The Diary 01

5 0 0
                                    

"Mia" isang boses ang tumawag saakin at aking nilingon. Ito ang unang araw ko bilang isang college student dito sa Hestia University. "Uy, ang bunsoy namin, kolehiyala na.." Maligayang bati saakin ni mikey -ang best friend ng kuya ko.

Kilala na namin sya ni kuya simula pagkabata, kapitbahay kasi namin ito. Sa totoo lang si Mikey ang lahat saakin, -crush, puppy love, first love, lahat na yata. But I'd never confessed my feelings, sinubukan ko, pero hindi talaga. Natatakot ako.

"Do you mind giving me a tour?" Tanong ko dito.

"That would be my pleasure bunsoy, besides nakakatamad umattend ng orientation, at its too early for my class." Nalibot ako nito, dinala ko sa canteen, auditorium, gymnasium, event center, at kung saan saan pa. Malaki pala talaga ang Hestia University. At sa nakakapagod na pag iikot, naupo muna kami ni kuya Mikey sa isang bench sa may tapat ng fountain ng school.

Tahimik at hindi ko magawang makipagusap dito, naiilang ako syempre. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang estudyante sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Kunot ang noo nito at may binabasa. I wonder who he is?

"Kuya Mikey, sino 'yon?" Turo ko dun sa lalaki.

"Ah, yan si Luke. Senior year na yan. Tuwing 8am pagmamay-ari nya ang lugar na yan, umaasang babalikan sya ng may-ari ng diary."

(Luke's Story.)

♪♪ I found her diary underneath a tree.
And started reading about me
The words she's written took me by surpise
You'd never read them in her eyes.
They said that she had found the love she waited for.
Wouldn't you know it, she wouldn't show it. ♪♪

Isang nakakapagod na martes. Kakatapos lang ng practice namin ng basketball, isa kasi akong varsity player.

"Mukhang wala ka sa kundisyon ah?" Tanong ng team captain namin. Oo totoong wala ako sa kundisyon, ngayon ang alis ng nag iisang babaeng sandalan ko. Malamang sa mga oras na ito ay palipad na ang eroplanong sinasakyan nya patungong Japan.

Lumabas ako mula sa court at naghanap ng mahihingahan. Simula nung unang tapak ko dito sa Hestia University sya na ang kaibigan ko. Pinakamatalik. Parang ang hirap lang na hindi ko na sya ulit makikita pa dito.

Umabot ako sa fountain, ngunit lahat ng bench ay akupado ng iba pang mga estudyante. Mukhang wala akong matatambayan dito.

Patalikod na ako ng matanaw ng mga mata ko ang isang malaking puno. Mukha ayos maupo sa ilalim noon. Malilim at mag-isa lang ako.

Agad akong nagtungo roon bago pa ko maunahan ng iba. Isang maliit na bagay ang nakita ko bago pa ako makaupo. Binuklat ko ang unang pahina nito.

Dear: L.

Hi. Nakita Kita ngayon. As usual ang gwapo gwapo mo tulad ng lagi mong sinasabi. Alam mo ba L mahal Kita. Hindi ko lang masabi dahil ayokong masira yung friendship na iniingatan natin. L, I love you from the first day that you stepped your foot here in Hestia. Yung kakatapak mo pala nainlove na ko. Kaya nga nilapitan agad Kita bago ka pa malapitan ng iba. I know that's a desperate move, mahal kasi Kita L.

Love: Desperadang Maria Clara

Alam ko kung kaninong sulat 'to. Ganitong ganito sya magsulat. Yung diin, yung kurba. Sulat 'to ng sandalan ko. Sulat 'to ni Chachi.

Tinuon ko ang atensyon ko sa ginamin nyang pangalan. 'L' posible bang ako ang tinutukoy nito? 'L' is for luke.

Agad kong tinawagan si Chachi, ngunit patay na ang cellphone nito. Malamang nakasakay na ito sa eroplano.

♪♪When she confronted with the writing there,
Simply pretended not to care.
I passed it off as just in keeping with
Her total disconcerting air
And though she tried to hide
The love that she denied,
Wouldn't you know it, she wouldn't show it.♪♪

Maaari ring hindi ako. Hindi lang naman ako ang lalaking letter L ang simula ng pangalan diba? At maaari ring hindi si Chachi ang magsulat nito. Malay natin, baka nagkataon lang na pareho sila magsulat.

Isinantabi ko lahat ang nabasa ko sa unang pahina, Ibinalik ko ang maliit na libro sa ilalim ng puno at iniwan ito. Malapit na din namang mag umpisa ang susunod kong klase, tatambay na lang muna ko sa room.

-
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mikey. "Isinawalang bahala nya lang yung pag amin ng bestfriend nya ng paganun-ganun nalang?"

"Kung ako din siguro yung nasa sitwasyon nyang si Luke.. Hindi ko din alam ang gagawin ko, mahirap mamili between friendship and relationship. Kaya nga hindi ako nag bestfriend ng babae. Less complicated." Sabi nito saakin. See? Paano ako magcoconfess ng feelings sa isang 'to? Sa mga binitawan nyang salita halatang halata ng wala akong pag-asa sa isang tulad nya.

"Oh bunsoy, maiwan na muna Kita. At may klase pa ko." Umalis na ito at iniwan akong mag isa sa bench at pinagmamasdan si Luke sa ilalim ng puno.

Nakakabitin naman yung kwento ni kuya Mikey. Lapitan ko kaya 'tong Luke na 'to?

The University's Playlist [compilation of Short Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon