Ania's P.O.V.
Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng best friend ay meron kang tao na nandiyan sa tabi mo. Ang taong nandiyan para sayo kahit sa mga mahihirap na situwasyon. Ang taong iintindihan ka kahit alam niya mali ka. Ang taong tatayo para sayo kahit ano man ang mangyayari sa kanya. Ang taong proprotektahin ka at mamahalin ka parang isang kapatid.
Pero iba talaga ang feeling kapag magkaiba kayo ng gender ng best friend mo.
"Huy Ania." tumingin ako kay Shua na timutingin sa akin na parang nagaalala siya."Okay ka lang ba? Nagtatanga ka kasi e." ngumiti ako sa kanya at tumango ako. Palagi siyang nagaalala para sa akin, at ang kyut at sweet nga e. "Okay lang ako. Nagiisip lang ako." tinaas niya ang isa niyang kilay ang nagtanong, "Ano ba naman iyon?" tuwama nalang ako sa kanya. "Ang mga alaala natin. Gusto kong ulitin ang mga iyon bago ka aalis papuntang Amerika bukas." tinutukan niya lang ako tapos ngumiti siya, ang ngiting kasing liwanag ng mga bituwin sa ibabaw namin. Aaminin ko, ang gwapo niya, pero ayaw niyang kinokomplemento ko siya. Masyado siyang humble para alamin ang totoo.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa lugar na gusto niyang puntahan. "Hoy! Anong ginagawa mo?" ngumiti siya sa akin habang nagpapatuloy siya sa paghihila sa akin. "Basta. Sumunod ka nalang sa akin." tumango nalang ako sa kanya.
Maya maya, nakarating na kami sa isang river side. Para sa iba, hindi masyado mahalaga ang lugar na ito, pero para sa amin, ito ang lugar na pinakamahalaga sa amin. Dito kami nagkakilala, at dito rin nagsimula ang aming pagkakaibigan. "Hindi parin nagbago ang lugar na ito. Bakit mo ba ako dinala dito?" ngumiti lang siya sa akin. "Close your eyes." sabi niya.
"At bakit naman?"
"Basta, ipikit mo lang." pumikit ako. "Wag mo kong iiwan. Kung hindi, papatayin kita." tumawa siya sa akin.
"Hindi pramis." hinila niya nanaman ako.
"Saan mo nanaman ako dadalhin?"
"Basta."
"Basta ka lang ng basta, ewan ko nalang sayo."
"Last na 'to pramis." huminto siya sa paglalakad, at napahinto rin ako. "Ibukas mo ang mata mo." pagbukas ko sa aking mga mata, nakita ko ang mga alitaptap na lumilipad sa paligid ko.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo! Ang ganda! Sobra!" ngumiti siya sa akin.
"Alam mo, mamimiss kita Aina." tumingin ako sa kanya at ngumiti ako na may halong kalungkutan. "Ako din, mamimiss ko rin ang sarili ko." masama ang tingin niya sa akin at tumawa naman ako. "Joke lang naman yun e. Mamimiss rin kita Shua. Babalik ka diba?" ngumiti siya. "Oo naman! Wag mo kong kalimutan ah? Kung hindi, bahala ka na diyan sa buhay mo." tumawa ako. "Tanga ka ba? Siyempre hindi kita malilimutan!" siyempre, mahal kita e...
"Promise?"
"Promise!" mamimiss kita...
——————————
Ilang taon na ang nakalipas nung huling nakasama ko siya, nung umalis na siya papuntang Amerika. Miss ko na siya. Sobra. Ano kaya ang ginagawa niya doon? Nagkaroon na ba siya ng bagong kaibigan? Best friend? GIRLFRIEND?! Tama na yan Aina, ang dami mo naman iniisip. Siyempre may girlfriend na siya dun! It's America! What do you expect? Ang daming mga magagandang nilalang doon eh. Wala ka nang chance Aina. Hahay.
Graduation na namin ngayon. Ang daming studyante! Malamang, hindi lang ako ang nag-aaral e sa school. Useless lang kung ako lang ang nakagraduate. Nice ka Aina. Wala ka sa isip mo ngayon. Eh, wala sila mama at papa, pati si kuya at ate. Busy sila masyado sa kanilang mga trabaho. Naiintindihan ko naman e, pero sino ba ang tatanggap sa certificate ko?! HUHUHU.
"Aina Gomez." sabi ng speaker. Ay! Ako na pala!
Umakyat ako sa stage at tinututok lang ako ng magbibigay ng certificate sa akin. "Saan ba ang mga magulang mo?" I shrugged at him. "Hindi sila makapunta ngayon. Busy sila sa kanilang trabaho." nagiba ang expression ng mukha niya, parang namomroblema. Bakit naman hindi? WALANG TATANGGAP SA CERTIFICATE KO!
"Ako na po tatanggap sa certificate niya." tumingin ako sa nagsasalita, at lumaki ang mga mata ko. "Surprise! And congratulations!" napaluha ang mga mata ko. "Huy! Wag ka munang umiyak! Nakakahiya kaya—" niyakap ko siya ng mahigpit. "BALIW KA BA?! BAKIT HINDI MO SINABI NA BUMALIK KA NANG PINAS ADIK KA! ALAM MO BANG GAANO KITA NA MISS, SHUA?!" umiyak ako sa kanya tumawa nalang siya habang niyakap niya ako ng mahigpit. "Shhhh. Explain ako maya. Graduation mo ito diba? Kaya smile ka na diyan!" pinunas ko ang mga luha ko at sinuntok ko siya ng mahina. "Baliw..." tumawa ulit siya.
——————————
"Hoy Shua! Bakit hindi mo sinabi bumalik ka na?" sabi ng isang kabarkada niya na si Dean. Tumawa naman si baliw. "Diba sabi ko may surprise ako? Eto na yun! Hahahaha!"
"Alam mo ba kung gaano katahimik si Nia nung umalis ka? Nakakabingi e!" sinuntok ko si Dean ng mahina. "Baliw! Tahimik naman ako palagi ah!" tumawa naman ang dalawang baliw sa harapan ko. "Sabihin mo nalang na namiss masyado mo si Shua! Hahahaha!" namula ako sa sinabi niya. "Sinabi ko na kanina eh so tumahimik ka na!" tumingin si Shua sa akin at ngumiti siya.
"Sige Shua, alis na ako! Good luck sa inyong dalawa~" at umalis na ang baliw na si Dean. Tumingin ako kay Shua na nakatingin sa akin na parang tinutukso niya ako. "Namimiss mo ako? Wow ang sweet~" sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi kaya! Tumahimik ka!"
"Weh? Sinigawan mo nga ako sa harapan ng maraming tao na namimiss mo ako e~" namula nanaman ako. "Che! Alis na nga ako! Dun ka na sa girlfriend mong Amerikana!"
"Teka! Sino may sabi may girlfriend ako? Wala kaya!" tumingin ako sa kanya na parang hindi ako naniniwala sa kanya. "Weh? Ikaw walang girlfriend? SA AMERICA? Wow ah. Impossible." tumawa siya.
"Bakit? Nagseselos ka noh?"
"HA?! HINDI AH! TUMAHIMIK NA DIYAN KUNG HINDI SUSUNTUKIN KITA!"
"Sige suntukin mo ko! Hahalikan kita ngayon!" umabot sa tainga ang init ng pisngi ko at tumawa naman siya. "Hahalikan mo ako? HAHAHA! Hindi mo yun magagawa—" at mali ako. Hinalikan niya ako... Sa pisngi.
Mas lalong namumula ang mukha ko sa ginawa niya, at natutuwa naman siya. "Ano? Akala mo ba na hindi ko gagawin yun? Hahahaha!" tumingin ako sa kanya ng masama. "Bakit mo yun ginawa?!" ngumiti siya sa akin. "Kasi mahal kita." parang pwede ka na ata magluto ng pagkain sa mukha ko. Ang sobrang init ng mukha ko eh. "Hindi ka ba naniniwala? Gusto mo uulitin ko ang ginawa ko kanina?" he smirked at me at dahan-dahan niyang nilapitan niya ang mukha niya sa akin. Ang hot niya tingnan pramis, pero nooo! Bata pa ako! HAHAHA!
"WAG! TAMA NA! NANINIWALA NA AKO!" tumigil siya, pero hindi naman siya lumayo. "Mahal mo rin ba ako?" tanong niya sa akin habang tumututok siya sa aking mga mata. Napalunok ako sa laway ko. "Ano?"
"... Oo... Mahal kita..." mahina kong sinabi.
"Ano yun? Di ko narinig."
"... Mahal rin kita..."
"Ano?!"
"MAHAL RIN KITA BALIW!" ngumiti siya sa akin at niyakap niya ako. "Masaya ako. Sobra." niyakap ko rin siya. "Ako rin..." bumitaw siya at ngumiti siya sa akin na parang may binabalak. Patay! "Halika nga! Hahalikan kita~" tumakbo ako palayo sa kanya. "WAAAAAG! NAKAKAHIYAAAAA!" hinabol niya naman ako.
At simula nun, bumalik ang dating pagsasamahan namin, at masaya ako.
——————————
A/N:
Oo alam ko parang kulang. Nagmamadali kasi ako sorry. T_T It's for the sake na may mapasa ako sa akin assignment kaya pasenya na HAHAHAHA
I hope you enjoyed it~
![](https://img.wattpad.com/cover/55099077-288-kc96bc8.jpg)
BINABASA MO ANG
One-shot Stories (Tagalog Ver.)
RandomHello~ ako po si NoobishWriter/WeirdPrincessAria! Magpopost po ako ng mga random stories para lang sa kasiyahan ko~ one-shots lang po ito, pero sana magugustuhan niyo po <3 There will be an English version of this so stay tuned~