HIS POV
Galit ako. Oo, galit ako sakanya.
Pinagmukha nya kong tanga. Paasa sya.
Pucha. Ang sakit. Ginawa ko naman lahat eh. Pero bakit ganun....
Oo nga pala, Adrian Diego Lopez, fourth year highschool.
"Pre, anyare na sa inyo?" tanong sakin ng kaibigan kong si Alex.
"Parang wala na, pre. Palaging hindi online. Ewan ko ba. Iniiwasan yata ako eh. Ewan." sagot ko.
"Oh? Edi itext mo."
"Kahit nga text walang reply eh."
Arianne, ano na bang nangyayari sayo? Hindi ka nagpaparamdam sakin. May nagawa na naman ba ko? Bakit kahit anong iwas mo sakin, ikaw pa rin ang hinahanap ko. Arianne....
Paano nga ba kami nagsimula?
*flashback*
"Pre, humanap ka na lang ng iba. Wala ka rin namang pag-asa dyan kay Pauline eh. Nafriend-zoned ka nga oh." sabi sakin ni Kiel.
"Alam mong hindi madali maghanap ng bago." sagot ko sa kanya. Totoo naman, diba.
"Eh ano, tutunganga ka na lang dyan? Magdadrama? Hay nako, Adrian ang gulo mo."
*after 3 months*
Agad-agad kong minessage si Alex paguwi ko. Siya yung bestfriend ko simula first year kaso di kami magkaklase ngayon. Pero close pa rin naman kami. Kanina kasi, nagpalit na kami ng seat plan. Third year highschool pa lang ako at kakatapos lang ng prelims namin.
To: Alex
Kilala mo si Arianne?Kaklase ko sya pero di kami close. Sa 5 months na magkaklase kami, never ko pa syang nakausap. Ang una naming pag-uusap eh kanina lang. Magkagrupo kasi kami eh.
From: Alex
Oh sino naman yon?To: Alex
Bestfriend ng mahal mo tas di mo kilala?From: Alex
Bestfriend ni Charmaine?To: Alex
Oo ngaaa kulit mo rin eno. Siya nga, si Arianne.From: Alex
Oh tapos? Anong meron sa kanya? Wait......To: Alex
Oo na. Nacute-an lang ako sa kanya kanina. Kanina ko lang sya nakita ng malapitan eh, tas ayun. Basta ang cute nya, pre.***
Pini-em ko sya nung sembreak. At nagtuloy tuloy yon hanggang sa nakilala ko na sya ng husto. Siya yung babaeng hindi makikisunod sa uso para lang masabing maganda sya. Hindi siya pala-ayos sa sarili nya, onting pulbos lang okay na. In short, simple siya. Unpredictable siya, mamaya masaya siya, tas mababadtrip bigla. Bipolar kumbaga. Mahilig siya sa mga bata. Ang pinaka-nagustuhan ko sa kanya eh yung sobrang pagmamahal nya sa mga kaibigan nya. Sobrang mahalaga sa kanya ang friendship. Yun ang naging obserbasyon ko sa kanya. Paano kasi, torpe ako. Sa room ko lang siya natitignan. Hanggang tingin at facebook chat lang ako. Ewan ko ba, pinanganak na yata talaga akong torpe eh.
Naging madalas yung chat namin. Naging komportable ako sa kanya. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Sinorpresa ko pa siya nung Valentines at Prom. Oo, mahal ko na sya. At gagawin ko ang lahat para sakanya. Maghihintay ako, kahit kelan. Basta para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Skinny Love.
Short Storylols hi, short story lang 'to as in short lang talaga :D i'm baaaack!