Ang Alamat ng Makahiya

3.3K 9 5
                                    

Noong panahon ng mga Kastila, may isang babae na napakahinhin. Napakamahiyain niya. Bihira siyang lumabas ng bahay at 'di siya madalas makipag-usap sa ibang tao.

Pero isang araw biglang dumating ang isang grupo ng mga kastila. Naghasik ang mga ito ng lagim. Sinunog nila ang mga munting kubo sa paligid. 'Di nagtagal at nabalot ng apoy at usok ang buong lugar. 'Di naman alam ng dalaga ang dapat gawin. Nagtago lang siya sa loob ng bahay habang nagkakagulo sa labas.

Wala siyang magawa. Di niya talaga alam ang dapat gawin . . . umiyak lang siya ng umiyak sa isang sulok. Matindi ang kanyang takot at nang nawala na ang lahat ng pag-asa niya, biglang dumating ang kanyang "prinsepe".

Isang lalaking nakasakay sa isang isang kalabaw ang napadaan sa may harapan ng kanilang kubo. Sinubukan niyang kausapin ang mga banyaga pero di sila nagkakaintindihan. Di nagtagal at nainis ang isa sa mga kastila at pinaliguan ng bugbog ang kawawang binata. Pero wala siyang magawa dahil may mga dalang sandata ang mga kastila.

Nanood lang mula sa butas ng pader ang munting dalaga. Nang makita niya ang sinapit ng kawawang binata, napatakbo siya sa labas ng kanilang bahay at dali-daling tumakbo tungo sa kinaroroonan ng binata. Pero bago pa man siya makarating, hinarang siya ng isang kastila. Halatang may pagnanasa ang banyaga sa dalaga at napansin 'yon ng binata. Nagpumilit siyang makawala pero lalo lang siyang binugbog ng mga kastilang sundalo.

Napaiyak na lang ang binata nang makita ang ginawang panghahalay ng mga banyaga sa kawawang binibini. Wala siyang magawa. Nabalot lang siya ng takot at galit. Di niya alintana ang mga pasa at bugbog niya sa katawan. Gusto niyang iligtas ang binibini . . . pero hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan. Masyado nang malaki ang pinsalang natamo ng katawan mula sa pinagsama-samang lakas ng mga kastilang sundalo.

Gusto niyang sumigaw dahil sa matinding galit pero wala rin siyang magawang tunog. WALA.

Naalala niya ang nakaraan. Mga pangyayari noong di pa dumarating ang mga kastila. Mga pangyayari noong payapa pa sa kanilang lugar—



. . . Madalas siyang mapadaan sa tahanan ng munting dalaga noon at minsan ay nakita niya ang napakagandang binibini. Agad namang nahulog ang loob niya sa misteryosong dalaga. Kaya simula noon ay lagi na siyang nagtutungo sa lugar na iyon . . .

. . . At isang araw nagawa niyang makausap ang mahinhing dalaga. Pero hindi talaga 'yon matatawag na pag-uusap dahil nagtanong lang siya ng direksyon. Pero simula nang araw na iyon, 'di na siya makatulog ng maayos . . .



Tulala lang ang binata nang iwan sila ng mga banyaga. Marumi ang kanyang damit at napakarami ng kanyang mga sugat sa katawan. Tahimik lang siya habang unti-unting sinisilip ang munting dalaga. Pinipilit niyang igalaw ang kanyang katawan pero 'di niya ito magawa. Wala siyang magawa dahil sa kanyang kalagayan ng mga sandaling iyon.

Gusto niya sanang lumapit sa dalaga . . . para kahit papaano'y maiparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa—

Na may karamay siya sa mga sandaling iyon.

Na magiging mabuti pa rin ang lahat.

Na kahit ano pa man ang nangyari sa kanya . . . mahal na mahal pa rin niya ito.


Pero hindi niya ito masabi.

Nabalot lang ng katahimikan ang buong paligid. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng nasusunog na mga kubo . . . at ang pag-iyak ng Isang babae.

Pero hindi rin ito nagtagal. Mabagal na tumayo ang babae . . . at nagsalita—


" . . . alam mo ba . . . mahal kita."



Pero wala siyang naisagot sa dalaga. Nabigla siya . . . pero matagal na niyang alam ang dapat niyang isagot.

Hindi niya lang talaga kayang magsalita.

Napakahina pa rin ng katawan niya.



Ilang araw pagkatapos ng insidenteng iyon, may mga usap-usapan na kumalat sa bayan:

May isang dalaga raw na nagpakamatay matapos halayin ng mga sundalong kastila. At may isang binata raw na nakakita nito . . . at nabaliw. Madalas raw kausapin ng binatang ito ang mga ligaw na damo . . . iniisip na iyon ang dalagang pinakamamahal niya . . . na iyon ang dalagang nakita niyang magpakamatay.


" . . . alam mo ba . . . mahal din kita."

At ibinulong ng munting binata ang kanyang nararamdaman sa mga damo sa paligid. Pero wala siyang narinig na sagot mula sa mga ito.WALA.



Ang Alamat ng MakahiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon