Ano ba yan.
Nakalimutan ko nanaman yung wallet ko.
"Kung san san mo kasi nilalagay eh. Baka malate pa tayo dahil sa pagkaburara mo." inis na sabi ng bestfriend kong si Chinny.
"Sorry na baba." natatawa kong sabi.
"Isa pang baba, iiwan na kita dito Mira." galit na sabi niya, aba kasalanan ko bang pangalan niya english ng baba.
Pero kung tutuusin, maganda naman 'tong bestfriend ko eh. Di naman mangga yung mukha niya, sadyang yung pangalan lang talaga. Marami ngang nagkakagusto dito eh pero masungit kaya walang nagbabalak na manligaw.
"Elibs ka nanaman ba sa kagandahan ko at nakatulala ka lang sakin?" sabi niya habang hinahanap ang wallet ko. "Wait. Don't tell me. Mira." 'gulat' niyang sabi, sabay takip sa bibig.
"Mas dyosa ako sa'yo, gago." asar kong sabi habang pinagpapatuloy ang paghahanap, "Baka ikaw 'yun. Wala ka ngang gusto eh." I smirked.
"Ulul, wala naman kasi dito na kasing pogi ni James Reid, Enrique Gil tsaka ni Daniel Padilla 'no. Akalain mo 'yun. Pinagsama sama yung mga loveteams. Baka pagnakita nila ako, iwanan na nila mga kaloveteam nila. Huehue." ngiting ngiti ang hayop oh.
"Lah? Kala mo naman talaga." at binato ko siya ng unan. "FOUND IT!" andito lang pala sa may sofa, bwisit.
"Masakit yun ha. Pero, finally. Makakaalis na din tayo." habang pasakay kami sa sasakyan niya lakas makaimagine nitong hayop na 'to.
"Pero pano kaya kung ako kaloveteam ni Enrique 'no? Hihi. Tapos kalove triangle namin si Liza Soberano."
tumawa ako ng malakas, as in intense. Kung sa chat, HAHAHAHAHAHAHA. ganon. "Iiwan ka na ni Enrique kung ganon. Kahit di pa kayo magkatabi ni Liza, alam na nating tablado ka na." tawang tawa kong sinabi
"Wow, so supportive naman of you. pakyu." Habang inaayos niya yung mga gamit sa loob ng sasakyan, bigla naman akong kinalabit. "'Di ba si ano 'yun? Hmm, may nagcconfess nanaman ata"
Si Tristan.
Crush ko, ngayon.
Ex ko, noon.
napabuntong hininga nalang ako, "Tara na."
Nang sumakay na kami sa kotse, napansin kong napalingon si Tristan sa kotse namin. Panong hindi, eh katapat lang ng bahay nila Chinny yung bahay niya.
Pogi si Tristan, sobra. Kinabog niya pa lahat ng heartthrobs ngayon. Mapa-Daniel Padilla, James Reid, Enrique Gil o Alden Richards pa man yan. Kabog niya yan. Ang problema nga lang, sa sobrang gwapo, maraming nagkakagusto.
Syempre, sa panahon ngayon, itsura na ang basehan ng pagkagusto. Kapag nakakita ng gwapo/maganda, syempre crush mo na agad. Kinausap mo lang, soulmates agad. Kasi kingina, ang lalandi ng kaluluwa niyo.
At dahil malandi ang kaluluwa niyo, pinatulan niyo yung lumandi sainyo kasi gago kayo. Paasa, malandi, pafall. Pakamatay na kayo lul.
"Hoy. Tama na kakadrama. Maiwan pa tayo ng eroplano." tipid ngiting sabi ni Chinny.
BINABASA MO ANG
Passport.
Short Story"passport" pass·port [páss pàwrt] noun any authorization to travel: any authorization or official permission to travel in or through a country. means of access: something that grants somebody access to something.