Hi?

154 4 0
                                    

Uy hi! Kamusta ka na? Naalala mo pa ba ako? Matagal tagal na rin ang huli nating paguusap. Ilang taon na rin pala ang lumipas mula nung naghiwalay tayo. Tumothrowback ba ako? Sorry na. Namimiss na kasi kita. Yung mga ngiti mo, tawa mo, at ikaw mismo. Siguro nga mahal pa rin kita. Ewan ko ba. Ano ba kasi nangyari noon? Bakit ba kasi tayo nagkahiwalay gayong okay naman ang lahat? Naluluha nanaman ako dito. Naalala ko kasi yung mga bagay na pinagagawa natin noon.

Naalala mo pa ba nung una tayong nagkita? Naglalaro ka pa nun ng badminton kasama mga kaklase mo. Unang pagkakita ko palang sayo tinamaan na ko. Sobrang cute mo kasi as in. Sabi nga nila "Mas cute ang mga babaeng maliit". Nahihiya pa akong lumapit sayo nun, buti nalang kasama ko tropa ko na kaklase mo. Ayun nakilala kita at doon na tuluyang nagsimula nararamdaman ko para sayo.

Naalala mo pa nung sinagot mo na ako? March 28,2013, hinding hindi ko malilimutan yan. Naluha pa nga ako nun kasi di ko inaakalang ibibigay mo ang matamis mong OO sa akin. Marami akong karibal sa iyo pero sabi mo nga mas gusto ang lalaking simple tulad ko.

Naalala mo pa ba nung unang monthsary natin? Dapat isusuprise kita kaso para kang detective, nabuko mo plano ko. Binigyan kita ng bulaklak at chocolates, yun palang kasi ang kaya kong bilhin nun. Pero kahit ganun pa man, masaya ka parin dahil sabi mo nga di naman kinakailangan ng regalo, okay na yung magkasama tayo buong araw.

Naalala mo pa ba nung araw na ipinakilala kita sa magulang ko? Gustong gusto ka nila. Lagi ka nilang gustong isama sa lahat ng okasyon. Si mama botong boto sayo dahil maganda at mabait ka pa daw. Si papa naman, ayun gusto ka din dahil mahilig ka rin sa action films tulad niya. Si bunso naman ayaw ka nang paalisin dahil gusto ka nyang kalaro at ikaw na rin ang ate niya.

Naalala mo pa ba nung unang beses tayo nagaway? Nagalit ako kasi nakipaginuman ka kasama mga kaklase mo. Bakit kasi tinago mo pa sakin yun at nagsinungaling ka pa? Alam mo namang papayagan kita pero huwag ka lang magpapakalasing kaso ayun nga. Nalasing ka. Pinuntahan kita sa inyo pero itinatakwil mo lang ako palayo.

Naalala mo pa ba nung araw na naghiwalay tayo? Sobrang sakit nun. Iniwan mo ako kase nakahanap ka na ng iba. Tanggap ko naman yun kasi daig pa ako nung lalaking ipinalit mo sakin. Ang masakit lang naman akala ko iba ka. Ikaw pa naman yung babaeng sobrang sineryoso ko, hindi ko inaakalang lolokohin mo din pala ako. Sinubukan kong lumayo para makalimutan ka. Sa pagaaral ko ibinuhos ang atensyon na dapat sayo. Kaso sa lahat ng bagay naalala parin kita. Ang sakit sakit parin </3 Akala ko ay okay na ko pero hindi pa pala. Eto parin ako tanga na minamahal ka. Ikaw parin ang nandito sa puso ko. Ikaw parin ang babaeng mahal na mahal ko. Miss na miss na kita. Alam kong may bago ka na. Pakatatag kayo ha. Alam kong nagbago ka na. Nakikita ko pa sa mga pictures nyo kung gano ka kasaya sa kanya. Parang tayo lang dati. Kung kailangan mo ng kaibigan o kausap, nandito lang ako :) Lagi lang ako nandito, naghihintay na mapansin mo. Magiingat ka palagi..

Ps. Mahal parin kita babe </3 :(

Para Kay ExWhere stories live. Discover now