Stolen shots.
"Hey Scarlette!"
"Hi Scarlette!"
"Morning Scarlette!"
"Sup pretty Scarlette!"
Tss! Araw araw na lang bang ganto?. Sup! Hi! Hello! Sapakin ko kayo eh. Nakakairita din maging popular sa school noh?
"Oyy babaeng hilaw!" At yan naman ang bestfriend ko. Si Nikki.
"Problema mo babaeng tuod kasi di marunong humalik! Hahaha!"
*pok*
"Aray ko naman. Ikaw kaya nagsimula. Lokaret to!" Ansakeet ah.
"Bahala ka nga dyan, alis muna ko. Puntahan ko si honeybee ko at magpapaturo ako kung pano humalik. Ano ka ngayon?"
"Atleast ako marunong ako humalik, hindi na kelangan magpaturo! Haha!"
*pok*
"Aray! Nakakadalawa ka na ah!"
"Marunong nga, wala naman mapagpraktisan! Haha!"
"Tse! Umalis ka na nga! Punta muna ko sa locker ko!"
"Ok, sige na bye!" Sabay beso sa akin. Ohdiba? Para lang kaming tanga. Ganyan kami magmahalan. Unique divaaa?
Naglalakad na ako ng makita ko si Sean,
kumukuha ng litrato ng school.
*boogsh*
"Hahaha, sorry bro!" Sigaw ni austin kay sean. Si austin ang leader ng basketball team dito sa school. Tss. What a jerk!
Tumakbo ako palapit kay sean.
"Sean, ok ka lang?"
Tumingin siya sa akin.
(O_O)
Wag ka naman ganyan makatingin. Nanghihina ako.
"Uh, k-kilala mo a-ako?" Ang gwapo mo pa din kahit nauutal ka. Sana masabi ko sayo na gusto kita.
"Sus, ano ba namang tanong yan. Magkaklase tayo diba?"
"Ah. O-oo nga p-pala."
"Hey Scarlette baby!"
"Back off austin!"
"Woah! Kaya kita gusto eh, palaban."
"Well, FYI hindi kita gusto!"
Biglang nagdugo ung ilong ni sean.
"Uy uy! Nagdudugo ilong mo!"
"H-ha?" Sabay hawak niya sa ilong niya.
"Ano ba yan, parang wala ka sa ulira ngayon. Haha. Halika samahan kita sa clinic!"
Pagdating sa clinic.
"Oh scarlette, napadayo ka ata ngayon."
"Eh sinamahan ko lang po si sean pumunta dito. Nagdudugo po ilong niya. Kasi binato ni austin ng bola sa muka tong si sean."
"Naku, yung lalake talagang un. Osiya maupo ka na sean."
"Sean una na ako ah, may pupuntahan pa ako. Bye!"
"S-sige bye!"
Kriiiiiing
"Ay ano ba naman yan. May kukunin pa ako sa locker eh."
Pagpasok ko ng room. Ang ingay. Pumunta na ako sa upuan ko which is sa likod.
"Uy babaeng hilaw! San ka nanggaling ha?"
BINABASA MO ANG
Stolen Shots (One-Shot Story)
Teen Fiction"Matagal ko na siyang crush, pero hindi ko magawang sabihin"- scarlette "Hanggang stolen shots na lang ba ako?" -sean find out kung ano ang nagaabang sa kanilang pagmamahalan <3