TRIGO

2 0 0
                                    


MAHALAGA.

MAHALAGA

 MAALAGA

MAAGA 

MAGA

 Magang-maga na ang puso ko sa kakaisip, sa kakatanong kung mahalaga nga ba ako sa iyo. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng puwede kong mahalin, ikaw pa na wala namang pakialam; ikaw pa na nariyan lang kapag may kailaagan. Bakit kasi hindi napipigilan ang damdamin? Bakit kailangan siya ang masunod? Paano, 'di ba, kung nasasaktan ka na dahil sa nangyayari, ipagpapatuloy pa ba?

Ang hirap naman kasi. Ang hirap hirap na iwasan ka, na hindi ka kausapin. Ewan ko kung ganoon din ang nararamdaman mo, pero ako, nadudurog ako. Kulang ang lahat kapag hindi kita nakikita. Para akong nabubuhay sa isang malamig na pridyider tuwing hindi kita nakakasama. Ikaw lang ang nag-iisang tao na pumapawi sa lamig na iyon; dahil ang iyong mga mata at ang iyong ngiti ay hindi katulad ng sa kanila. May dala itong kahulugan at pahamak. Kaya ako ngayon ay napapahamak, sumasakit ang dibdib, hindi makahinga, dahil ikaw ang buhay, ikaw ang dahilan, ikaw ang trigo. Kailangan kita.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon