Kei POV
Ready nako sa pag punta sa Catarsis . maaga pa naman kaso ayoko sa lahat talaga yung nalelate .
Paalis nako ng makita ko si Mama na nakahiga sa sahig . napatakbo ako sakanya at dali dali syang binuhat .
Tumakbo ako palabas at pumara ako ng taxi sinakay ko sya sa kotse . At dinala ko sya sa hospital.
Ano bang nangyare ? Bakit sya nahimatay dun ?
Ng makapasok kami sa hospital hiniga na agad sya nung mga nurse .
Natapos na syang tignan ng Doctor.
Pag kalabas ng doctor agad ko syang kinausap .
" Ano pong nangyare sa nanay ko ? "
tanong ko sa Doctor ." Wala namang serious na sakit. Nahimatay lang sya dahil sa pagod ." sabi nya .
" Salamat po ! " Yun nalang yung nasabi ko .
Pumasok nako sa kwarto ni Mama pagkapasok ko naka mulat na sya .
" Okay ka lang ba Ma ? " tanong ko
" Ok lang ako anak . Diba may pupuntahan kapa . Bat di kapa pumunta !" sabi nya .
Tinignan ko naman yung oras . Late na masyado . Tapos na'yun . Ayaw ko man ng taong ganon . Wala nakong magagawa .
" Wala na ma . Tapos napo ! "
sabi ko ng nakayuko ." Anak ! Bat ba kasi dinala mo pako sa hospital . Ayos lang naman ako e ! "
sabi nya at hinawakan yung kamay ko ." MAMA ! bat ba kasi nag papakapagod kapa e ! " medyo naasar kong sabi .
" Anak kailangan kong gawin yon ! Hindi naman tayo kayamanan e ! Kailangan kong mag pursige . Para to sa inyong dalawa ng kapatid mo ! Para sa kinabukasan nyo ! " sabi nya
" Ma diba sinabi ko ng ako nalang ang mag tatrabaho ? Hayaan nyo na Ma . Ako nalang ang mag tatrabaho ! Huwag nyo namang pabayaan yung sarili nyo ! " pag rereklamo ko . Kasi naman e buhat ng mawala si Papa palagi nalang syang ganyan .
" Anak --- "
" Ma." pag puputol ko sakanya .
Hindi narin naman na siya nagsalita kaya natahimik kami .
PAgkatapos ng walang sawang bangayan nakatulog na si Mama lumabas na muna ako para mag pahangin .
Balak ko sanang itext sila Kevin kaso naiwan ko pala yung cellphone ko kanina nung binuhat ko si Mama kanina .
Dala narin ng pagod nakatulog ako .
---
Nagising ako dahil kinilabit ako ni Mama ..
" Ma bat bumangon na kayo ? " tanong ko
" Okay nako anak . Ayos nako . Uwi na tayo para makapag pahinga ka na rin ." sabi nya
" Sigurado po kayo hah Ma !" paninigurado ko ..
" Oo naman Anak . "
Tumayo na'ko agad at umuwi na kami .
But wait ...................................
There's more !
Pag kapasok sa bahay dali dali kong kinuha yung cellphone ko .
120 messages
56 missed calls
This is not what I want.
Ngayon lang ....
Ngayon lang ....
Ngayon lang ako hindi sumipot sa mga usapan na ganito ata ang masama pa ay dun sa hinayupak na babaeng supladang yun . Sigurado akong mabubungangaan bukas .
I'm ready !
Ooooopppssss !
Am I really ready ?
Pano kung mag sorry nalang ako .
Hindi .. hindi ! hindi mo gawain yun Kei ! Umayos ka !
What if ?
Bigyan ko sya ng pera para makapagpagaling na yung Ms.Sandy ba'yun na sinasabi nya .
Ang arogante ko naman ! Akala mo naman ang yaman ko .
But ! Mahirap na e ! Anong gagawin ko ? Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon .
Aha ! * Light Bulb *
Kevin ! Kevin ! Kevin .
Dialling ....................
Kevin Morales
" The number you have dialled is out of coverge area please try your call later .. The num-"
Toot toot toot ..
Pinatay ko na agad . Kung kailan kailangan tyaka nya dun hindi sinasagot . Nambababae nanaman siguro tong mokong na'to .
Meron pang isa ...
Dialling
Kyle Sanches
" The number you have dialled is out of coverge area please try your call later .. The numbe-"
Ano bayan mga kaibigan ko ba talaga tong mga to ?
Kung kailan kailangan dun wala ?
Diba nga may kasabihan :
" Tyaka mo lang malalaman na sila ang tunay mong mga kaibigay in times of trials ! "
Orayt ! Anong drama ko ?
Bat ba nag kakaganto ako dahil lang don ?
This is not the normal me !
This is not me !
Ugggghhhhhhhhh !
Makatulog na nga lang .
* Talukbong sa kumot *
ZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZZZ
--------------------

BINABASA MO ANG
Music and Love
Teen FictionPrologue - Sa buhay maraming nag babago. May mga taong darating .. May mga taong babalik May mga taong mawawala May mga tao kang makikilala Magkakaroon ng mga tunay na kaibigan Magkakaroon ng hindi May mangbubully at iba pa ..... Sa buhay...