Aish! Gusto ko ng umuwi. Hindi maganda yung araw ko ngayon. Dahil duon sa lalaking yun. Tsk!.
Habang naglalakad ako pauwi. May sumalubong sakin na isang matanda. Napahinto ako sa kaniya.
Tinignan ko yung buong mukha nya. Actually. Nakakatakot yung mukha. Hindi naman ako nandidiri. Nakakatakot lang."Ija, may mangyayari sayong hindi maganda. Kaya mag ingat ka." Ha? Anung pinagsasabi ng matandang to. Mayrong hindi magandang mangyayari? At anu naman yon?
"Lola,pasensya na po. Kailangan ko na pong umalis." Pagpaalam ko sakanya. Tska ako tumakbo sumigaw sya at sinabing..
"Mag ingat ka ija sa mga taong masasama." Sabi nya at umalis na rin.
Ano bang mangyayaring hindi maganda? Kinakabahan tuloy ako. Mabuti pa bilisan ko na lang tumakbo para makarating kaagad ako sa bahay.
Pagkadating ko ng bahay. Hingal na hingal ako papasok sa pintuan. Sinalubong kaagad ako ni mama.
"Oh anak. Bakit ang aga yata ng uwi mo ngayon?" Nagtatakang tanong ni mama.
"Ayy nakakapagod po kasi. Mukhang hindi po ako nakatulog kagabi kaya ibabawi ko na sa tulog ngayon." Palusot kong sabi. Hindi sana ako uuwi ng ganito ka aga kung hindi ako inistorbo nung lalaking yon.
"Umakyat muna ko sa kwarto at sabay higa sa kama ko. Bigla lang dumating si Chaisy.
"Roo..roo." Tumalon sya sa lap ko. At dinidilaan yung mukha ko. Ang cute talaga ng aso ko. Siya lang naman ang nagpapagaan sa kalooban ko.
Ganon pa man. Iniisip ko parin yung kanina. Yung sinabi ng matandang babae. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. Sana hindi mangyayari yun.
Nakaramdam ako ng pagbagsak sa mata ko. Hinayaan kong pumikit yung mga mata ko at tuluyan ako nakatulog.
---
Nakarinig ako ng nag sisigaw sa labas. Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko si Kuya sa ibaba. Parang huminto saglit yung mundo ko ng makita ko si Kuya. Almost 6 years sya nawala at iniwan niya kami ni mama para ipagpalit sa babae nya at wala man lang kami kaalam alam na nag pakasal na pala siya. Hindi man lang kami ni invite ni Kuya sa kasal nya. Sa ganon paman sobrang lungkot namin ni mama at may halong galit. Ako na rin ang tumayong tatay para Kay mama. Mahirap pero kakayanin para mabuhay kami ni mama. Masakit man nawala yung papa ko dahil sa car accident sa U.S.
"BAKIT NANDITO KA?" Sigaw ko. Siguro dala na rin yun ng emosyon ko dahil iniwan nya kami ng anim na taon.
"Kyra wag mong sigawan yung Kuya mo." Mahinahon sabi ni mama. Wow so pinatatanggol nya pa ngayon si Kuya kahit sya na nga yung nang iwan? Grabe!
"Grabe Ma. Siya pa ngayon ang pinagtatanggol mo ngayon ha? Ma naman. !" Hindi ko tuloy mapigilang umiyak kaya hinayaan ko ng bumagsak.
"Wala tayong magagawa kundi tanggapin natin. Kuya mo pa rin siya." Pwes. Ako hindi ko matatanggap yung kapatawaran niya. Almost 6 years niya kami iniwan sa pagkawala ni papa.
"Pwes Ma. Never ko siyang mapatawad, so either you want . Hinding hindi ko siya mapapatawad."
*slap*
Ayun! Sampal ang abot ko kay mama. Grabe! Kaya hindi ko kinaya makita silang dalawa. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ko binuhos ang mga luha ko.