Prologue

1.6K 46 17
                                    


Apat na taon na ang nakalipas matapos ang pangyayaring hindi nila inaakalang mangyayari sa mga buhay nila.

Marami ang nag-bago, marami din ang hindi.

Paano kung subukin na naman sila nang tadhana at magkita-kita muli sa paaralan kung saan nag-simula ang lahat?

Ano nga ba ang mangyayari kung magkikita kita ulit ang mga taong dating naghahatid at nagbibigay ng kasiyahan at pagmamahal sa isa't isa?

Paano kung bumalik ang dating taong binuo at muling sinira ang pagkatao mo?

"Kung babalik man siya, gagawin ko ang lahat para maging akin siya."
"Kagaya ng sinabi niya, aalamin ko kung ano ang totoong dahilan ng nangyari sa'min and win her heart back."
"Tch, pakeelam ko na? Andami ko nang chiks tapos dadagdagan pa niya? Wag na lang."
"Hmm, ewan ko. Masyado akong tinatamad para isipin kung anong mangyayari eh."
"Confront her. Talk to her and explain my side."

"Ha! Siya babalik? H'wag nalang hindi na."
"Ano naman kung bumalik? Hindi ko naman na mahal eh!"
"I'm not head over heels anymore for him. I really don't need him in my life."
"Ewan ko, siguro i-clarify at ayusin lahat ng hindi magandang nangyari samin noon."
"Ha? Sino?"

Lahat naman tayo ay may iba't ibang opinyon kapag tinanong tayo kung anong maari nating gawin kung bumalik ang taong iyon.

Pero ang tanong, mapangangatawanan mo ba ang mga binitawan mong sagot?

Magagawa mo ba na kalimutan at iwan ang mga pinagsamahan niyo noon?

Mababalik at maipapakita mo pa ba na mahal mo pa rin yung tao makalipas ang apat na taon?

At ang pinakahinihintay na tanong sa lahat...

Anong nangyari?

Anong nga bang nangyari noon at naging ganito sila ka-miserable ngayon?

__________________
Yoooosh. Disclaimer again: I don't own the main characters and naruto characters na nasa story na ito. Kishimoto owns theeem. But the plot is officially mine. Only mine. heheheh.

Konoha High 2 : Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon