Haunt # 17

2.4K 150 32
                                    

Haunt # 17

.~*~+~*+~*~.~*~+~*+~*~.

It still baffled me to think na alam ng babaeng iyon ang buong pangalan ko. I mean, paano niya nalaman iyon? Sino siya?

But I have more things to think about. For one thing... 'yung sinabi niya.

"It takes a lot of courage to conquer your fear, but you know what? It takes more courage to conquer yourself," sabi niya. "Good luck conquering yourself, Amanda Bella Cheng."

Courage. Leche. Meron ba ako niyan? I mean, bakit naman wala ako niyan? Hindi naman ako matapang sagad-sagad, pero hindi rin naman ako duwag. Then again, saan ko ba kakailanganin ng tapang ngayon?

'Yung feeling na tinatanong ko pa ito, pero at the back of my mind, parang alam ko na kung anong sagot?

I closed my eyes and let out a heavy sigh.

Naramdaman kong may dumating sa loob ng homeroom kung nasaan ako nakikipagdebate sa sarili ko. Before I could open my eyes, alam ko na kaagad na si Wesley iyon. Ganoon naman kasi talaga—maaga kami parehong dumadating. Kahit na noong dumating 'yung asungot na Jamie Montenegro na 'yun, maaga pa rin siyang dumadating. Akala ko nga eh masosolo pa rin namin ang mornings before classes start, pero leche lang dahil maaga rin dumadating 'yung babaeng asteroid o android o humanoid na 'yun at umeepal.

I opened my eyes at hindi ko alam kung anong sumagi sa kokote ko, pero bigla akong tumayo.

"Mandy? Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Wesley sa akin habang ibinababa ang bag niya.

Napatingin ako sa kanya. At narinig ko na lang ang sarili kong sinasabing, "I'm skipping school today. Want to come with me?"

.~*~+~*+~*~.~*~+~*+~*~.

He did come with me. Without any reklamo or anything, sumama siya sa akin.

Okay, so alam ko namang hindi dapat ako nag-cutting, pero... I dunno. I mean, hindi na ako nakapag-isip nang matino. All I know is that noong nakita kong wala pa si Humanoid Girl named Jamie Montenegro, naisip kong isa 'yung pagkakataon. I took a gamble—malay ko bang sasama talaga si Wesley sa akin, right?

We left the campus and headed straight to... um, actually hindi ko alam kung saan kami papunta. It's just naglalakad lang kami—naglalakad without talking.

Pareho kaming hindi nagsasalita at tanging ang mga tinig lang ng mga puno sa paligid ang naririnig. Malayu-layo na kami sa sentro ng baryo at unti-unti nang napapalapit sa gawi ng mga bundok kaya puro puno at halaman na halos ang nakapaligid sa amin.

Malamig ang simoy ng hangin. Malamig, pero hindi ako nilalamig. Masarap sa pakiramdam at aaminin ko, mas maganda ang pakiramdam ko ngayon kaysa nitong mga nakaraang araw.

Siguro dahil kasama ko siya... at kaming dalawa lang ang magkasama ngayon.

Without being able to help it, I found myself asking, "Girlfriend mo ba talaga 'yung humanoid na 'yun?"

Tumigil si Wesley sa paglalakad at tumingin sa akin. Mukha siyang nagulat na ewan. "Humanoid?"

"I mean si Jamie Montenegro," iritadong pagtatama ko sa sarili. Buwisit.

He stared at me for a little while until the corner of his mouth twitched. "Humanoid? Tinatawag mo siyang humanoid?"

"So?"

"Mukha ba siyang humanoid? Maganda naman siya, ah," he said, smirking.

Feeling ko tumirik papuntang stratosphere 'yung kilay ko. Leche. "Am I asking for her physical description? Did I ask anything for you to say that she's maganda?"

Ghost GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon