I'll Wait For You

4.6K 35 4
                                    

PART 1:

After three years, naisipan ni Mia na umuwi ng Pilipinas. Wala siyang pinagsabihan na uuwi siya, sa pangamba niya na malaman ito ng pamilya niya. twelve years old siya ng malaman ampon siya ng kinalakhan niyang pamilya. Nalaman niya ito nung mangyari ang isang aksidente na kinasangkutan niya. 

FLASHBACK:

Pauwi na siya noon, galing sa bahay ng tita niya na kung saan every weekend tinutulungan niya ito sa mga gawaing bahay,dito nakukuha ni Mia ang allowance niya sa school, ito lang alam ni Mia na paraan para makatulong siya sa mga magulang. Ngunit ng gabing iyon habang naglalakad siya, nakarinig siya ng babaeng humihingi ng tulong. Nilapitan ni Mia kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Nakita niya ang isang babae na duguan, takot na takot si Mia ng mga oras na iyon pero dahil sa ugali niyang maawain, tinatagan niya ang loob at humingi ng tulong. Sakto namang my dumaan na isang taxi kaya pinnahinto nito at humingi ng tulong sa driver at saka dinala ang babae sa hospital.

Madaling araw na ng makauwi si Mia sa kanilang bahay. Alalang-alala ang kanyang mga magulang. "Anak, saan ka nanggaling? Pinag-aalala mo kami ng tatay mo", sabi ni Aling Lina sa anak. 

"Nay, sorry po. My tinulungan lang along ale, tapes dinala ko po siya sa pagamutan. Hindi na po mauulit un,nanay."

"Magbihis ka na para makapagpahinga ka na, baka mahuli ka sa eskwelahan bukas", sabi ng ama.

Nang gabing iyon, hindi makatulog si Mia dahil iniisip niya ang lalaking nakilala niya sa hospital. Hindi lang pala basta-basta ang taong tinulungan niya kanina. Sila lang naman ang pinakamayan na kilala sa probinsya nila. Asawa ng gobernador ang tinulungan niya. Masarap ang makatulungan sa iba pero sa mga oras na iyon, bakit may iba siyang nararamdaman.

SA KASALUKUYAN:

Dumiretso si Mia sa kinalakhan niyang mga magulang. Pati sila ay nagulat sa hindi inaasahang pag-uwi ng dalaga. Napaiyak na lang ang ama't ina nito ng makita siya at niyakap siya ng mahigpit. Pero ang pinakamasaya sa mga taong nakita niya ay ang pinakamamahal niyang lola. Pero hindi napigilan ni Mia na umiyak, dahil sobrang nangayayat ang kanyang lola. Lumipas ang ilang araw, na walang ginawa si Mia kundi ang alagaan at ipasyal ang mga magulang at ang lola nito. 

Araw ng sábado, araw kung kailan darating ang kanyang mga kaibigan galing ng Manila.

Maagang nagising si Mia dahil gusto niya siya mismo ang sumundo sa mga ito. Kasama niya ang tatay niya na siya ang driver ng isang van at ang driver nila na siya naman ang nagmaneho sa isang van. 

Una niyang nakita ang bestfriend niyang si Angela na bumaba at sumunod na ang walo pa niyang kaibigan kasama ang kani-kanilang partner. Pagkababa pa lang nila sa bus ay biglang umingay ang terminal dahil sa ingay ng mga magkakaibigan.

Paalis na sina Mia at ang mga bisita nito sa Terminal ng biglang may humila sa kanya.

Nagulat siya, at biglang bumaba ang ama ni Mia kaya napababa ulit ito sa van. 

Nang makita niya ang lalaki, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mia.

"R--ryan?. Tay, ok lang", sabi ni Mia sa ama at bumalik na ito sa loob ng sasakyan. Nagtataka ang mga kaibigan ni Mia kung sino ang taong kausap niya. "Si Ryan, ang ex niyang iniyakan niya ng ilang taon.", sabi ni Angela.

"Sorry, nagulat kita. Kumusta ka na? Looking at you now, ang laki na ng pinagbago mo", sabi ni Ryan.

"Ok naman. Ikaw kumusta na? Si.. si Marie kumusta na kayo?"maikling tugon ni Mia.

"Kasama ko siya actually, gusto lang sana kitang makausap, kung okay lang sa iyo."

"Sorry, Ryan, pero may mga bisita ako. if you don't mind, aalis na kami."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Wait For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon