Chapter One

2 0 0
                                    

NAGMAMADALI ang mga hakbang ni Valerie papunta sa building nila Rahman. Business related ang course nito at sa pagkakaalam niya, Business Management ang kinukuha nito. Sinipat niya ang kaniyang wrist watch na padala ng kaniyang Mommy galing sa Paris.

Oh no! 9:27 na! May mahigit tatlong minuto na lang siya!

Kailangan niyang makahabol sa oras, dahil kung hindi, tiyak na todas ang plano niya at ng kaniyang mga kaibigan.

Hind niya na ininda ang pawis at init ng araw habang tumatakbo. Bahagya pa ring makirot ang kaniyang kanang paa dahil sa pagkatapilok kanina sa hagdan sa pagmamadaling makarating agad sa building nila Rahman. Muli niyang sinulyapan ang relo. 9:29 na!

Mas binilisan niya pa ang kaniyang mga hakbang na tila ba may humahabol sa kaniya. Malayo pa lamang ay natanaw niya na ang kaniyang mga kaibigan at kaibigan ni Rahman na kinuntsaba niya para lang dito sa planong pinaghirapan niya ng halos isang linggo.

"Valerie! Bilisan mo, palabas na siya!" Sigaw ni Tom nang makita niya si Valerie kaya mas binilisan pa nito ang pagtakbo.

Nang makalapit na siya sa kanila, agad niyang kinuha ang lapel inayos ang volume nito. Sinuot niya rin ito bago siya humarap sa kaniyang mga kasabwat.

"Annie, ayos na ba yung cake?" Baling niya kay Annie, her best friend.

"Yup!"

"Tom, yung kanta?" Tanong niya kay Tom, kaibigan ni Rahman.

"Ready na, Val."

"Landon, yung banner, okay na ba?" Tanong niya naman kay Landon, bestfriend ni Rahman.

Ngumiti ito ng tipid sa kaniya bago sumagot ng, "Of course."

Huminga muna siya ng malalim. Kaya ko ito. This is her big day and this is her bridge to success in making Rahman fall for her.

I can do this!

Humarap na siya sa building nila Rahman at hinintay ang paglabas nito nang may makita siyang pamilyar na bulto ng katawan na naglalakad palabas ng building. Ang pinakagwapong bulto sa mundo. Si Rahman!

Tila nagslow motion ang paligid. Huminto ang oras at sila na lamang ni Rahman ang natira sa mundo. Nawala lahat ng ingay at bulong-bulongan ng mga estudyanteng nakatingin sa kanila.

Oh my G! Ito na talaga yun!

Muli siyang huminga ng malalim. Tumingin siya sa mga mata niya. Ito naman ang plano, dapat may eye-to-eye contact silang dalawa para mas maramdaman ni Rahman ang kaniyang sincerity.

Ngunit, sadyang makulit ang kaniyang mga mata. Imbes na sa mata nito tumingin, umakyat ang mga mata niya sa buhok nito. Grabe, napakaganda ng pagkakaayos ng buhok ni Rahman. Iyong tipo na hindi nag-effort pero may dating pa rin, ganiyan ang kaniyang Rahman!

Matapos sa buhok, bumabang muli ang mga mata niya at tumitig sa ilong nito na parang inukit ng pinakamagaling na iskultor sa mundo. Oh god, napakatangos niyon. Sinunod niya ang mapang-akit na mga labi ni Rahman na kahit sinong ngitian ay tiyak malalaglag ang panty. Ano kanyang lasa ng mga iyon? Pilyang tanong ng isip niya.

Mula sa labi, bumaba ang tingin niya sa malapad at matigas na dibdib ni Rahman. Ang dibdib na kahit natatakpan ng uniform ay halatang machong-macho pa rin. Hay, kailan ko kaya iyan mahahawakan? Napahagikgik siya sa naisip.

Mula sa dibdib, mas bumaba pa ang tingin niya. But, wait! Parang may mali!

Tiningnan niya ang kanang kamay ni Rahman, nandoon naman ah. Pero ang kaliwa?! Nasaan?!

Your TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon