Chapter 4

3.3K 99 13
                                    

"Excuse me" pahinging pahintulot namin sa mga nadadaanan naming na naka pwesto na.

"Saan tayo?" tanong ni Julia na nasa unahan na siyang may hawak sa banner na ginawa namin kahapon sa hapon.

"Dun nalang sa may malapit sa harapan" tugon ni Kath.

Medyo marami na ang tao sa gymnasium. Lahat naghihintay kung kalian mags-start yung game. Intramurals na sa school namin ngayon. Medyo nakakalungkot kasi di man lang ako nakapag good luck kay Ethan. Wala kasi akong number niya at di nagtutugma yung oras namin. Lagi siyang on practice habang ako busy sa school works. Sinubukan kong hintayin siya kahapon sa may gate kaso nung lumabas siya, may kasabay siya na ibang babae at dinaanan niya na naman ako na parang di ako nakita kahit nakita naman niya ako kasi lumingon siya sa direksyon ko eh. Nung nakalampas na silang dalawa sa akin ay nagpasya narin akong magpakuha kay manong sa bahay. Wala din akong number niya para etext siya. Ako ba dapat humingi o siya? Ano ba talaga. Nagseselos narin ako ng todo. Iba iba nalang yung babae na nakikita ko na kasama niya atsaka kahit nakikita niya ako, di niya ako pinapansin. Wala siya laging oras. Pero, kahit ganun, nagpasya parin akong pumunta dito para manood ng game niya. I have to cheer him kasi boyfriend ko padin siya.

Di nagtagal, nahanap din naming ang tamang pwesto at ilang minutes pa nagstart na yung game.

Nakikita ko siya. Naka blue silang lahat ng team niya at yellow naman yung kalaban.

Tuwing nakakashot si Ethan, todo taas kami sa banner na ginawa namin nila Kath at Julia kahapon at napapaos na ako sa kasisigaw. Minsan lang siya lumingon sa direksyon namin at di pa ngumingiti. Para siyang may hinhintay na iba para mag cheer sa kanya.

"Excuse me.."

May grupo ng mga babae na dumaan sa may harapan.

Nagsimula ulit yung game.

Nung nakashot si Ethan ulit, sumigaw ako ng "GO ETHAN!" kahit medyo paos na ako.

Nang nakashot ulit siya, sisisgaw nadin sana ulit ako at itataas yung banner nang may sumigaw ng napakalakas na grupo ng mga babae na "GO ETHAN! MAHAL KA NI THENA MO!"

Kahit maingay, nadinig ko yun. May dala din silang banner na mas malaki pa sa amin at mas maganda kasi computerized sa kanila. Napa-upo ako. Sila yung mga babae na dumaan kanina sa harap.

"Anong Thena pinagsasabi nila?" naiintrigang tanong ni Julia.

"Sino ba mga yan?" tanong ni Kath na humarap sa akin.

"Kaklase siguro" sagot ko na parang wala sa sarili habang nakatingin lang dun sa mga babae. Di ako kumbinsido sa sagot ko.

"Oo nga naman Kath, baka kakalase lang" sambit ni Julia. Naramdaman kong siniko niya patago si Kath.

"Ay oo nga. Baka nga kaklase niya yan Ash" pambawi ni Kath.

Alam kong di din sila naniniwala sa mga pinagsasabi nila. Binaling ko nalang ulit yung tingin sa court at nakita ko na nakascore ulit ang grupo nila Ethan. Sumigaw na naman yung mga babae at nakita ko sa ibaba na niraise ni Ethan yung thumb niya sa mga babae. Ngumiti pa siya. Naramdaman ko nalang na hinimas himas na ni Kath yung likod ko.

Naiiyak ako. Di ko alam bakit.

Biglang nagring yung phone ko.

Would you still love me the same.. If show you my flaws...

Si mommy.

"Hello my?"
"Hello by! May surprise si Daddy sayo mamaya."
"Oh? Ano po?"
"Surprise nga!"

Biglang may pumasok sa isipan ko. NEW PHONE! Yun yung pinangako sa akin ni Dad last time. Lah! Hahaha na eexcite na ako.

"Talaga po?"
"Hahaha uwi ng maaga mamaya ah. Ipapasundo kita agad!"
"Opo! Hahaha!"

Kahit maingay, nagkwentuhan pa kami ng saglit ni mommy. Yung mga jokes kasi ni mommy, kaya mahal ko siya e. Palabiro siya masyado.

Nung di ko na talaga siya masyadong marinig, in-end ko na yung call at binaling ang tingin sa court.

Natapos ang game with 89-74. Panalo sila Ethan. Ang saya sana kung napansin man lang niya ako pero wala eh.

Nagdesisyun kaming bumababa pag wala ng tao para maka-iwas sa siksikan. Hindi ko muna ibobother si Ethan baka pagod eh. Bukas nalang siguro kami mag-uusap kung may time siya.

Nung bumaba na kami, nasa baba padin yung ibang members ng team nila Ethan. Nakita kong andun padin si Ethan pero di ko nalang din nilingon pa ulit. Naramdaman ko nalang na may humihila sa kamay ko.

Nagulat sila Kath at Julia ganun narin ako nang makita na si Ethan yung may hawak ng kamay ko. Hinila niya ako sa kung saang direksyon. Nakaabot kami sa likod ng gymnasium.

"B-bakit?" tanong ko nang huminto kami.

"Bakit? Bawal ba dalhin dito yung girlfriend ko?"

"Girlfriend mo pa pala ako?" bulong ko.

"Ha?"

"Ah! Wala. Hindi naman. Sige baka puyat ka na."

Umakma na ako na tatalikod nang hinila niya ulit ak at niyakap ng mahigpit. Nanlaki mata ko. Naaamoy ko yung perfume niya kahit pawis na siya. Yung kamay niya nasa may likod ko at akin nasa baba lang. Nasasaktan parin ako. Alam kong di mali tong nararamdaman ko. Di ko talaga maiwasan magselos.

"Sorry" bulong niya.

Tumulo nalang bigla yung luha ko. Umiiyak na ako. Di ko na alam isasagot ko.

Tinanggal niya yung pagkakayakap sa akin at pinunasan yung luha ko.Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero di ko masabi. Natatakot ako.

"Huwag ka lang makakalimot. Mahal kita. Mahal kita Asha."

Tapos ay hinalikan niya yung noo ko.

Sa ginawa niya, parang nakalimutan ko lahat.

Sabay na kaming lumabas ng gate pagkatapos.

And The Playboy Is Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon