Chapter 1

18 0 0
                                    


"Rienne! Congratulations!"

"Congrats Rienne! Astig ka talaga."

"Libre na yaaaann!! Hahaha!"

Nandito kami ng mga kaibigan ko sa Light Cafe. At para san ang congratulations? Para lang naman sa nalalapit kong kasal.

"Tsk. Tumahimik nga kayo. Kala niyo naman natutuwa ako."

Nakasimangot kong sabi sa kanila.
Actually hindi naman nila ako kino-congratulate. More like kinakantyawan nila ako.

"Haha! Hindi namin akalain Rienne na kung sino pa yung pinakabitter satin,kung sino pa ang walang lovelife,yun pa ang unang ikakasal. Haha!"

Tss. Asar! Oo nga talaga. Ang bitter bitter ko sa lovelife nila. Pero guess what? Ang dakilang taga sabi ng walang forever sa mga mag-irog na nagde-date kung saan-saan mula high school ang unang ikakasal? Oh diba? Tss.

"So ano Rienne?Gwapo ba siya? Mayaman tulad niyo? Ano?Haha!"

Gwapo? Mayaman?

HINDI KO ALAM DAHIL HINDI KO NAMAN SIYA KILALA!
Not even his name! And that's what frustrates me most.

All my life I was dreaming a perfect lovelife. Humayskul,hanggang sa gumraduate nalang ako ng college, hindi pa rin ako nagkakalove life. Maiintindihan ko siguro kung napakapangit ko. Pero hey? Masasabi ko namang maganda ako. Kung tutuusin maraming naiinggit sa akin. Sabi nila I have a lips like Angelina Jolie's. Hulma na ang kilay ko.Makinis ang balat kahit safeguard lang ang ipangsabon at walang pimples kahit pa wala akong nilalagay na facial cream! And my Nose! Yun lagi ang napapansin nila sakin dahil matangos. Morena pa at may buhok na itim na itim at ni minsan ay di nakatikim ng chemicals na nilalagay sa buhok.
I even only realized that when I was in college dahil sinabi nila sakin.
But heck! Mabibilang lang sa kamay ko ang mga nanligaw sa kin! Kung hindi playboy, mga nangtitrip pa sa social media!
Uggh!
Mabuti nalang at mataas ang standards ko. Thanks to the KPop world and Novels at natuto akong mamili ng lalaki. Kung hindi? Baka kung kanino lang ako mapunta.
May iba naman na matino pero hindi ko naman magustuhan. My gosh! Feeling ko tuloy tatandang-dalaga ako!
Hindi pwede!

Kaya ng mabalitaan kong kinasal na si Mahal, shet gusto kong magmura! Si Mahal may forever na pero ako nga-nga?! That's totally UNFAIR!

"Lyka, wag mo na ngang dagdagan ang frustrations ni Rienne. Alam naman nating wala man lang proposal na nangyari."

"Awww.Ang thoughtful mo talaga Yuri.Love na kita."

"Hahaha! Pero seryoso Rienne. Are you sure okay lang sa'yo 'tong arranged marriage na'to?"

"Oo nga Rienne. Pa'no kung iba pala yun malasing?Baka druglord yun o miyembro ng sindikato? Baka maging battered wife ka!"

"Yah! Wag mo nga akong takutin dyan sa imaginations mo Reila. Batuhin kita eh! Hindi naman siguro ako ibubugaw ni Daddy sa ganun diba? Tss."

"Well kunsabagay. So kailan ba ang big day mo?"

"Sabi ni daddy within this year. Pero hindi pa raw sigurado kasi depende raw."

"Huh? Hindi ko gets."

"Mas lalo na ako."

"Pero Rienne, pa'no kung,
Ma-inlove ka? Itutuloy mo parin ba ang kasal?"

Natahimik ako sa tanong ni Lyka. Pa'no nga kaya kung main-love ako sa iba? Hindi naman ako ipinagkanulo ni Daddy dahil pabagsak na ang kompanya. Gusto niya lang naman akong ikasal dahil natatakot siya na baka tumandang dalaga ako dahil hanggang ngayon wala pa akong boyfriend. Haaayss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon