Hagdan
vs
Elavator
(Lucian Oppa)
Love is seeing imperfect person
Perfectly…..
Love is when you caught yourself
Smiling and crying at the same time.
Love is sadness…
Love is sacrifice
Love can never haveits ending.
Because a true love never ends.
Chapter 1
To:
babe
Babe kita tayo sa S.B. pls 8am I’ll be waiting pls
Zzzzzt zzzzzt. May nagtext
From : babe
Excuse me? Sino to? Busy ako sorry
Pano naming maaayos tong problema kung palagi na lang syang ganyan. Tapos malalaman kong di daw ako nageexcert ng effort para magkabati kami. Babae talaga. Lagi na lang ganito.. gusto ko lang naman magka ayos kami, ako na nga tong nagbaba ng pride para magkabati kami. Asar T.T
To: babe
Pls wag ka namang ganyan usap tayo. Kerb to
Pagkatapos kong kumain, deretso na ko sa Starbucks.. sana na lang hindi nasayang tong porma ko. Ang hirap kayang ayusin tong buhok ko.
Zzzzt zzzzt nung tingnan ko yung phone ko, shit lobat. Nakalimutan ko palang mag charge kanina. Malas, pano ko makokontak si babe. Teka anong oras na ba? Wala din akong dalang relo. Naknang tss
Miss pwedeng matanong yung oras?
Tanong ko sa babaeng malapit sakin, kailangang kapalan ang mukha. >.<
10 mins before 8
suplada O.o
Well may karapatan naman syang magsuplada, bukod sa cute sya at maganda, sino ba naman ako para maging nice sya sakin, e di nya nga ako kilala.
Halos 3 hrs na kong nagiintay dito pero di parin dumadating si babe, teka pati si miss suplada kanina pa to ah. Sino kaya iniintay neto? Maganda naman sya, makinis at maputi, kung tutuusin di dapat pinag iintay yung mga ganitong babae.
Napansin ko lang, kanina ka pa ditto..may iniintay ka din ba?
Obvious naman di ba?
Ah pasensya na.
parang ang dali nyang mapikon :D gusto yata nitong asarin ko sya.
Miss pwede ko bang malaman pangalan mo?
Di sya sumagot, well baka nga naasar na sya sakin.
Ganitong ganito kami ni thea nung una kaming magkakilala. Ditto din yon sa starbucks, suplada din sya noon at madaling maasar. Ayaw na ayaw nyang kinakausap sya ng taong di nya kilala. Unang kita ko pa lang sa kanya parang gusto ko na syang angkinin.
Yung pangalawa naman naming pagkikita, sa McDo, nagkasabay kami sa counter then nung tapos nang um-order at uupo na, isa na lang ang vacant table, syempre pasikat ako, sya na yung pinaupo ko at sabi ko ako na lang ang mag iintay. Shocks kasi sabi nya share na lang kami, ayos :D mabait naman pala sya kahit papano. Nung time na yun, medyo nagkwento na sya, di na ko nahiyang magtanong kasi interesado talaga ko sa kanya. Nakakatuwa kasi sinasagot naman nya mga tanong ko, siguro tinatanong nyo kung kinuha ko ba yung no. nya? :D mga ungas, cheap lang gumagawa nun! Pero eto ang sikreto. Bago sya umalis sa table, tinanong ko sya kung pwede ba kong makitext,