Alam ko po namang sadyang hindi sapat
Upang maipakita sayo aking labis na pasasalamat
Sayo aking ina, na pagkalinga ay sapat
Nais kong maibigay sayo magpupugay na nararapat.Noong ika'y nawala di mapantayan aming pangungulila
Sa tuwing nag-iisa, ako'y napapaisip ika'y naaalala
Salamat aking ina sa'yong pangaral at pagpapa-alala
Ako'y hinubog mo tunay na iyong hinulmaNoo'y tinutulungan po kita,
sinasamahan hangga't makakaya
Ngayon nama'y sinisikap gayahin ka sa tuwi-tuwina
Di ka man mapantayan, aking dakilang ina
Nawa'y maligaya, sa pagbubuklod ko sa'ting pamilyaHuwag ka pong mag-alala, huwag nang mabahala
Sapagka't darating ang araw tayo'y magkakasama
Ngayon, kami ay payapa at magkakasamang inaalala ka
Maraming salamat Panginoon sa aming dakilang ina.
BINABASA MO ANG
Aking Ina
PoetryAng tulang ito ay aking nagawa mula sa alaala ng aking ina at ginawa ko po ito mula sa aktibidad ng "Tula sa Puso" na nanalo bilang second place. Ma' kahit wala ka na ngayon sa piling namin lagi ka pa ring buhay sa puso't diwa namin.