Noong panahon ng mga Kastila, may isang babae na napakahinhin. Napakamahiyain niya. Bihira siyang lumabas ng bahay at 'di siya madalas makipag-usap sa ibang tao.
Pero minsan . . . may isang lalaking lumapit sa kanya para magtanong—
Isang lalaking napakadalas dumaan sa lugar nila.
Isang lalaking palagi niyang nakikita.
Isang tao na talagang nagustuhan niya . . . nang 'di niya namamalayan.
Siguro nga . . . nalaman niya lang ito nung makita niyang sinasaktan at pinagtutulungan ang lalaking ito.
Siguro nga . . . nalaman niya lang ito nang bigla na lang siyang tumakbo palabas ng bahay para saklolohan ang kawawang lalaking ito.
Maraming nangyari . . . Maraming hindi kaaya-aya ang nangyari.
Pero nagawa pa rin naman niyang ipaalam sa lalaking ito ang nararamdaman niya—
" . . . alam mo ba . . . mahal kita."
" . . . "
Pero walang naisagot ang binata. WALA.
Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya . . . nadurog nang tuluyan ang mundo niya.
'Oo nga naman . . Papaano pa magkakagusto sa akin ang lalaking ito? Hindi na ako . . . malinis.'
Ito ang pumasok sa isip ng dalaga. Pakiramdam niya'y walang magandang nangyari sa kanya—
Nasusunog ang mga bagay sa paligid.
Masakit ang kanyang katawan.
At ang nag-iisang tao na inaasahan niyang dadamayan siya ay . . . walang pakialam sa kanya.
Napapagod na siya . . . at pakiramdam niya ay hindi na niya kayang tiisin ang sakit at pagod. Kaya napagpasyahan niyang magpaalam na sa mundong ito.
At nagpaalam nga siya . . . sa mismong harapan ng lalaking nagpatibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Makahiya
Nouvelles" . . . Laging siyang nasa loob ng bahay. Hindi niya gustong lumabas. Pero isang araw, nakita ko siyang lumapit sa akin . . . "