PANGAKO

54 5 3
                                    

Sa hindi inaasahang pagkakataon..

Umasa nanaman ako...

Sa mga PANGAKO...

At kung mamalasin,

PANGALAWANG BESES NA.

Kung mamalasin ulit.

Iisang tao lang ang may GAWA.

Sa pangalawang beses na 'to,

Siguro tama na.

—————

Kasalukuyan kaming kumakain ng bestfriend ko na si Thea dito sa sikat na restaurant malapit sa bahay namin.

"Grabe talaga, ang sakit parin tanggapin na wala na kami Jheo."

Sino si Jheo?

Siya lang naman yung taong minahal ko ng TAPAT, at SERYOSO. Siya ang kauna-unahang Minahal ko. At siya rin ang kauna-unahang Nag patulo ng mga luha ko. Siya ang kauna-unahang, SINAKTAN AKO, siya din ang kauna-unahang DUMUROG NG PUSO KO. At siya din ang kauna-unahang NAG PAGUHO NG MUNDO KO.

"Makakalimutan mo din siya bestfriend, saka mag ta-tatlong buwan na simula ng nag kahiwalay kayo."

Yun na nga, mag ta-tatlong buwan na kaming wala. Pero tang*na lang! Sa nag daang, mga segundo, mga minuto,mga oras,mga araw,mga linggo, at mga buwan. Wala parin nagbago sa nararamdaman ko. Hanggang ngayon, siya parin yung hinanahanap ng puso ko, hanggang sa ngayon, siya parin ang tinitibok ng puso ko, hanggang sa ngayon, siya parin yung gusto kong makasama pagtanda ko, hanggang sa ngayon, umaasa parin ako na babalikan niya ako, hanggang sa ngayon, mahal ko pa at hindi yun nag bago.

Yun na nga bestfriend eh, kaso mahal ko parin siya. Halos hindi ko ginagalaw ang pagkain ko, pakiramdam ko gustong bumagsak ng mga luha ko, pero mukhang naubos na sa kakaiyak ko.

"Tama na yan Misha, madami namang may gusto sayo diyan sa tabi-tabi, bat hindi mo nalang subukan na mag paligaw sakanila ng sa ganon makalimutan mo na rin si Jheo pati na yang nararamdaman mo." Sana nga ganun kadali, pero di ko pa talaga kaya. Sobrang sakit pa.

"Hayyts. Di ko alam bestfriend, nahihirapan parin ako. At ayoko naman gumamit ng ibang tao para makalimutan ko si Jheo."

"Kung sa bagay, may point ka." Pagkatapos niyang sabihin yan, hindi na ako nag salita.

Tumahimik kaming dalawa, at nag flashback lang ulit sa akin lahat ng mga nangyari nung kami pa.

Ni Jheo.

*Flashback*

"Pangako ko sayo babe, mamahalin kita ng sobra." Kinilig ako sa sinabi niya, nandito kami ngayon sa kwarto ko kasama siya. Legal kaming dalawa ni Jheo, since mahigit one year na kami. Pumapayag si Mama na pumunta si Jheo ng bahay. Malaki ang tiwala ni mama sa aming dalawa. Si papa kasi, wala na. Kasama na siya ni God.

Hindi ako nag salita, sa halip ay niyakap ko nalang siya.

"Pangako din babe, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa tumanda ako at hanggang sa huling hininga ko."

Hinayaan ko lang siyang mag salita. Hobby niya na kasing sabihin lahat ng pangako niya. Halos ma-memorize ko na.

"Pangako babe, sayo lang titibok 'tong puso ko."

"Pangako babe, pakakasalan kita sa simbahan na gusto mo."

Ngumingiti lang ako habang sinasabi niya lahat ng pangako niya.

PANGAKO (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon