pag-unlad ng buhay ng pinoy sa amerika at pilipinas

239 2 0
                                    

Natutuwa ako sa pag-iisip ng Pilipino-Americans. Naniniwala sila na gaganda ang ekonomiya at pamumuhay ng Pilipinas at US ngayong 2011. Ito ay kahit marami sa mga Kano ay hindi pumapanig sa aksiyon at desisyon ni President Barack Obama. Hindi katulad nang malakas na suporta ng mga Pinoy kay President Noynoy Aquino.

Hindi ko alam kung maipagtatagumpay ni Obama ang kanyang mga programa hinggil sa ekonomiya at immigration. Paiba-iba ang gusto niyang mangyari at nalilito ang kanyang mga nasasakupan pati mga kalaban niya sa pulitika. Maski ako, hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang Obama programs.

Sa paningin ng mga Pinoy dito sa US, naniniwala sila na taus-puso ang kalooban ni P-Noy na isakatuparan ang kanyang mga pinangako noong mahalal na pangulo. Karamihan ng mga Pilipino ay naniniwala na magtatagumpay si P-Noy na maiahon ang Pilipinas. Hindi magtatagal at makakamit ang mga mithiin niya para sa bansa.

Parehong nasa panganib ang kalagayan ng Pilipinas at Amerika. Nasa gitna ng recession at iba’t ibang problema ang dala nito sa mga Pilipino. Nakasalalay ang kabuhayan ng maraming Pilipino sa Amerika sapagkat dito sila naninirahan at kinukuha ang kanilang ikinabubuhay. Inaasahan nilang magiging mahusay ang kalagayan ng Pilipinas sapagkat nais ng mga Pilipino na nasa Amerika, nasa sinilangang bansa magretiro.

Sana ay maging mahusay ang ekonomiya at pamumuhay sa Pilipinas at Amerika. Palagay ko, matutupad ito kung susuportahan ang mga hakbangin ng administrasyon. Kailangan ng mga namumuno ang suporta at panalangin. Ibigay ito kung makakatulong.

conversation on why philippines are still poor?Where stories live. Discover now