Isa.. Dalawa.. Tatlo.. 11:10 p.m. Tick tock Tick tock. Eto na, kaunti na lang. Malapit na. Eto na talaga. Tick tock. Tick tock.
11:11,
Sana bumalik na siya. Sana maging kaibigan ko na ulit siya. Sana bumalik yung time na pinapatawa mo ako. Sana wala na lang siya. Nagsisisi na ako. Mahal pa din kita. Akala ko wala ka na dito. Akala ko wala ka na. Pero isang daan mo pa lang sa likod ko nasasaktan na ako.Naaalala ko non, nakita kita sa baba. Nanonood ka. Akala ko nandito ka para sakin. Akala ko. Tiningnan ko ang orasan. Heto na, 11:11 na. Bumaba ako ngunit pagbaba ko wala ka na. Miski anino mo hindi ko na naabutan. Umupo ako sa baba ng basketball ring uoang hintayin ka ulit. Hindi nga ako nagkamali. Dumating ka. Ngunit hindi mo pinansin ang presensya ko. Dire-diretso ka lang sa pagdaan sa harap ko. Nasaktan ako. Umuwi ako at nangakong hindi na muling titingin sayo. Ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro. Ang aking pangako'y napako.
Tick tock. Tick tock. Heto na, malapit na. Lunch na. 11:11 a.m.
"Uy, alam mo ba may Girlfriend na siya?"
"Aha? Oo. Alam ko. Sige."11:11,
Sabi ko hindi ako iiyak. Sabi ko okay lang. Ngunit nasasaktan ako. Hindi ko na kaya. Hindi. Yung akala kong ako ang ipinunta niya dun? Hindi pala. Nagkamali pala ako. Yung kasintahan niya pala. Yung pagibig. Yung mahal niya. Pwede bang magmahal ng patago? Pwede ba? Ngunit alam kong itong pagmamahal na nararamdaman ko ay lilipas din. Lilipas din hanggang sa sumama sa abo ng pagibig na naupos na. Tulungan mo ako ha? Alam kong pagsubok lang to. Hindi mo naman ako iiwan diba? Hindi mo ako susukuan? Wag ha.11:11, Sana sumaya na ulit ako.
-A.L.