Untitled Part 1

9 0 3
                                    


Paano kung ang mga salita'y maubos na?

At ang ating kwento ay matapos na?

Paano kung tuluyan ako'y makalimot na?

At hindi ka na naising makita pa?

Paano kung ang sugat ng puso ay maghilom na?

At sa iba ito'y handang umibig na?

Maiintindihan  mo ba?

Matatanggap mo ba?

Ako ba'y mapapatawad pa?

Paano kung sa iba,

Ang puso ay tumibok na?

Paano ang umiwas,

Sa pagkakataong masaktan ka?

Paano kung sa paggising sa umaga,

Nasanay na akong wala ka?

At sa pagtulog sa gabi.

Ay di ka na hinahanap pa?

Paano kung ang mga pangako,

Kasabay mo ay naglaho?

Paano kung ang mga pangarap,

Kahit sa diwa ay hindi na maaninag?

Paano kung ang malupit na tadhana,

Sa akin ay umayon na?

Paano kung ito,

Ako ay mapaligaya?

Paano kung ako,

Ay magdesisyong bumitaw na?

At paano kung naisin,

Sa akin ikaw ay lumaya na?

Paano?

Paano?

Paano kung ang lahat ng nasulat,

Ay isang pagpapanggap lamang?

Dahil ang katotohanan,

Ganun pa din ang nararamdaman.

Dahil mahal kita.

Mahal na mahal pa kita.

Mahal kita ng sobra.

Kahit masakit na.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KATHANG- ISIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon