Love Phobia

2K 96 16
                                    

An: Ibang genre tong story. Challenging siyang isulat. Hehe.

Love Phobia

"Heartily." Alam kong hirap na hirap na siya ngunit namutawi pa rin sa kanyang mga labi ang aking pangalan. Nagmamakaawa siya, umiiyak, ngunit walang nagawa iyon sa kalunos-lunos na sitwasyon na kinalalagyan namin ngayon.
*bang*

Kasabay ng pagtanggap ng kanyang katawan sa bala, ay ang pagtumba niya sa sahig. Sa isang iglap, nawala siya. Gumuho ang aking mundo. Napakalakas ng pagputok ng baril ngunit nabingi ako. Ang walang buhay na katawan niya lang ang nakikita ko. Gusto kong isiping masamang panaginip ang lahat ng nangyari pero hindi.

It felt like the world crumble right in front of me. My Dad's lifeless body lie, with blood all over his white shirt and my name for his last word.

"Dad!!"

Napatitig ako sa puting kisame. Napakabilis ng pintig ng puso ko at nahihirapan akong huminga. Pinagpapawisan din ako. Umupo ako at pinakalma ko ang sarili ko, gaya ng lagi kong ginagawa. Kinuha ko ang gamot na nakapatong sa side table ko saka ito ininom. Gabi-gabi na lang. Lagi na lang ganito. I dream the same dream every night. I thought of the same thought everyday. I go through hell every minute of my life after that incident. I wish I could move on from all of this but I can't. I just can't.

I lost two important person that night. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Ano ba ang ginawa kong mali para parusahan ako ng ganito? Naramdaman ko ang aking mga luha. Hindi ko ito pinigilan. Wala naman talaga akong magagawa para pigilan ito.

♥~♡~♥~♡~♥

"Good morning, Heart," bati ng Mommy ko. Nakabihis na siya ng kanyang pang-opisina. She wore her slacks, dress shirt and trench coat. She flashed her sweetest smile like she usually does. But behind those sweet smile, I can see right through her. Everyday, guilt is slowly consuming her. Every glance that she threw at me, I can see her struggle. It's all my fault.

Pagkatapos naming kumain, hinatid niya na ako sa eskwelahan. Kinakausap niya ako at tinutugunan ko naman ito ng pagtango at pag-iling. Ganito naman lagi. We never had normal conversation. Our realationship is a wreck.

"Heart, pagkatapos ng klase mo dumiretso ka agad kay Dr. Clinton," bilin ni Mommy bago ako bumaba sa sasakyan.

Paano ko makakalimutan na kada Lunes, Miyerkules at Biyernes ay may appoinment ako? How can I forget when I've been doing this for two years? Dr. Clinton is like a family to me. Alam niya ang lahat ng nangyari sa akin. It's his job, afterall, he is my therapist. Kahit ganoon, wala pa ring nagbabago sa kondisyon ko at tingin ko, wala na ring pag-asa.

♥~♡~♥~♡~♥

I made my way through the pavement. I always despised crowded halls. Some stared at me but not too many. Buti na lang at kokonti na lang ngayon ang tumititig. Naiinis ako tuwing tinitigan nila ako. Para bang isa akong porselanang isang tulak mo lang ay mababasag na. I know they feel sympathetic towards me. Who wouldn't? I'm that girl who made the headlines for two weeks in national television. The whole world pitied me. I'm that weak and fragile girl and from any moment, they knew I would break.

Pumasok na ako classroom ko. Umupo ako sa likod at pinakasulok para walang makapansin sa akin. Maya-maya ay pumasok na rin ang mga kaklase ko pati na rin ang teacher. Nag-umpisa na ang klase at nakinig lang ako.

♥~♡~♥~♡~♥

Pagtunog ng bell, agad na nagsilabasan ang lahat ng kaklase ko. I took my time and neatly put my things on my bag. Lumabas na rin ako. Hindi gaya ng karamihan, hindi ako sa cafeteria patungo. Nang makalabas na ako sa backdoor ng eskwelahan, patakbo akong pumunta sa malaking puno na lagi kong tinatambayan dito sa likod ng building. May tsismis na kumakalat na may multo dito kaya nga napabayaan na ang lugar na ito. Dati itong hardin pero wala na ring nagtyagang mag-alaga kaya puro damuhan na lang ang nandito. Syempre hindi ako naniwala sa tsismis na may multo dito, mas mabuti na nga iyon para masolo ko ang buong lugar.

Love Phobia [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon