko. Dahil sa akin, namatay sila. Dahil sa akin, nahihirapan na si Kuya bilang working student. Dahil sa akin, wala na kaming mga magulang.
It's been 2 years since that incident happened pero hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Hindi pa rin ako maka'move on. Wala rin akong kinakausap sa school o sa neighborhood namin, tanging si kuya lng at yung lalaki kanina.
Teka sino nga ba yung lalaking iyon?
Yung panyo at payong, tama!
Walang nakasulat sa itim na payong kundi ang pangalang FIBRELLA lamang. Sunod kong tiningnan ang panyo, may nakaburda na AZNVA. Ano ba namang pangalan yan, hindi ko mabasa parang VSHARSKV. Hahaha. So ayun nga clue na iyon kung sino ang lalaking iyon. Pero bago ako mag-isip kung sino man iyon, matutulog muna ako dahil may pasok pa bukas.
(kinaumagahan sa school)
"Oh my GGGG! Ang hot niya. Classmates, look at my boyfie!" ang maarte kong classmate na halos every week ay may bagong crush. Pumunta siya sa harap ng classroom at may pinakita siyang picture ng isang lalaki na may hawak na panyong may burda...
AZNVA.... Teka, pamilyar ah. San ko ba nbsa un?
============================
San nga ba nakita ni Tricia un?
HELLO SA IYO NA NAGBABASA NG STORY KO.
First of all, thank you sa pagpili ng storyang to para basahin o gawing pampalipas oras mo. Elevyew 😘
Next, tsaka nga pala. Ayos lang ba chappie 1 kahit walang prologue? You can comment if you want. I do accept suggestions in this story nmn. 😊