ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISMISTAKEN (ONE SHOT)
---------------------
"Good Morning hubby" bati ko sa kanya sabay lapag ng bag ko sa upuan
"Ang aga mo ata? Kumain ka na?"
"Oo naman, hindi ako maaga tinanghali ka lang sige gayak ka na"
Dumiretso ako sa banyo nya at hinanda ang pampaligo nya. Inilabas ko din sya ng bagong tuwalya. Pag tapos nun pumasok naman ako sa kwarto nya at hinanda ang damit na susuotin nya
"Oh? Maligo ka na"
"Napaka sweet mo wifey, napaka swerte ko sayo"
"Asus! Wag kang mabola ako ang mas swerte sayo" hinalikan nya ko sa labi at saka dumiretso ng banyo.
Tinanghali sya ng gising, Once a week ay nag pupunta ako dito sa bahay nya. Kapag free day ko. Parehas kaming may trabaho pero sya linggo ang freeday at ako naman ay wednesday.
At kapag nag pupunta ko dito ganito talaga ang ginagawa ko. Minsan naman ay di ko sya naaabutan maga syang umaalis.
Sinimulan ko na ang mag linis ng bahay nya. Inuna ko muna ang kusina nya
"Napaka sipag mo" sabay yakap nya sakin. Jusme!! Abot abot na ang kilig ko sa ginagawa sakin ng hubby ko.
Oo mag on kami pero hindi kami nag sasama sa iisang bahay. Bakit? Dahil gusto ko ay kapag kinasal na kami. Mas gusto ko yung ganito yung pinag sisilbihan ko sya. Nag kikita naman kami araw araw eh dahil sinusundo nya ko sa trabaho ko.
"Hmm, sige na pumasok ka na! Tanghali na babalik ka naman mamaya diba?"
"Kahit hindi mo sabihin wifey, babalik ako dahil nandito ka. Sige aalis na ko I love you mag ingat ka dito ha? Tatawag ako"
"Ok hubby ingat ka. I love you too"
Hinatid ko sya sa gate at nag bigay ng mahabang kiss. Yun na lang para hindi namin mabilis mamiss ang isat isa
Bumalik ako sa pag lilinis ng kusina nya jusme napaka raming kalat kahit kelan talaga. Nag urong urong ako, inayos ko ang pinggan at nilinis ang lababo.
Sinunod ko naman ang banyo nya. Mabilis lang naman dahil konting walis walis lang.
Nag salang naman ako ng labahin nya. Isang linggo ba to? Akala mo isang buwan gabundok ang maruming damit.
Pumunta naman ako sa sala nya at nag ayos ayos ng konti. Nag alis ng alikabok at nag walis walis.ganun din ang ginawa ko sa kwarto nya. Iniba ko din ang ayos ng kama nya iniba ko ang bawat lalagyan ng gamit nya.